Luis Manzano on Vhong Navarro mauling incident: "...the whole industry is praying na justice will be served."

Luis Manzano on Vhong Navarro’s present situation: "He’s scared, he’s nervous. But he knows na nandun siya sa tama at ipaglalaban niya ang tama. Kung anuman ang sinasabi ni Vhong sa mga interview, yun din ang sinasabi niya sa akin."


Isa si Luis Manzano sa pinakamalapit na kaibigan ni Vhong Navarro sa showbiz.

Nagkasama ang dalawa sa Kanto Boys, ang binuong grupo ng ASAP na kinabibilangan din nina John Lloyd Cruz at Billy Crawford.

Kaya naman, nakikiisa siya sa hangaring mabigyan ng hustiya ang nangyaring pambubugbog sa kaibigan at katrabaho.

Sa panayam nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 3, sa studio ng Minute To Win It, saad niya, “I’m hoping and praying that justice will be served.

"Siyempre, buung-buo ang suporta ko kay Vhong.

"Nalaman ko ’yan nung nasa Dubai ako, but the whole industry is praying na justice will be served.

"For sure, alam ni Brother Vhong ‘yan na lahat kami, mahal namin siya and ipinagdarasal namin siya.

"Sana bumalik na sa showbiz si Brother Vhong, sana matapos na ito."

Nabisita raw ni Luis si Vhong noong nasa hopsital pa ito.

“Yes, nakadalaw na ako. He’s in high spirits but, at the same time, he’s worried.

"Siguro kahit paano, napapasaya namin siya nang kaunti.

"But at the end of the day, he’s scared, he’s nervous.

"But he knows na nandun siya sa tama at ipaglalaban niya ang tama.

“Kung anuman ang sinasabi ni Vhong sa mga interview, yun din ang sinasabi niya sa akin.”

Kampante naman si Luis na hindi pababayaan ng kapulisan si Vhong sa gitna ng mga banta na natatanggap nito.

“Lahat naman ng naririnig ko ay base lang sa mga nababasa ko.

"I’m sure based on what I am reading, the PNP [Philippine National Police] and NBI [National Bureau of Investigation] are taking measures na alagaan si Vhong, pati na rin ang pamilya niya."

Marami ang nagsasabi na ang nangyari kay Vhong ay wake-up call na rin daw sa mga artista na maging maingat sila sa mga taong nakakasalamuha nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay Luis ay hindi lang ito para sa kanilang mga artista kundi sa lahat ng tao.

“Hindi lang sa artista, sa kahit na sino na mag-ingat.

"It’s not only an advice sa mga tao sa showbiz, pero kahit sino tayo, dapat nag-iingat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN