Richard Yap reacts to Xian Lim’s controversy; amused that teen daughter has her own fanbase

Richard Yap performs the most important role in his life outside the camera, that of a family man. At home, he’s a good husband to Melody and plain Daddy to Ashley, 17, and Dylan, 10: "I’m just their dad. Because they grew up knowing me na ganito, wala namang nagbago just because artista ako... Normal kami."


Nagkataong ilang dipa lang ang layo ni Richard Yap nang maganap ang isyung kinasangkutan ng kapwa niya Kapamilya star na si Xian Lim sa Binondo nung bisperas ng Chinese New Year.

May show si Richard sa Lucky Chinatown, habang si Xian naman ay nasa plaza sa harap ng Binondo Church para sa Banana Nite.

Napanood daw ni Richard sa news ang ginawa ni Xian sa lookalike ng ka-loveteam ng young actor na si Kim Chiu sa stage.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

"Actually, pinapapunta rin ako doon, pero I had another commitment, hindi ko na kayang pumunta na rin," sabi ni Richard nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol sa pangyayari.

Patuloy niya, "Katrabaho ko kasi si Xian dati. Siguro off-night lang niya.

"I don’t know, I can’t speak for him.

"Pero kung sa akin mangyari yun, I’ll just probably say hi to the girl.

"Kasi parang naging host siya doon."

Para maiba ang usapan, nagbiro na lang ang kilalang "Ser Chief" ng popular daytime soap na Be Careful With My Heart.

Aniya, "Kung may ka-lookalike ako, sasabihin ko lang, ’Puwede ka bang mag-sub sa akin muna para magpahinga ako?’

"Sinasabi ko na nga sa show, ’Pa-sub niyo na ako para makapagbakasyon muna ako!’"

A GOOD YEAR. Nakausap ng PEP ang Tsinoy na aktor sa inihanda niyang thanksgiving party para sa entertainment press, sa Wangfu Bistro and Resto, sa kanto ng Tomas Morato at Roces Avenue, Quezon City.

Positibo si Richard na magiging maganda ang 2014 para sa lahat.

Lalo na sa kanya at sa buong cast ng Be Careful with My Heart dahil na-extend na naman ang show ng isang taon.

Sabi niya, "I think it’s going to be a good year for all of us, we still have work for the whole year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, suwerte tayo, suwerte tayong lahat."

Bukod sa toprating teleserye niya, nag-Platinum na rin ang debut album ni Richard.

May kasunod na ba ang first album niya?

"Wala pa, so far, kasi wala pang one year yung album.

"Nag-Platinum na siya nung November. Okey naman."

Nakapagbakasyon naman daw siya sa ibang bansa nung Christmas break kasama ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Richard, "We had two weeks off, nag-Dubai kami.

"We just wanted to bring the kids there.

"Christmas kami nandoon. Mga one week, bakasyon lang talaga.

"Parang maganda ulitin yung experience. Second time na rin nila [ng mga anak niya]."

Ang unang beses na nadala ni Richard ang pamilya niya sa Dubai ay nang nag-show ang Be Careful With My Heart doon.



FAMILY MAN. Masayang nagkuwento si Richard nang tanungin kung ano ang reaksiyon ng mga anak sa kasikatan ng daddy nila ngayon.

Ang dalawang anak ni Richard ay sina Ashley, 17, at Dylan, 10.

Sagot ng 46-year-old Kapamilya star, "Wala naman silang pakialam, parang ano pa rin sila, parang I’m just their dad.

"Because they grew up knowing me na ganito, wala namang nagbago just because artista ako."

Nasa eskuwelahan daw ang mga anak niya sa oras na ipinapalabas sa TV ang Be Careful With My Heart.

"But yung My Binondo Girl, napanood nila, siyempre parang natutuwa-tuwa.

"Hindi naman sila kasi showbiz."

What about sa school ng mga anak niya, pinagkakaguluhan ba ang mga ito?

"Walang ano... may magpapadala sa kanila sa bahay o magpapa-autograph.

"Normal kami. They call me daddy at home.

"Nakikita nila kapag maraming nagpapa-picture."

Tinuturuan ba niya ang mga anak niya on how to react sa harap ng fans?

Ayon kay Richard, "Alam naman nila na we have to accommodate them as much as we can.

"So, tatabi lang sila o pag walang kukuha ng picture, yung daughter ko ang mag-o-offer na kumuha ng picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang naman. Yung daughter ko nga, may fanbase din, e."

May pangalan ba ang fans club ng anak niya?

"Hindi ko alam, kung anu-ano.

"Pero ayoko talaga silang masyadong ma-expose.

"Kasi siyempre, nag-aaral sila."

Wala ba silang balak ng misis niyang si Melody na dagdagan ang kanilang mga anak?

Sagot ni Richard, "Tama na yung dalawa sa amin.

"Saka kapag nag-anak pa ako ngayon, baka ang tingin niya sa akin, lolo na! ’Lolo ko na ’to.’"

Kailan magde-debut si Ashley at ano ang plano nila?

"This year, April. I think we’ll just have a simple dinner.

"Hindi naman siya humihingi ng debut. She’d rather have a trip."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN