Jose Manalo on Wally Bayola’s return to Eat Bulaga!: “Sana makabangon siya.”

Jose Manalo (left) with Wally Bayola and Paolo Ballesteros at the “Juan for All, All for Juan” segment earlier, February 8.

Jose is thankful to Eat Bulaga! management because part of his birthday celebration was the comeback of his original partner Wally on the show.


Nakaalalay sina Jose Manalo at Paolo Ballesteros kay Wally Bayola nung bumalik ito sa Eat Bulaga! kaninang tanghali, February 8, sa location ng “Juan for All, All for Juan” segment na ginawa sa Brgy. 686, Zone 75 sa Paco, Manila.

Kasama si Wally sa naturang segment na dating hina-handle nila ni Jose. Pero sa halos limang buwang pagkawala ng comedian/TV host, si Paolo ang pumalit at tumuluy-tuloy na ito.

Sa pagbalik ni Wally kanina, ipinadama sa kanya na tanggap siya ng mga Dabarkads, kaya hindi nito napigilang maiyak habang humihingi ng paumanhin sa nangyaring video scandal.

READ Wally Bayola resumes hosting job on Eat Bulaga!; apologizes to management and viewers for sex video mess

Itinaon sa birthday celebration ni Jose ang pagbabalik ni Wally kaya tuwang-tuwa ang una sa desisyon ng top executives ng Eat Bulaga!

Pahayag ni Jose, “Masaya siyempre, ka-partner natin sa trabaho ‘yan, at naramdaman naman natin kung paano siya tinanggap ng mga tao rito.

“Paglabas niya kanina, nakita ko rin kung papa’no nagsigawan ang mga tao, sinigaw ang pangalan niya.

Dagdag pa niya, “Mahigit ten years na magkasama kami ni Wally na halos araw-araw, gabi-gabi. Na-miss ko siya siyempre kahit papa’no.”

TRAUMATIZED. Sinubukan ng Startalk at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin si Wally, pero pinagbawalan muna ito ng mga taga-Eat Bulaga!

Kaya si Jose na ang nakausap namin at nagpaliwanag kung ano ang naramdaman ni Wally nung mga oras na iyun.

Ramdam niyang hindi pa gaanong kampante ang nagbabalik na miyembro ng Dabarkads.

Tahimik lang si Wally, at kahit sumasabay siya kina Jose at Paolo, hindi pa siya ang dating masayahin at masiglang Wally.

Kaya inalalayan daw muna ito nina Jose para maramdaman ng ka-partner niyang back to work na siya.

“Alam mo, sa tingin ko, parang may trauma din siya.

“Alam naman niya kung gaano kabigat yung nagawa niyang pagkakamali. So unti-unti, at tutulong na rin kami na mga Dabarkads na maibalik ang dating saya ni Wally Bayola,” tugon ni Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO COMMUNICATION AT THE HEIGHT OF SCANDAL. Inilahad rin ni Jose na nung lumabas yung iskandalong kinasangkutan ni Wally, matagal daw munang hindi nakipag-communicate sa kanya ang ka-partner.

Siya raw ang unang sinabihan ni Wally tungkol sa sex video scandal at namura pa raw niya ito noon, pero pinayuhan daw niyang kausapin muna ang kanyang pamilya.

Saad nito, “First na nawala si Wally, mga two weeks, three weeks talagang nanahimik siya, e. Wala kaming contact sa kanya.

“Yung dating number niya, tini-text namin, hindi siya nagri-reply. Siguro umabot ng isang buwan o dalawang buwan, dun nagti-text na siya.

“Nagsu-sorry siya, yun ang laging tini-text niya na, ’Sa lahat na nagawa ko, lahat na pagkakamali ko, patawarin n’yo na ako.’

“Alam ko na naapektuhan din, nadamay daw kami na mga Dabarkads. Yung mga taong siyempre na natutuwa sa kanya, alam niya na nasaktan niya rin, siyempre, ang mga mahal niya sa buhay.

“Pinapayo ko lang sa kanya, sabi ko, ‘Brod, sabi ko nga hangga’t buhay ang tao, hindi naman nawawalan ng pag-asa, e. May kanya-kanya tayong problema.

“Kagaya nang sinabi ko rin nga kanina na sabi nga natin hangga’t nagkakaroon ng problema ang tao, dapat na magpasalamat tayo kasi mas lumalapit Siya sa ‘yo.”

Natutuwa rin daw siya kay Wally dahil hinarap niya ito at humingi ng paumanhin sa kasalanang nagawa niya.

“Yun naman ang kailangan, harapin mo ang pagkakamali mo. Pagsisihan mo. Aminin mo kung ano yung dapat na mali na nagawa mo.

“Ikaw mismo sa sarili na alam mo kung ano ang tama, kung ano ang mali. Pag ito’y inamin mo, ang Diyos, walang dalawang salita, alam Niya kung ano ang plano niya sa ‘yo,” pahayag ni Jose.

LESSON FROM WALLY’S MISTAKE. May natutunan rin daw si Jose sa nangyari kay Wally.

“Hindi lang naman sa akin, siguro sa lahat ng mga artista na rin na ingatan natin kung ano ang binigay sa atin,” pakli ng Eat Bulaga! co-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alagaan natin ’to kasi kahit na sinong artista, hindi naman artista lang, kahit ibang tao, isang pagkakamali natin, na hindi natin alam na mali na pala yung ginawa natin.

“Alam natin na medyo hindi maganda ang pupuntahan mo, at hindi lang ikaw, pati yung mga nakapaligid sa ‘yo, masasaktan din.

“So, ingatan yung hanapbuhay, ingatan kung anong binigay sa ’yong biyaya, na para mapalago mo ’to at maipamahagi mo sa mga taong nangangailangan sa ’yo,” dagdag pang pahayag ni Jose.

LOOKING FORWARD TO JOSE-WALLY PROJECTS. Sa February 12 ay isi-celebrate ni Jose ang kanyang 48th birthday at masaya raw siyang ibinalik si Wally sa kanyang birthday celebration sa Bulaga.

“Nagpapasalamat ako sa Eat Bulaga! na siyempre masarap yung pakiramdam na ako pa yata ang naging daan para lumabas siya uli sa telebisyon.

“Matagal na ring nagkasama kami ni Wally, at marami na ring projects na hindi na natuloy.

“Sana makabangon siya, hindi lang naman para sa akin, siya, makabangon siya para sa pamilya niya lalo na ang anak niya na sana maka-recover na,” saad ni Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN