Jake Vargas offended by Xian Lim’s comparison of Kim Chiu-lookalike to Bea Binene

Jake Vargas on entering politics: “Hindi ko po iniisip yun, pero minsan naano ko na, ‘Darating kaya ako sa ganun?’ Pero parang ang hirap, e, kasi marami kang magiging kaaway, ’di ba? So, sa akin, siguro inisip ko mag-aartista na lang ako hanggang sa pagtanda ko."


Hindi nagustuhan ni Jake Vargas ang ginawang biro ng Kapamilya actor na si Xian Lim sa isang ka-lookalike ni Kim Chiu, na mas kamukha raw ni Bea Binene.

Si Bea ay girlfriend ni Jake.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

Sabi ni Jake tungkol sa isyu, “Sa akin po, parang hindi naman po siguro maganda yung ganun.

"Siyempre, kahit papaano, ’di ba, babae, kailangan nirerespeto ’yan, e.

“Siguro po sa akin, hindi maganda yung ginawa niya.”

Ano ang unang naging reaksiyon ni Jake nang nalaman niya ang tungkol sa isyu ni Xian?

“Sa akin naman, lalaki siya, dapat kailangan niya yung... siyempre ako, lalaki ako, dapat alam mo yung obligasyon mo sa babae. ’Di ba?”

Kung sakaling magkasalubong sila ni Xian, ano ang sasabihin niya dito o ano ang gagawin niya?

Sagot ni Jake, “Siguro po, wala po siguro.

"Hindi, alam ninyo naman po siguro na... basta wala po akong masasabi.

"Basta sa akin, dapat nirerespeto talaga ang mga babae."

Nakausap na rin daw ni Jake si Bea tungkol dito.

“Kasi sa akin naman, kasi siya, wala naman siyang sinabi, no comment naman siya dun kay Xian Lim.

"Wala, wala siyang sinabi.

"E, ako naman, ayoko ring makialam kasi isyu niya yun, e.

"Pero ako naman, gusto ko din naman na suportahan siya."

Kaugnay ng isyung ito ay humingi na ng paumanhin si Xian.

Samantalang si Bea naman ay nagpasalamat pa sa Kapamilya star sa pagkukumpara sa kanya nito sa ka-lookalike ni Kim Chiu.

Read:

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa presscon ng month-long 18th anniversary ng Walang Tulugan With The Master Showman noong Martes, February 4, sa 17th floor ng GMA Network Center.

SEXY PICTURES. Nilinaw naman ni Jake ang tungkol sa kumalat sa Internet na sexy pictures niya kasama ang isang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Dati na po iyon, e, matagal na po yun.

"Matagal na po yun, hindi pa po ako showbiz.”

Ex-girlfriend daw ni Jake ang kasama niyang babae sa larawan.

“Sa bahay po namin, marami po kami nung time na yun.”

Hindi lamang daw silang dalawa ng babae ang naroroon sa loob ng kuwarto.

Bakit wala siyang T-shirt sa naturang larawan?

“Mainit!” at tumawa si Jake.

“May kasama po kasi kami nung time na yun, siguro pinipiktyuran kami.

“Marami po kami nun, siguro mga lima.

"Wala po kaming ginawang masama. Kausap ko lang po siya.

“Siguro napagtripan lang siguro, alam niyo naman pag may ganyang tao, ’di ba, sisirain ka.

"Siguro po, kilala na po ako kaya ganyan, sinisiraan po ako."

Ano ang naramdaman niya nang kumalat ang mga larawan?

“Hindi ko na lang po pinapansin, kasi wala naman po talagang ano dun... wala namang nangyari.

"So, sa akin, binabalewala ko na lang.

“Kahit ilabas nila, wala naman silang makikitang mali. Wala naman silang makikitang masama dun sa picture.”

Wala raw idea si Jake kung sino ang nagkalat ng litratong iyon.

Ano ang reaksiyon ni Bea sa litrato?

“Si Bea, alam na niya yun, e.

"Sinabi ko na sa kanya before na may lumabas na ganyan, na picture.

"Pero sinabi ko sa kanya na wala namang masamang dun."

SIX YEARS. Samantala, mag-aanim na taon na si Jake sa Walang Tulugan With The Master Showman bilang isa sa main co-hosts ni German Moreno o Kuya Germs.

Sa anim na taon niya sa show, ano ang maitututring ni Jake na pinakamagandang nangyari sa kanya?

Saad niya, “Siguro po yung six years na yun, marami... maraming naging improvement sa sarili ko.

"Yung pagiging magaling sa acting, sa pagkanta, sa dance.

"Marami akong natutunan, marami akong naging kaibigan, marami akong nakilalang matataas sa GMA.

“So, sa akin, sobrang saya, kasi yung six years na yun, marami rin akong naging projects sa GMA talaga, na hindi nila ako pinabayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre yung mga nagmamahal sa akin na mga fans, sa lahat-lahat ng mga sumusuporta.

“Lalung-lalo na kay Kuya Germs, na hindi ako binitawan hanggang sa makilala ako ng tao.”

Bago si Jake, ang isa mga paboritong anak-anakan ni Kuya Germs ay si Isko Moreno, na isa na ngayong matagumpay na pulitiko bilang vice mayor ng Maynila.

Si Jake ba, nais ding pasukin ang pulitika balang-araw?

Tugon ng 21-year-old actor, “Hindi ko po iniisip yun, pero minsan naano ko na, ‘Darating kaya ako sa ganun?’”

Wala pa naman daw kumukumbinsi sa kanya na tumakbo kahit sa Sangguniang Kabataan.

Hindi naman itinanggi ni Jake na sumagi rin sa isip niya minsan na pasukin ang larangan ng pulitika sa tamang panahon.

“Oo, pero parang ang hirap, e, kasi marami kang magiging kaaway, ’di ba?

"So, sa akin, siguro inisip ko mag-aartista na lang ako hanggang sa pagtanda ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN