Vice Ganda says jokes about Vhong Navarro meant to bring laughter to Showtime co-host

“’Yon ang request niya [Vhong Navarro], ‘Patawanin niyo ako.’ Kaya sabi ko, ‘Sige, papatawanin kita, at ikaw ang gagawin kong subject sa pagpapatawa ko.’ Pinapatawa ko siya. Tawa lang siya nang tawa," says Vice Ganda explaining why he uses the Vhong Navarro issue as subject of his jokes recently.


Pampagaan ng sitwasyon at hindi raw para gumanti ang dahilan kaya nagagawa ngayon ni Vice Ganda na magbiro tungkol sa isyung kinasasangkutan ng kanyang It’s Showtime co-host na si Vhong Navarro.

Sunud-sunod na ang pagpapatawa ni Vice ngayon sa kanilang noontime show gamit ang pambubugbog kay Vhong, at nagiging trending topic pa nga ito sa social media.

Read: Vice Ganda jokes about Vhong Navarro’s issue on "It’s Showtime"

Ngunit hindi raw ito patama sa kung sinumang sangkot sa insidente.

Sa panayam kay Vice ni Reyma Buan Deveza ng ABS-CBN News kaninang tanghali, February 5, ipinaliwanag ng comedian-TV host, “Hindi naman namin ginagawa ito para gumanti.

“Ginagawa namin ito para gumaan ang sitwasyon, kasi as it is ay malungkot na kami sa Showtime sa nangyari kay Vhong.

“Pero hindi kami puwedeng magpa-overpower sa lungkot sa pangyayari. Kasi, ‘yon nga, as it is, malungkot nga.

“Yung mga nanonood sa amin sa mga bahay ay siguradong may mga pinagdadaanan din ’yan.

“Kung palulungkutin namin sila nang palulungkutin, mas lalong ‘di namin mase-serve ang purpose ng show namin.

“Ang core ng Showtime, dapat lagi tayong happy, kasi we want the madlang people happy.”

Bukod sa pagpapasaya sa mga manonood, ito rin daw ang paraan ni Vice para mapasaya ang kanilang kasamahan sa trabaho, na nanonood ng programa habang nagpapagaling sa ospital.

Kuwento ni Vice, “’Yon ang request niya, ‘Patawanin niyo ako.’

“Kaya sabi ko, ‘Sige, papatawanin kita, at ikaw ang gagawin kong subject sa pagpapatawa ko.’

“Pinapatawa ko siya. Tawa lang siya nang tawa.”



MAKING THE SITUATION LIGHTER. Bukod sa kagustuhang mapasaya si Vhong, isang paraan din daw ang paggamit ni Vice ng nangyari sa kanyang jokes para mapagaan ang sitwasyon.

Sabi ni Vice, “Kasi nga, noong nagsimula ang isyung ito, parang ang bigat-bigat sa ating lahat.

"Ngayon, unti-unti nang gumagaan at kaya na nating pag-usapan nang kaswal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Tapos, nagiging biro na paminsan-minsan.

“Ito ay isang manipistayon na nakaka-move on na tayo.

“Kasi hindi puwedeng habambuhay tayong lugmok at malungkot, na mababa ang energy natin dahil sa pangit na pangyayari.

“Tutal alam naman natin ang nangyari, narinig na natin ang sinasabi nilang nangyari, kinapulutan na ito ng aral nating lahat.

“Kaya it’s time to move forward. Gawin na nating light.”

Samantala, tiniyak naman ni Vice na hindi niya aabusuhin ang paggamit ng sitwasyon sa kanyang mga biro.

Aniya, “Sinasabihan din ako ng management na, ‘Okay ’yan, pero hanggang diyan lang, hanggang ganito lang.’

“Alam ko din naman ang limitasyon.”

Diin pa niya, “Ito ay ginagawa namin hindi para gumanti, hindi.

“Gusto lang namin na mapagaan yung pangyayari at makapagpasaya.

“At natutuwa kami na madami ang positibo ang pagtanggap sa biruan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN