Ai-Ai delas Alas learns how to swim for mermaid role in Dyesebel

Bagamat malalaki na ang tatlong anak ni Ai-Ai delas Alas, hindi pa raw siya handa sakaling maisipan ng mga ito na lumagay na sa tahimik. Sabi ng comedienne, "Naku, kasal agad? Nasa debut pa lang, e. Ay, hindi puwede! Kahit si Sancho, huwag muna. Mag-ipon muna siya."


Nagsimula nang maghanda si Ai-Ai delas Alas para sa role niya bilang sirena sa upcoming fantaserye ng ABS-CBN, ang Dyesebel.

Si Ai-Ai ang gaganap na ina ni Anne Curtis, na siya namang gaganap bilang bagong Dyesebel.

Kuwento ng Comedy Queen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nag-aaral ako ngayong lumangoy.

“Saka bukod sa nag-aaral ako lumangoy, aaralin mo rin lumangoy na may buntot ka, e.”

Nakaka-tatlong araw na raw ng training sa swimming si Ai-Ai.

"Next week, ii-straight ko yung ten days na aral ng paglangoy.

"Swimming muna, tapos yung may buntot.

“Hindi talaga ako marunong lumangoy, inaaral ko pa lang," lahad niya.

Hindi ba siya natatakot sa kanyang role, considering na hindi naman talaga siya marunong lumangoy?

"Okey lang, tama lang. So far, tama lang.

“Kaya naman, wala namang… lahat naman pipiliting kayanin.

“Saka first time kong gumanap na isda.

"Masarap.... first time kong gumanap na sirena," excited na sabi niya.



FROM DYOSA TO DYOSA. Dahil tumatak kay Anne ang taguri bilang “dyosa,” kailangan daw na ang kanyang ina na sirena sa Dyesebel ay dyosa rin ang dating.

Ano ang masasabi ni Ai-Ai dito?

"Oo, dyosang-dyosa naman ako, a! Meron ba tayong problema sa dyosa?” tawa niya.

Ayon pa kay Ai-Ai, "Saka ako talaga yung pumili na isda ako.

“Pinapili nila ako kung tao ako o isda ang role na gusto ko. Doon ako sa isda ako para challenging.

“Ayoko nung tao. Ang dami ko nang nanay role na nasa lupa ako."

Ito ang ikalawang pagkakataong gaganap si Ai-Ai na ina ni Anne. Ang una ay sa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007).

"Oo, isa sa movie. Pero sa soap, first [time].

“Magi-start kami ng taping ko, February 10.

“Mahirap ’to. Saka out of town ang taping namin, sa Batangas."

BIRTHDAY PARTY. Puyat at halos walang tulog si Ai-Ai nang makausap ng PEP sa It’s Showtime noong Sabado, February 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, "Nag-party kasi kami, birthday ni Sancho.

“Kaya ang pula at maga ang mga mata ko, dahil sa puyat."

Si Sancho ang panganay na anak ni Ai-Ai.

Masaya naman si Sancho sa kanyang birthday party?

"Super!” bulalas ni Ai-Ai.

“Sabi nga ni Ate [kapatid ni Ai-Ai], parang ano, e, kapag pumalakpak, parang mapuputol na yung kamay niya, e.

“Lahat ng atensiyon ko, nasa kanya, e."



BIRTHDAY GIFT. Sobrang natuwa raw kasi si Sancho sa ibinigay na birthday gift ni Ai-Ai, pero hiniling niyang huwag na naming isulat kung ano ito.

"Oo, umiyak siya. Shocked na shocked siya,” sabi ni Ai-Ai.

Bakit niya naisipang bigyan ng ganun kamahal na regalo si Sancho?

Paliwanag ng 49-year-old actress, "Kasi ano, e, wala pa kaming budget.

“Gusto kong palitan yung car niya, e.

“Kaso magde-debut pa yung kapatid niya, si Sofia, sa States.

"Kaya konti-konti lang muna. Patas-patas lang."

Anong brand ng kotse ang ireregalo niya sana?

"Subaru ang kotse niya ngayon. Toyota lang naman, mas mura.

“Pero next time na kasi yung kapatid naman niya, susunod, magde-debut sa April.

"April 15 ang birthday ni Sofia, pero sa 19 ang party niya.

“Doon siya [Amerika] magse-celebrate. Pero hindi ako pupunta.


“Magpapadala lang ako ng mga kung anu-ano. Sa June na ako pupunta.

“May teleserye ako, e. Hindi ako pinayagan."

Naglalakihan na ang tatlong anak ni Ai-Ai—sina Sancho, Sofia, at Sean Nicolo.

Sooner or later, isa-isa na rin silang mag-aasawa. Handa na ba siya?

"Naku, kasal agad? Nasa debut pa lang, e.

“Ay, hindi puwede!

“Kahit si Sancho, huwag muna. Mag-ipon muna siya," sabi ni Ai-Ai.



SANCHO AS PBB HOUSEMATE? Tuloy ba ang plano ni Sancho na sumali sa Pinoy Big Brother?

Ayon kay Ai-Ai, "Nag-audition, pero let’s all pray na papasok siya."

Gusto ba ni Sancho?

"Oo, siya ang may gusto nun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto niyang mag-artista. Ako lang ang ayaw.

“E, malaki na siya ngayon, kaya okey na.

“E, gusto ko makatapos muna siya ng pag-aaral.

“Alam ko mahilig mag-artista na nag-aaral, tapos nagtatrabaho… mahirap.

“So, ngayon, pa-isa-isa lang."

Ano ang natapos na kurso ni Sancho?

"Graduate siya ng Culinary Arts. At least, may natapos na, puwede na.

"Wala na akong mahihiling sa kanila basta mag-aral sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN