Alden Richards satisfied with positive feedback of team-up with Marian Rivera

Alden Richards on working with Marian Rivera: “Ang tingin at turing ko sa kanya, leading lady ko, parang kaibigan. Na, most of the time, kapag nagkakakuwentuhan sa set, nakakapag-usap kami tungkol sa mga bagay bagay na hindi namin napag-uusapan before. So, ang sarap lang ng feeling na we can talk about anything. Na kumportable kami sa isa’t isa.”


Sapat na raw para kay Alden Richards ang naririnig niyang positive feedback para maging kampante kaugnay sa team-up nila ni Marian Rivera sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

Malaki raw ang pasasalamat ng Kapuso matinee idol sa viewers na tumututok sa bagong primetime series na ito ng GMA Network.

“So far naman po, naririnig ko na maganda yung chemistry naming dalawa ni Marian.

“And nakakatuwa na very appreciative naman yung viewers. Wala kaming naririnig na negative.

“Marami na po kaming nagawang eksena ni Marian together.

“Mahigit two weeks na po akong nagti-taping na kasama siya,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden pagkatapos ng Sunday All Stars, noong Linggo, February 2.

Unang nagkatrabaho sina Alden at Marian sa dating primetime series na My Beloved (2012). Pero ito ang unang pagkakataon na naging leading man siya ng Kapuso Primetime Queen.

Saad ni Alden, “Sobrang thankful po ako sa chance na ito.

“Hindi ko in-expect na sa three years ko sa showbiz, naging leading man na ako ni Yan [palayaw ni Marian].

“So, malaking achievement.

“And mas kumportable na akong katrabaho siya.

“Hindi na katulad ng dati na pigil na pigil ang kilos. Na ang naikikilos ko lang ay yung sinasabi sa akin ng director.

“Ngayon, nakakakilos ako in accordance dun sa kung ano ang puwedeng natural sa aming dalawa ni Marian.”



INTIMATE SCENES. May nakunan na bang intimate scenes nila ni Marian?

Sabi ni Alden, “Wala pa po sa script.

“Pero so far po, yung kiss pa lang yung pinaka-intimate. Yung sa music video namin.”

Ano ang pakiramdam nang kinunan ang eksenang iyon?

“Masaya po ako. Parang, in a lifetime ba, ilang Marian Rivera ang mahahalikan mo? For me, isa lang.

“So, of course, grateful at saka happy, kasi one take lang po iyon.

“And sa mga scenes po naman na kinukunan sa ngayon, hindi pa ganun kalalim yung relationship ng characters namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya pinaghahandaan ang magiging intimate scenes nilang dalawa?

Sagot ni Alden, “Siyempre po, kailangan take one lang.

“Kasi siyempre, mahirap magpaulit-ulit.

“Hindi naman po ako nagti-take advantage, e.

“And mas maganda na mabilis ang trabaho para maraming makunan.”



LEADING LADY AND FRIEND. Hindi ba siya nakakaramdam ng attraction kay Marian ngayong madalas silang nagkakasama?

“Ako po kasi, trabaho lang talaga,” sabay ngiti ni Alden.

“At alam ko na ganun din siya. Ganun niya ako nakikita as a person.

“And mas maganda na walang inihahalong personal na interes sa trabaho, kasi masisira po, e.

“So, mas mabuting as is kami, bilang respeto na rin sa kanya.

“Ang tingin at turing ko sa kanya, leading lady ko, parang kaibigan.

“Na, most of the time, kapag nagkakakuwentuhan sa set, nakakapag-usap kami tungkol sa mga bagay bagay na hindi namin napag-uusapan before.

“So, ang sarap lang ng feeling na we can talk about anything. Na kumportable kami sa isa’t isa.”

Dagdag ni Alden, “At nakakatuwa rin na magkapareha kami sa isang primetime series na hindi kailangang magkaroon ng romantic angle yung team-up namin. Hindi namin kailangang ma-link pa sa isa’t isa.

“Mas maganda po iyon, kasi mas natural.

“Hindi kailangang pekein ang kung anuman.

“Na kapag sinabing leading man o ipinapares kayo, kailangang may ganung anggulo.

“Naniniwala po ako na mas maganda yung relationship na nabubuo kapag lahat natural, hindi pinipilit.

“Hindi kailangang gawan ng isyu na nagkakagustuhan, na kahit hindi naman totoo.

“Personally po sa akin, pangit sa pakiramdam.

“Kasi ganun kami nakikita ng tao, pero sa totohanan, hindi naman talaga.

“Pero masaya talaga ako sa chance na maging leading man ni Marian.

“Mabait siya. Ramdam ko na masaya siya dito sa project na pinagtatambalan namin.

“Nararamdaman ko rin na masaya siya sa pakikipagtrabaho sa akin at sa iba pang artista, at pati sa buong production staff na kasama namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DINGDONG DANTES. Ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay very vocal sa pagsasabing aprubado sa kanya si Alden bilang leading man ng aktres.

Sabi naman ni Alden, “Salamat kay Kuya Dong.

“Si Kuya Dong naman, ever since I’ve met him, wala akong narinig sa kanya kundi words of encouragement, words of support, at saka pagpapalakas ng loob sa akin.

“Kumbaga, in one conversation nga po na we had, naaalala ko na siya pa ang nag-suggest na dapat mag-partner kami ni Yan sa isang soap.

“Kasi iyon talaga ang sobrang… madikit lang sa pangalan ni Marian is sobrang big deal. What more yung maging leading man ka pa niya?

“So, iyon po ang napag-usapan namin ni Kuya Dong na hindi ko makakalimutan—na nangyari na ngayon.”

Dahil ang tinaguriang Kapuso Primetime Queen ang kapareha niya ngayon, may mga nagsasabing posibleng si Alden naman ay mabansagang "Kapuso Primetime Prince."

Ano ang reaksiyon niya rito?

“Mahirap po ‘yon!” sabay tawa niya.

“Ayoko pong i-claim yung ganung title, kasi wala po ako sa posisyon.

“Hindi po ako dapat magsabi kung ako na nga ba iyon.

“Kasi ang title po, ibinibigay iyan sa mga taong may napatunayan na, e.

“At ako po kasi, masyado po akong nakukulangan sa mga experience ko.”

Bukod sa Sunday All Stars at Carmela, may iba pa bang projects na posible niyang pagkaabalahan din?

“Mukhang may pinaplano pong movie for this year—it’s an indie film.

“Pero hindi pa lang po sinasabi kung sino ang makakasama ko.

“Naghihintay lang po ako na ma-finalize ang tungkol dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN