Mark Herras denies fathering secret love child: “Wala talaga akong anak.”

Mark Herras on being loveless: “Siguro naninibago lang yung ibang tao at yung mga tao sa paligid dahil wala akong nililigawan ngayon. Wala akong girlfriend. Kailangan ba meron agad?”


Mariing pinasinungalingan ni Mark Herras ang balitang may anak na raw siya sa pagkabinata, at sinusportahan niya raw ang bata.

Diin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala… wala talaga, e.

“Wala akong sasabihin dahil talagang wala talaga.

"Wala ho talaga."

Dagdag pa niya, “Hindi naman bago na naisyuhan ako ng ganyan, e.

“Kahit nung nagsisimula pa lang ako sa showbiz, naisyu na sa akin ‘yan.

“The same pa rin ang sagot ko, wala.

“Wala talaga akong anak.”

LOVELESS. Wala rin daw lovelife ngayon si Mark.

Naiintindihan naman daw ng Kapuso actor ang pangungulit sa kanya ng iba na pumasok na uli siya sa isang relasyon.

“Siguro naninibago lang yung ibang tao at yung mga tao sa paligid dahil wala akong nililigawan ngayon.

“Wala akong girlfriend. Kailangan ba meron agad?” tawa niya.

Ang huling naging girlfriend ni Mark ay si Ynna Asistio, at tumagal ng limang taon ang kanilang relasyon.

Mas magaan ba ang buhay nang walang lovelife?

Tugon niya, “Mas okey ako ngayon.

“Yung relationship ko kay Ynna, five years, di ba?

“Sobrang maganda naman yung samahan namin ni Ynna. Malaki ang binago sa akin nung relasyon na yun bilang tao.

“So, after that, ayoko muna. Mas magpu-focus muna ako sa trabaho.”

Ano ang reaksiyon ni Ynna sa balita tungkol sa posibilidad na pagbabalikan nila ni Jennylyn Mercado, na kasama ngayon ni Mark sa Rhodora X?

Sagot ni Mark, “Wala naman.

“Kasi kami ni Ynna, we’re good friends naman after the breakup.

“So, okey naman kami. Never naman naming pinag-usapan ang trabaho.

“Basta nung kami pa, lagi naming sinasabi sa isa’t isa, susuportahan namin ang isa’t isa pagdating sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN