Kapuso comedian Betong Sumaya laughs off gay rumor

Nalulungkot si Betong Sumaya na hindi nila nakakasamang mag-promote ng GMA Films movie na Basement ang dalawa sa co-stars nilang sina Ellen Adarna at Sarah Lahbati. Si Ellen ay lumipat na sa bakuran ng ABS-CBN, habang si Sarah naman ay may isyu sa Kapuso network.


Pinagtatawanan lamang ng comedian na si Betong Sumaya ang intriga tungkol sa pagkuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “E, siyempre, opinyon.

“Pero siguro po dahil kasi yung mga role-role ko po sa Bubble Gang, ‘tapos sa Survivor iyak ako nang iyak, so…”

Si Betong ay mainstay ng weekly gag show ng GMA na Bubble Gang, at naging Ultimate Sole Survivor sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Edition noong 2012.

Ngunit idiniin ni Betong na hind siya bading.

“Hindi naman po!” bulalas niya.

Bakit hindi niya niligawan ang ka-partner niya sa Survivor na si Mae Bautista?

“Tita ko po yun, e, pamangkin po niya ako! Tiyahin ko po yun, tiyahin!” natatawang biro niya.

BETONG’S LOVELIFE. Pero mayroon daw lovelife ngayon si Betong.

“Meron po, kaya lang po ngayon, ano muna po, career muna,” sabi niya.

Hindi kaya dahil single pa si Betong hanggang ngayon kaya siya naiintrigang bading?

Pagsang-ayon niya, “Opo, e, kasi nga, parang…

“E, kasi ngayon pa lang po ako nagsisimula sa ano [career], e, so parang gusto ko muna pong mag-concentrate dun.

“Baka iba po ang priorities pag may pamilya na, e, so…”

Hirit pa ni Betong tungkol sa kanyang lovelife ngayon, “Alam ko po kami, pero siya po, hindi niya alam na kami.

"Ako lang po ang nakakaalam!

“Marami po sila, e. Alam ko po na kami, pero sila hindi nila alam.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Betong sa presscon ng horror film na Basement ng GMA Films.



ELLEN ADARNA. Kasama rin sa cast ng Basement ang sexy star na si Ellen Adarna, pero ngayon ay nasa bakuran na ito ng ABS-CBN.

Ayon kay Betong, wala siyang ideya kung bakit umalis sa GMA si Ellen, na kasamahan din niya noon sa Bubble Gang.

Sabi ng komedyante, “Ang alam ko lang po, parang career move, parang…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Close po kami, pero hindi po namin napag-usapan yun, kasi hindi na kami nagkaroon ng chance na mag-usap.

“Kasi nung hindi na po siya dumating sa Bubble Gang, hindi na rin po kami nagkita.

“Parang okay pa siya nung nagkita kami, pero nung parang the following week, hindi na siya pumasok.

“’Tapos, hindi na namin alam kung bakit.”



SARAH LAHBATI. Ikinalulungkot din daw ni Betong na, bukod kay Ellen, hindi rin nakakapag-promote ang isa pang artista ng Basement na si Sarah Lahbati.

“In a way kasi, parang sana mas masaya kung kumpleto po kami.

“Pero siyempre, nangyari po kasi itong pelikula bago po yung ano nila, e.”

May alam ba siya kung ano talaga ang istorya ni Sarah?

Tumawa muna si Betong at saka sinabing, “Hindi, kumbaga, yung nangyari po, natapos po yung pelikula hanggang sa nagkaroon po siya ng problema.”

Ano ang naging problema ni Sarah?

“Hala!” ang tumatawa pa ring reaksiyon ni Betong.

“Hindi po, di ba, nagkaroon po ng mga parang mga… nagkaroon ng isyu.

“Pero natapos po niya ang pelikula.”

May mga eksena raw sila ni Sarah sa Basement at wala silang naging anumang problema.

“A, wala po, masayang-masaya po kami!”



BASEMENT. Tungkol naman sa Basement, tinanong namin si Betong kung mamamatay ba siya sa pelikula.

Sagot niya, “Naku, abangan ninyo po!

“Kasi iyon yung parang ano, kasi sa dami po namin dito na nagsama-sama, parang sino yung matitira, sino yung mabubuhay, sino yung makakain.”

Matatakutin daw si Betong sa tunay na buhay.

“Hindi po ako nakakatulog ng patay ang ilaw, kailangang merong source of light.

“Kasi, parang feeling ko, siguro dahil kapapanood ko dati ng Magandang Gabi, Bayan

“Di ba, pag Halloween special nila, pag Magandang Gabi, Bayan, parang hindi ka makakatulog buong magdamag, kasi iisipin mo yung mga napanood, ‘tapos iyon, mga ganun po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dati kasi, pag sa probinsiya, yung mga kuwento na pag may buntis, yung mga tiktik-tiktik, yung mga ganun.”

Ang Magandang Gabi, Bayan ang dating show ni Noli de Castro sa ABS-CBN.

Paano niya kinaya na mag-shooting ng Basement na may elementong aswang?

“Iyon nga po yung challenge po dun, kasi kailangang ipakita namin na may nakikita kami kahit wala namang nakikita.

“So, iyon yung pinaka-challenge po dun sa pelikulang ito.

“At ang galing ni Direk Topel [Lee]!” bulalas ni Betong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN