Jopay Paguia and Joshua Zamora together again; plan to settle down mid-2014

Napatunayan nina Joshua Zamora at Jopay Paguia ang kasabihang "Sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy." Ito ay pagkatapos magkahiwalay at magkabalikan ng dalawang dancers, ngayon ay nagbabalak na silang magpakasal.


Nagkabalikan na ang "dancing couple" na sina Joshua Zamora at Jopay Paguia.

Si Joshua ay miyembro ng Maneouvres, habang si Jopay naman ay dating miyembro ng SexBomb Girls.

Kinumpirma ng dalawa ang kanilang pagbabalikan nang makausap sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand coronation night ng “Bilbiling Mandaluyong” noong Linggo, February 2, sa Mandaluyong Gymnasium.

Ang kapatid ng comedienne na si Ethel Booba na si Emy Rose Gabison ang nagwagi sa nasabing patimpalak.

Pagkatapos ng pageant ay nilapitan namin sina Jopay at Joshua para sa interview na ito.



TOGETHER AGAIN. "Opo, months pa lang po. Last year," pagkumpirma ni Jopay nang tanungin namin kung nagkabalikan na nga ba sila ni Joshua.

Matatandaang pitong taon na ang relasyon nina Jopay at Joshua, at nagbabalak nang magpakasal, nang magdesisyon ang dalawa na maghiwalay noong 2011.

Read: Jopay Paguia ends seven-year relationship with Joshua Zamora; returns to SexBomb

Paano sila nagkabalikan?

Sabi ni Jopay, "Nanligaw siya ulit. Kinausap niya ang family ko and then ako."

Ano ang sinabi ni Joshua sa kanya?

"Kung puwede mag-umpisa ulit."

Ano naman ang isinagot niya?

"’E, di mag-try ka,’ sabi ko."

Anong klaseng “pagta-try” naman ang ginawa ni Joshua sa kanya?

"Effort, sobrang effort. Like, sa work ko, pinupuntahan niya ako. ‘Tapos, nagdo-double effort siya."

Ilang buwan bago niya tinanggap ulit si Joshua?

"Mga eight months siyang nanligaw."

Gaano na sila katagal magkarelasyon ulit ngayon?

"Wala pa kaming four months ngayon,” sagot ni Jopay.

Ano ang naging deciding factor at tinanggap niya mulis si Joshua?

"Siyempre, si God, in-impress Niya sa akin na okey naman kaming dalawa… he’s a good guy naman, e."

Tuluy-tuloy na ba sa kasalan ang kanilang pagbabalikan?

"We’ll see," sagot ni Jopay.

"Nasa sa kanya naman po yun, e.

“Hopefully, okey naman po siguro."

Hindi ba siya natatakot na baka bigla na naman ulit siyang iwanan ni Joshua?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi naman. Okey naman," paniniyak ni Jopay.



SPACE FROM EACH OTHER. Sumunod naman naming tinanong si Joshua kung bakit siya nagdesisyong suyuin muli si Jopay.

Tugon niya, "Well, ang nangyari kasi sa amin talaga is, after kaming maging active sa church, doon namin na-realize na may mga inayos lang sa amin, e.

“And kahit naman nung naghiwalay kami, hindi kami umabot sa point na naisip ko totally wala na.

"Kumbaga, binibigyan pa rin namin ng chance na maayos namin siya.

“Parang for the meantime ay hanapin muna namin yung aming mga sarili, which nahanap talaga namin.

"I mean, yung aming relationship is not about ourselves, e. Parang nakita namin na it’s more of God.

"Na-reveal sa amin na kung para talaga sa amin yung relasyon namin, matagal na talaga kaming naghiwalay."

Ano ang mga dahilan kung bakit siya nagdesisyong ligawan ulit si Jopay?

Saad ni Joshua, "Actually, marami, e. Maraming factors talaga.

“Hindi ko na rin inisip na maghanap din ng iba dahil mag-a-adjust na naman ako, feeling ko, sa ibang family.

“Pati ang mga bata rin, at the same time, kailangan na naman maging close.”

Ang tinutukoy na “mga bata” ni Joshua ay ang mga anak niya mula sa dating asawa.

Patuloy ng dancer-actor, "So, hinayaan lang namin na mag-heal yung mga wounds namin, especially her, na siyempre it’s a big deal yung ginawa kong pag-drop [sa kanya].

"Engaged na kami, kulang na lang talaga ikasal kami. Lahat yun na-drop off.

“And naniniwala kami dahil with God’s guidance, alam namin na na-heal totally yung mga sugat namin.

"At puwede kaming ma-restart, ma-refresh, ma-reset."



JOPAY’S PARENTS. Totoo bang niligawan din niya ang pamilya ni Jopay?

Sagot ni Joshua, "Oo, kasi sa pamilya niya, walang problema dahil super close din ako sa kanila, and ganoon din sila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala kaming problema sa relationship."

Kailan siya sinagot ulit ni Jopay?

"I think nag-start ’yan last year talaga… siguro mga early January ’yan, e.

"Kasi naalala ko, nung December 2012, hinarana ko siya, e, during our Christmas party sa theater na pinagtatrabahuhan namin.

"During that time, hindi pa kami [ulit], pero nung January, naramdaman namin na parang sabi niya, ’Okey na. Okey na rin ako.’

“Kaya kami na ulit," kuwento ni Joshua.

Totoo rin bang walong buwan niyang niligawan si Jopay bago niya nasungkit ulit ang matamis nitong oo?

"Siguro medyo shorter than that, kasi yun nga, hinayaan muna naming mag-heal kami.

“Medyo hinayaan muna namin na nagkaroon kami ng space sa bawat isa.

“Pero alam niya yun, namu-monitor pa rin namin ang ginagawa ng isa’t isa.

“Akala nga nila hindi kami naghiwalay talaga, e.”



THE WEDDING. Ngayon ba ay matutuloy na ang naudlot nilang kasal ni Jopay?

"Yeah, we’re planning na rin. Kasi feeling namin, hindi na rin kami bumabata!" natatawang sabi ni Joshua.

Nag-propose na ba siya kay Jopay?

"Meron na," pag-amin niya.

Kailan?

"I guess late last year."

Kailan naman nila balak magpakasal?

"A, we’re planning mid this year."

Anong klaseng wedding ang ibibigay niya kay Jopay?

"Well, we wanted na simple lang talaga. It’s a Christian wedding, definitely.

“Gusto namin ma-focus sa ceremony, hindi yung sa party lang.

“I mean, we want to focus doon sa vows na ibibigay namin sa isa’t isa," sabi ni Joshua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN