Arnel Pineda believes Vhong Navarro "made a bad call" but "...he will bounce back, makakabalik siya, and he will inspire a lot of people when he recovers..."

Bilang isang suki na hurado sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, naaawa raw si Arnel Pineda sa sinapit ng isa sa mga hosts nito na si Vhong Navarro. Umaasa rin ang singer makakamit ni Vhong ang hustisya sa kinakaharap nitong laban ngayon.


Kaibigan na ring maituturing ng Journey frontman na si Arnel Pineda si Vhong Navarro.

Naging suki kasi siya bilang hurado sa It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN kung saan co-host si Vhong.

Nabahala raw siya sa sinapit ni Vhong nang bugbugin siya ni Cedric Lee at ng umano’y mga kasamahan nito sa condo unit ni Deniece Cornejo.

Nangyari ang insidente noong January 22, 2014, sa Forbeswood Heights Condominium, Bonifacio Global City (BGC), Taguig.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Umaasa din itong makakamit ni Vhong ang hustisya sa kinakaharap na laban ngayon.

Kuwento pa ng 46-year-old singer, “Actually, I tweeted him.

I guess, i-leave na natin siya sa batas, katulad nung mga sinasabi ng friends niya. Ako rin, I believe justice will be served.

“’Tsaka kung para kanino yun, kung kanino deserve, doon mapupunta talaga yun.”

Noong February 6, pormal nang pinirmahan ni Vhong ang kanyang affidavit sa opisina ng Department of Justice (DOJ), kung saan may mga idinagdag itong detalye, kabilang na ang pagprisinta ng dalawang bagong testigo sa reklamo at mga text messages diumano ni Cedric Lee.

Read: Vhong Navarro submits evidence of mauling incident, Cedric Lee’s alleged text messages

Napanood din daw ni Arnel sa balita ang tungkol sa diumano’y kumakalat na larawan sa Internet ng private part daw ni Vhong.

Pero hindi raw nakita ni Arnel ang naturang litrato.

Kuwento pa niya, “Pero alam mo, maganda nga lumabas ’yan e kasi makikita mo talaga ang guilty at not guilty, kung sino ang nambaboy at ang hindi nambaboy.”

Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga sa DOJ, mariin nitong itinanggi na may ganun ngang larawan ng pang-aabuso diumano sa sex organ ng kanyang kliyente.

Read: Vhong Navarro camp confident about complaints against Deniece Cornejo, Cedric Lee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang mensahe ni Arnel kay Vhong?

Tugon ng singer, “Ang masasabi ko lang, he was in a wrong place.

“Alam mo, lahat tayo, tao lang, we all make mistakes, ‘no.

“Admittedly, alam niya ‘yan, he made a bad call.

"Pero being Vhong Navarro, alam nating strong siya at malaki rin yung support group niya.

"So, he will bounce back, makakabalik siya, and he will inspire a lot of people when he recovers from what he has experienced.”

Nakausap ng PEP at iba pang media si Arnel sa The Air We Breathe: Musical Press Conference sa Shangri-La, Makati, noong February 6.



MORE SHOWS WITH JOURNEY. Masaya naman si Arnel sa takbo ng kanyang music career.

Kasalukuyan daw niyang tinatapos ang isang album na ang laman ay puro original compositions niya.

Masaya niyang kuwento sa media, “I’ve been working on my original songs para naman makita ng aking mga kababayan, kayo, yung other side of Arnel.

"As you all know, kasama ako sa music ng Journey and we always tour every year.

“Like this year, we’re gonna do another set of playing dates sa America and couple of shows sa Canada.

“It will start May 14, dun po sa California, and it will last until end of September. So, we will be doing 55 shows all in all.”

Gagawa rin ba ang Journey ng Asian tour?

Tugon ni Arnel, “I’m working on it. Pag natapos yun, we might come here sa Asia around mid-October.

“Kasi masyadong gustung-gusto ng Japan ang Journey so they’re requesting if we can have more shows sa Japan.

“So siyempre, since nandun na kami sa Japan, we might do a segue dito sa Philippines.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN