Lovi Poe on status of relationship with Rocco Nacino: "We’re seeing each other… nothing official."

Lovi Poe on being secretive about her lovelife: “I think I’m giving enough. Kasi what you see is what you get. Yun na lang yun, e. ’Di ba, same na rin?”


Ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso, wala pa raw plano si Lovi Poe kung paano niya ito ipagdiriwang.

Aniya, “I don’t know yet.

"Wala pa akong idea, but I’m looking forward to it, because I’ll be back home from Poland [by then]."

Umalis si Lovi noong Martes, February 4, papuntang Poland para sa kasal ng kanyang uncle.

Babalik siya sa Pilipinas sa February 11, mismong araw ng kanyang 25th birthday.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi matapos ang hosting stint niya sa Sunday All Stars, noong Linggo, February 2, sa GMA Studios.

ROCCO NACINO. Inalam ng PEP kay Lovi kung makakasama ba niya sa trip niya sa Poland ang rumored boyfriend niyang si Rocco Nacino.

Tugon nito, “No, no... I’ll be with my family.”

Nae-excite ba siya kung ano ang sorpresang inihanda ni Rocco para sa kanya sa Valentine’s day?

“Hindi naman, I’m not thinking about it,” nakangiting sabi ng Kapuso actress.

Madalas naming makitang magkasama sina Lovi at Rocco sa Sunday All Stars.

Lagi ring nasa dressing room ni Lovi si Rocco kapag hindi sila nakasalang sa stage. Ang nasabing dressing room ay tinitigilan din nina Heart Evangelista, Carla Abellana, at Janine Gutierrez.

Binanggit namin kay Lovi ang obserbasyon naming masaya sila ni Rocco kapag nagkakasama.

Pagsang-ayon naman niya, “Yeah, we are getting along well.”

With feelings and sweetness as well?

“Yeah, kasi nagja-jibe, nagki-click yung personalities namin.

"And I think, that’s the most important thing, yung magki-click."

NOTHING OFFICIAL. Maraming beses nang hindi nagbibigay ng malinaw na sagot si Lovi kaugnay sa balitang magkarelasyon na diumano sila ni Rocco.

Ngayong inamin na niyang maganda ang samahan nila ni Rocco, posible kayang kumpirmahin na rin ng aktres ang tunay na estado ng relasyon nila ng Kapuso actor?

Ngunit mabilis na sagot ni Lovi, “Nothing, nothing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re seeing each other, but then, we’re not… nothing official.

"We’re just enjoying each other’s company and let’s see where it goes.”

Kapansin-pansin namang nag-e-effort talaga si Rocco na tutukan si Lovi at patunayan dito ang kanyang intensiyon.

Sumang-ayon naman dito si Lovi.

“Of course, consistency is the key, ’di ba? It’s always the key to everything.

"Kasi walang mangyayari kapag putol-putol.”

Ano yung mga bagay na ginagawa ni Rocco na nakakapagpakilig sa kanya?

“He makes me laugh... a lot. Simpleng bagay lang.”

Gaano sila kalapit ni Rocco sa isa’t isa?

“We’re really, really close. Siya ang pinakamalapit na lalaki sa akin,” sagot ni Lovi.



MORE THAN FRIENDS. May nararamdaman ba siya para kay Rocco na higit pa sa pagiging kaibigan?

Tugon niya, “Yeah, let’s just wait and see.

"When it comes to feelings, I’m not comfortable talking about it.

"I’m not very expressive.”

Hindi pa siya handang na pag-usapan ang lovelife niya?

“Lagi naman akong ’di ready, e.

"Parang ayokong pangunahan minsan."

Paliwanag pa niya, “I think I’m giving enough.

"Kasi what you see is what you get. Yun na lang yun, e.

"’Di ba, same na rin?"

Ibig sabihin, yung nakikita ng media sa mga kilos at galaw nila ni Rocco ay ebidensiya na kung ano ang mayroon sila?

“No, hindi naman ganun…I don’t know, it’s hard for me to explain,” sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN