Luis Manzano on reconciliation with Angel Locsin: No formality yet

“Talk, talk, talk, talk." This is what Luis Manzano wants to happen if he and Angel Locsin get to formalize whatever it is they’re having now into a renewed commitment to each other. He says, "Nagkulang kami sa communication talaga dati. Now if there’s an issue beforehand, we automatically talk about it. I’d like to think it comes with maturity."


Labis ang pasasalamat ni Luis Manzano na marami ang natutuwa at sumusuporta sa nababalitang balikan nila ng ex-girlfriend na si Angel Locsin.

Ayon sa TV host, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa taping ng Minute To Win It noong February 3, masaya siya sa pagtanggap ng publiko sa muling pagkakamabutihan nila ng dating kasintahan.

“We’re happy that despite things that happened years ago and things happening recently, people are still there, who really support our feelings, our relationship.

"With a simple post, ang daming nagko-comment.

"Maraming-maraming salamat sa mga nakaka-appreciate at sumusubabay pa sa pagmamahalan namin," sabi niya.

DUBAI INTERLUDE. Kamakailan ay naglabasan sa Internet ang mga larawan ng sweet moments nina Luis at Angel nang ganapin ang ASAP sa Dubai, kung saan guest ang buong cast ng The Legal Wife.

Si Luis ay regular host ng ASAP, at si Angel naman ang lead actress sa The Legal Wife.

May isang post pa nga sa Twitter account ni Angel kung saan si Luis ang kanyang katabi sa eroplano pabalik ng bansa.

Marami ang kinilig sa mga larawang ito ng dalawa.

Ayon kay Luis, “In Dubai, we’re already comfortable with each other.

"In fact, may footage, I think on Kris TV, na I was even holding her hands.

"The picture where I was kissing her on the cheek was taken at the Dubai Airport."


Sabi pa ni Luis, magandang pagkakataon sana na nasa ibang lugar sila ni Angel, para makapag-usap nang masinsinan tungkol sa mga bagay-bagay.

Kaya lang ay pareho silang nakasalang sa trabaho.

"So we sit down, usap, hindi kasi…

"We were really working, but it was a nice getaway, a different environment for us.

"And of course, we get to spend time with each other.

"Maganda na sanang usapan na ang naging ending ay tulugan, kasi puyat kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagod kaming lahat nung biyahe namin pauwi, wala kaming tulog nun.

"Ang mangyayari dapat na magandang usapan, naging napakahimbing na tulugan," kuwento ng TV host-actor.




YES, MAYBE, NOT. Diretsahan naming tinanong si Luis kung may balikan na bang nangyari sa kanila ni Angel pagbalik nila galing ng Dubai.

Sagot niya, “We’re very open about it, we’re very proud of it, wala kaming itinatago.

"Pero hindi pa talaga kung sasabihin nang diretsahan.

"I can swear on it, hindi pa talaga kami nagkabalikan.

"Nandun na kami sa point na, yes, parang kami na, even how we act.

"Pero yung formality na, ’Yes, we’re back together,’ wala pa.

“Siyempre, formality is needed.

"Hindi naman puwede na nasa grey area kayo palagi.

"Of course, yung formality is a form of ’Yes, we’re back together, we’re in a relationship again.’ Yun na lang ang kulang.

"May mga bagay lang kami hinihintay before we actually talk about us being together officially.”




TALK FEST. Para kay Luis, kung mauuwi talaga sila sa balikan ni Angel, ang bukas na komunikasyon ang ipatutupad nila kapag may mga isyu sila na dapat i-resolve.

“Talk, talk, talk, talk.

"Nagkulang kami sa communication talaga dati.

"Now, if there’s an issue beforehand, we automatically talk about it.

"I’d like to think it comes with maturity.

"That’s one thing we really learned and want to implement in this—let’s call it ’newfound relationship.’

"Talk and communication are so vital in a relationship."

Marami naman ang nakakapansin na parang iba ang aura niya.

Pagsang-ayon ni Luis tungkol dito, "Parang there’s something about me daw na iba.

"Well, I guess I am happy, yes, I exude it [happiness]."

Naikuwento rin ng TV host na nagpahayag ang kanyang inang si Batangas Governor Vilma Santos na nami-miss na nito si Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oh, my mom heard about this.

"In fact, my mom said na, hopefully, Angel will drop by in her house soon, ’We miss her.’

"Nagiging busy lang, pero one weekend, rest assured, we’ll find a way to visit my mom.”



FAMILY TIES. Sa hiwalay na panayam ni Angel sa Buzz ng Bayan ay nabanggit nitong isa sa nakapagpalambot sa puso niya ay ang patuloy na komunikasyon ni Luis sa kanyang pamilya kahit wala na sila.

Sabi naman ni Luis tungkol dito, “Nakakausap ko ang mga kapatid niya, si Tito [Angel Colmenares, Angel’s dad] few times nakakausap ko.

"Nangyayari naman kasi, even with my past relationships, I’m always close with the family.

"Kung anuman ang nangyari sa aming dalawa ni Angel, labas naman dun ang family.

"Her family has been nothing but unbelievably nice sa akin.

“Yung concern nandun naman at paminsan-minsan nakaka-text ko yung ate niya, but nothing about Angel.

"Kumbaga, the relationship is between her sister or her dad and me.

"Ganun lang, it’s not that nag-uusap kami about Angel, but naging importante rin sila sa buhay ko at one point."

Proud na proud naman si Luis sa magandang performance na ipinapakita ni Angel sa The Legal Wife.

Sabi niya, “Pag nata-taymingan ko, nanonood ako.

"I congratulate her. In fact, I even tweet about it na they have to watch The Legal Wife.

"I’m very proud of her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN