Andi Eigenmann still not on speaking terms with mom Jaclyn Jose

“I know that as a daughter, kailangan ako pa rin ang gagawa ng first move kasi bilang respeto po ‘yon sa aking ina. Pero magkakaroon ng time na… I mean, let’s just wait for the right time,” says Andi Eigenmann when asked if she will make the first move to patch things up with mother Jaclyn Jose.


Alam ni Andi Eigenmann na kahit matagal na ang tampuhan nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose, hindi mababago ang pagiging close nila.

Sabi ng Kapamilya actress, “We’re a mother and a daughter, that’s a bond that can never be broken.

“We may have misunderstandings, puwede po kami magkaroon ng hindi pagkakasundo, pero kahit ano’ng mangyari, siya po ay nanay ko at mahal na mahal ko po siya.

“Hindi naman po ‘yon mawawala nang basta-basta.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Andi sa press conference ng pelikulang ABNKKBSNPLAko?!, kagabi, February 6.

Bagamat magkasama sa iisang bahay, aminado si Andi na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap ng kanyang ina.

Tumanggi si Andi na idetalye ang naging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan.

Gayunman, alam daw niya sa kanyang sarili na dapat siya ang gumawa ng unang hakbang para magkaayos sila.

Sabi ni Andi, “I know that as a daughter, kailangan ako pa rin ang gagawa ng first move kasi bilang respeto po ‘yon sa aking ina.

“Pero magkakaroon ng time na… I mean, let’s just wait for the right time.

“Magkakaroon ng tamang oras para dun.

“Like I said nga, I will be the one and I have to be the fist one to make the first move.”

Nami-miss ba niya ang bonding nilang mag-ina?

Sagot ni Andi, “Siyempre, kasi my mom and I are very close.

“That’s the special thing about us, kahit hindi kami nag-uusap, kahit hindi ko gustong pag-usapan, hindi kailangan.

“Pero hindi naman ibig sabihin noon na magsisinungaling ako about [our misunderstanding].

“Yes, hindi kami nag-uusap. Pero alam ko po close pa rin kami.

"Kahit hindi po kami nag-uusap, close pa rin kami.”



BEING RESPONSIBLE. Sa ngayon, sabi ni Andi, bahagi ng kanilang tampuhan ang kagustuhan niyang maipakita sa ina ang kanyang kakayahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Parang I want to make sure that even before I say sorry or go on to her, she knows that that will happen.

“Para alam niya na, you know, that I live a very responsible life, I make sure that my life will only get better.

“Siyempre, kung ina ka, gusto mo naman sa anak mo na maging maayos ang buhay nila.”

Sa huling panayam ng PEP kay Jaclyn, sinabi niyang tiwala naman siya sa kakayahan ni Andi, lalo na sa paggawa ng mga desisyon.

Read: Jaclyn Jose still not on speaking terms with daughter Andi Eigenmann



STILL CLOSE WITH ELY. Kahit may tampuhan sila, hindi naman daw apektado ang pagiging malapit ni Jaclyn sa apo niya kay Andi na si Ely.

Dahil dito, inaasahan ni Andi na magkakatampuhan rin sila ni Ely pagdating ng panahon.

“Ako, sa tingin ko naman po, siyempre possible na it will happen, especially yung personality pa ni Ely is parang medyo strong.

“I know that we will also have some misunderstandings.”

Kahit mangyari ito, sigurado naman daw si Andi na marami na siyang natutunan mula sa kanyang ina.

“’Yon nga, it’s about trial and error.

“There are a bunch of things that my mom did that I agree with when it comes to raising me.

“Pero meron ding mga things that I could learn from it or I could change pagdating sa pagpapalaki kay Ely,” sabi ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN