Kim Chiu on temporary separation of love team with Xian Lim: “Yun din ang hindi ko maintindihan pero sumusunod lang kami bilang workers ng ABS-CBN."

Ayon kay Kim Chiu, hindi naman daw matagal ang pag-aantay ng Kim-Xi fans dahil muli silang magsasama ni Xian Lim sa isang pelikula sa third quarter ng 2014. Desisyon din daw ng management na pansamantala munang pagpahingahin ang kanilang tambalan.


Aminado si Kim Chiu na wala pa siyang plano pagdating sa Araw ng mga Puso.

Aniya, “Hindi ko pa alam e kasi Friday ba yun, may taping ‘ata yun.”

Maski daw kasi ang napapabalitang nobyo nitong si Xian Lim ay wala pa rin daw nababanggit sa kanya.

Nakangiti niyang kuwento, “Wala pa, wala pa. Malungkot pa nga siya, chos.

“May iniinda pa kasi siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Kim noong February 6, sa The Air We Breathe: Musical Press Conference na ginanap sa Shangri-La, Makati,

Ang tinutukoy ni Kim na iniinda ng ka-loveteam ay ang pambabatikos na tinamo nito sa social media matapos niyang tawaging “Bea Benine” ang ka-look-alike niyang si Charmee Viking.

Nangyari ito sa live episode ng Banana Nite na ginanap sa Sta. Cruz, Binondo, Manila, noong January 30, bilang pagsalubong sa Chinese New Year.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

Agad namang humingi ng paumanhin si Xian sa nangyari.

Nagpaliwanang din ang direktor ng show na si Edgar Mortiz dahil hindi raw na-brief si Xian.

Read: Director Edgar Mortiz booboo in Xian Lim’s Banana Nite fiasco

Si Bea Binene naman, nagpasalamat kay Xian Lim sa pagkumpara ng binata sa kanya sa ka-look-alike ni Kim.

Read: Bea Binene thanks Xian Lim for comparing her to Kim Chiu look-alike

Sa parte ni Kim, hiniling nitong sana huwag naman daw husgahan agad si Xia.

Read: Kim Chiu reveals Xian Lim deeply affected by bashers after Bea Binene joke


"BALATO MO NA." Tungkol pa rin sa nalalapit na Valentine’s Day, inusisa na rin ng PEP si Kim kung handa na ba itong mag-open up sa tunay nilang relasyon ni Xian?

Natatawang sagot ni Kim, “Kayo talaga, hindi naman kailangan mag-open up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman yung mga tao, yun, okay na yun…balato mo na.”

Matatandaang nabalot ng intriga ang sagot ni Kim sa entertainment press noong grand presscon ng kanilang pelikula ni Xian na Bride For Rent dahil sinabi nitong wala daw silang dapat ipaliwanag sa media pagdating sa kanilang personal na buhay.

Read: Kim Chiu to media on real score with Xian Lim: "We don’t owe you any of our personal lives."



SEPARATE SHOWS. Matapos ang successful movie na pinagsamahan nina Kim at Xian na Bride For Rent nitong Enero, paghihiwalayin daw muna ng ABS-CBN ang kanilang tambalan.

Paglilinaw ni Kim, “Yeah, it’s a management decision, siyempre wala kaming magagawa dun.

"Hindi naman siya bubuwagin... isang project lang [magkahiwalay ni Xian] and then after that, we’re gonna have teleserye together at may movie kami sa third quarter ni Xian.

“Sana suportahan ulit iyon ng mga tao parang ganito [Bride For Rent]."

Sa bagong teleseryeng gagawin ni Kim na Ikaw Lamang, ang makakapareha niya ay si Coco Martin.

Nagkasama na ang dalawa noon sa Tayong Dalawa (2009) at Kung Tayo’y Magkakalayo (2010).

Malaking project ang kanilang pagsasamahang muli ni Coco, anong nararamdaman niya?

Ani Kim, “Siyempre sa lahat ng project kakabahan.

“Dito, kakabahan ka rin kasi ito bagong team-up at lahat ng artista dito, may award.”

Kasali rin sa soap sina Jake Cuenca at Julia Montes. Bukod sa apat, makakasama din sa serye ang mga award-winning actors na sina Ronaldo Valdez, Cherie Gil, Angel Aquino, John Estrada, at Tirso Cruz III.



DISAPPOINTED FANS. Ang mga fans ng tambalan nila ni Xian ay nagri-react daw tungkol sa pansamantalang paghihiwalay nila sa telebisyon.

Ani Kim, “Yun din ang hindi ko maintindihan pero sumusunod lang kami bilang workers ng ABS-CBN.

“Sila ang nagdesisyon nun, and nalungkot din naman kami in a way.

"Pero siyempre ito yung binigay sa amin and hindi naman kami makakapili kung ano talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And masaya kami na yung ibang Kim-Xi, masaya sila.

"Parang natanggap na rin nila at antayin na lang nila yung movie namin ni Xian.”

Sa tingin ba niya, kaya na ni Xian ang magsolo at hindi siya kasama bilang ka-love team sa gagawin nitong proyekto?

Tugon ni Kim, “Kaya naman ni Xian yun, siyempre iba rin yung talent na ibibigay ni Xian.

"Iba yung humor niya and napakagaling niyang artista so andami naming Kim-Xi supporters na nagsasabi na hindi nila kami pababayaan.

"Nandiyan lang sila kahit hiwalay yung project namin and masaya kami na naririnig namin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN