Louise delos Reyes ignores comparison to Anne Curtis; inspired by Marian Rivera to go all out in Kambal Sirena

Louise delos Reyes on Anne Curtis: "Mataas ang respeto ko kay Anne dahil nauna siya sa aking mag-artista, magaling siya, at sikat na sikat siya ngayon."


Wala raw nararamdamang pressure si Louise delos Reyes sa pagiging lead star ng upcoming fantaserye ng GMA, ang Kambal Sirena.

Balitang ito ang itatapat sa Dyesebel, ang hinihintay ring fantaserye ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Anne Curtis.

Pahayag ni Louise sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, marami ang nagtatanong sa akin kung napi-pressure daw ba ako.

"Kasi nga, parehong mermaid yung gagampanan namin ni Anne Curtis.

“Ang pagkakaiba lang, sikat na sikat si Anne at sikat din yung role na gagampanan niya, which is Dyesebel.

“Honestly speaking, nung wala pa akong naririnig na Dyesebel, at nagti- training pa lang ako for Kambal Sirena—na super excited ako for the role—ganun pa din naman ngayon, walang pagbabago."

ORIGINAL VS. REMAKE. Paliwanag pa ni Louise, “Hindi ko na lang pinapansin yung pressure na ibinibigay ng ibang tao sa ginagawa nilang pagkukumpara sa Dyesebel at Kambal Sirena.

"Mataas ang respeto ko kay Anne dahil nauna siya sa aking mag-artista, magaling siya, at sikat na sikat siya ngayon.

“At sa Kambal Sirena, may iba pa kaming puwedeng ihain.

"Kasi original story ito, kumbaga, bago at fresh.

“Bukod sa pagiging sirena, meron pa akong kambal.

"So, ibang-iba yung story kumpara sa Dyesebel."

Trabaho lang naman daw ito, at dito nakapako ang isip at panahon ni Louise, hindi sa kung anu-anong nagsusulputang isyu.

Saad niya, “All we have to do is magtrabaho nang maganda at maayos.

“Gagalingan ko na lang at ibibigay ko kung ano yung hinihingi ng role ko, para mas mapaganda pa namin ang [show].

“Wag na lang pansinin yung mga ganung issue, hindi naman kasi makakatulong."

Kung may pressure mang nararamdaman si Louise, ito raw ay sa sarili niya.

Aniya, “Ako kasi nampi-pressure sa sarili ko, kung tatanggapin ba ng mga manonood yung role ko o magagampanan ko ba ito nang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko iniisip yung competition, ayokong mag-isip nang ganun.

“As I said, gagawin ko na lang ang best ko para magampanan ko nang buong husay yung role na ibinigay sa akin."

ADVICE FROM MARIAN RIVERA. Totoo bang kabibe lang ang takip ng dibdib ni Louise bilang sirena sa Kambal Sirena?

Pabiro niyang sagot, “Secret!

"Hindi, walang kabibe, buhok lang nga ang takip."

Naging madali raw para kay Louise ang tanggapin na buhok lang ang takip ng harapan niya dahil "na-inspire" siya sa advice ng kapwa niya Kapuso na si Marian Rivera.

Gumanap na ring sirena si Marian sa 2008 version ng Dyesebel.

Kuwento ni Louise, “Nakausap ko kasi si Ate Yan at sinabi niya na nung ginawa niya yung Dyesebel, hindi siya naglagay ng limitasyon sa ginagawa niya.

"Ibinigay niya lahat for the show.

"Na-inspire ako sa sinabi niya, kaya hindi rin ako nagbigay ng limitasyon sa role na gagampanan ko sa Kambal Sirena.

“And I know na hindi ako bibigyan ng project ng GMA na alam nilang hindi ko kaya.

“Kaya naman ibibigay ko yung 100 percent na puwede kong ibigay para sa soap namin, kasi alam nilang kaya ko ito.

“Gagawin ko ang lahat katulad ng ginagawa ni Ate Yan, basta kinakailangan sa eksena at para sa ikagaganda ng Kambal Sirena."

Hindi rin daw siya natatakot na baka makitaan siya ng boobs.

"May tiwala naman ako sa director namin at sa bumubuo ng soap namin, hindi siguro mangyayari yun."

Dire-diretso na ba ang pagpapa-sexy ni Louise?

Sagot niya, “Hindi naman, may limitations pa rin.

"Gusto ko lang magpakita ng konting skin, ma-tease yung mga manonood.

"Not to the point na todo-todo, gusto ko unti-unti lang.

"Basta abangan na lang nila yung mga lalabas pang teaser ng soap namin, para malaman nila at makita yung sinasabi ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN