Jake Vargas tries his best to avoid temptations: "Mahirap na po pag nasimulan mo yung ganyan, magdidire-diretso na."

Jake Vargas on relationship with girlfriend Bea Binene: "Sobrang okey kami ngayon. Yung mga negative na nangyari before sa relasyon namin, naiiwasan na naming mangyari ulit ngayon."


Mas maayos na ngayon ang relasyon nina Jake Vargas at Bea Binene pagkatapos nilang mag-break at magkabalikan noong 2013.

“Okey naman kami, masaya kami araw-araw,” sabi ni Jake nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nila ni Bea.

Ano ang nabago sa relasyon nila mula nang magkabalikan sila?

“Mas naging mahal namin yung isa’t isa at saka mas naging matatag kami,” sagot niya.

Sa tingin ba niya ay magtatagal na ang relasyon nila ni Bea pagkatapos ng mga nangyari?

Mabilis na sagot ni Jake, “Sa tingin ko, opo.

“Sobrang okey kami ngayon.

"Yung mga negative na nangyari before sa relasyon namin, naiiwasan na naming mangyari ulit ngayon."



JEALOUS BOYFRIEND. Selosong boyfriend ba siya?

Pag-amin niya, “Ganoon po ako, e, sobrang seloso.

“Pag mahal mo ang isang tao, hindi maiiwasan yung selos.

“Kasi kung hindi ka magseselos, hindi mo talaga mahal yung isang tao.”

Ano ang plano nila ni Bea sa nalalapit na Valentine’s Day?

Ayon kay Jake, “Wala pa akong sinasabi sa kanya kung ano ang plano ko.

“Basta isu-surpise ko na lang siya, paghahandaan ko yun.”

Pero may naiisip na ba siyang gustong iregalo kay Bea?

“Surprise na lang po

"Kasi kung sasabihin ko, ‘tapos kapag nabasa niya itong interview ko, e, di wala nang dating yung regalo ko sa kanya."



TEMPTATIONS. Bago napabilang si Jake sa Walang Tulugan With The Master Showman ay gumagawa na siya ng commercials.

At mula nang mag-artista siya ay marami na siyang investments.

Nakabili na raw siya ng tatlong kotse at nakapagpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya, na kasa-kasama pa rin niya sa iisang bahay.

Hindi ba naiisip ni Jake na magsolo na rin, gaya ng iba niya kapwa artista na mula nang kumikita na ay nagdesisyong kumuha na ng sariling bahay?

Sabi ni Jake, “Oo naman. Dumarating sa akin yung ganyang naiisip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap kasi yung nag-iisa. Pero siyempre, natatakot pa ako.

“Parang nasanay na rin kasi ako na nandiyan sila palagi, yung mga kapatid ko.

“At saka, maraming tukso sa paligid.

"Parang marami akong naiisip gawin pag magsosolo ako.

“Siguro mas maganda yung nababantayan pa rin ako.”

May nararanasan na ba siyang mga tukso? May mga babae bang lumalapit sa kanya?

Sabi ni Jake, “May mga ganyan na tukso na lumalapit sa akin.

“Kaya lang, ako na mismo yung lumalayo.

“Kasi mahirap na po pag nasimulan mo yung ganyan, magdidire-diretso na.

“So, ako, pinipigilan ko yung sarili ko na huwag sumama sa kanila.”

Paano nagpapapansin sa kanya ang mga babae?

“Minsan sa Olongapo [hometown ni Jake], yung mga barkada ko na babae, niyayaya akong lumabas, e, gabing-gabi na.

“Minsan, nagyayaya silang uminom.

"Pero ako po, tinatanggihan ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN