Iza Calzado on reported co-hosting stint in It’s Showtime: "No confirmation yet."

Nilinaw ni Iza Calzado na wala pang katiyakan kung papasok nga siya sa noontime show na It’s Showtime kasunod ng balitang panandalian munang magpapaalam si Anne Curtis sa show para mag-focus sa teleseryeng Dyesebel.


“I cannot discuss that yet because it is not yet confirmed.”

Ito ang diin ni Iza Calzado nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa mga balita na posibleng maging guest co-host siya sa It’s Showtime.


May mga ulat na lumabas kamakailan na nagsasabing papasok si Iza sa noontime show dahil magpapaalam daw muna si Anne Curtis, na magpu-focus sa upcoming soap opera na Dyesebel.

“I haven’t received word,” ani Iza sa bloggers’ conference ng upcoming movie na Starting Over Again kahapon, February 7, 2014.

“Sagutin ko ‘yan kung magkatotoo kasi it’s hard also…baka ma-jinx.

“So we don’t really know. We’ll just wish for whatever is best for me.

"That is my wish lang for this year and for years to come,” sabi pa ng aktres.

STARTING OVER AGAIN. Ang upcoming romantic drama movie na kinabibilangan niya, kasama sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, ay ididirehe ni Olivia Lamasan.

Abot hanggang tenga ang ngiti ng Kapamilya actress nang kumustahin ang muling pakikipagtrabaho kay Piolo para sa Valentine movie offering ng Star Cinema.

Una silang nagkatrabaho sa pelikulang Milan noong 2004.

“Ang guwapo ni Piolo, ’di ba?

“’Tapos makita mo lang siya sa umaga parang….” sabay ngiti ni Iza.

Dagdag pa niya, matagal na niyang kakilala si Piolo bago pa man pasukin ni Iza ang showbiz.

“We don’t hang out, but whenever we see each other, we always talk about life, mga insightful things.

“And he’s one person I’ve known since I was young,” sabi pa ni Iza.

HUMBLE ACTOR. Ang isa raw katangian ni Piolo na gustung-gusto ni Iza ay ang pagiging mapagpakumbaba nito.

“I really like working with him kasi parang he never makes you feel he’s such a big superstar…and the same with Toni.

“Toni and PJ [palayaw ni Piolo] are like superstars, and they don’t make you feel, ‘O, we’re not in the same level.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially with PJ, ‘cause when we did Milan, I was really a nobody, I hadn’t really made a name for myself.

“Ngayon kahit paano, mas established na ako as an actress.

“He knew me before I was in showbiz pa.

“He’s super kind to me and sobrang natutuwa ako sa pagka-sweet niya,” papuri ng host ng The Biggest Loser Pinoy Edition: Doubles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN