John Lloyd Cruz on possibility of working with Kapuso stars: “Hindi na siya imposibleng mangyari.”

John Lloyd on Valentine’s Day plans with girlfriend Angelica Panganiban: “Sa buhay naman namin, palaging Valentine’s every day.”


Hindi lahat ng artista ay kayang tanggapin ng mga manonood sa kahit na anong genre na ginagawa nila—mapa-pelikula o telebisyon man.

Si John Lloyd Cruz ay kilalang mahusay at seryosong aktor sa telebisyon, lalo na sa mga drama series nito sa Kapamilya network.

Pero kailan lang ay isang malaking pagbabago ang napapanood ng mga tao sa kanya.

Sa halip na magpaiyak, nagpapatawa naman ngayon si John Lloyd sa bagong sitcom ng ABS-CBN, ang Home Sweetie Home.

Nagkaroon ng press conference ang comedy group ng Kapamilya network dahil sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Goin’ Bulilit, na nasa ika-siyam na taon na; ang LUV U, sa ikalawang taon nito; at ang Banana Nite Extra Scoop, sa ikalimang taon nito.

Ang sitcom nina John Lloyd at Toni Gonzaga ang pinakabago at halos isang buwan pa lamang ito umeere, pero ipinagmamalaki ng comedy group ng ABS-CBN dahil palagi raw itong nangunguna sa rating.

Hindi naman itinago ni John Lloyd ang kasiyahan pagdating sa kanilang sitcom nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press noong Huwebes ng gabi, February 6, sa Dolphy Theater.

Saad niya, “Masayang-masaya.

"Nagpapasalamat dahil nagbunga nga ang aming paghihirap, ang aming kaba noon.

“Lahat ng effort ng buong team, mula sa artista, kay Direk Bobot [Mortiz], kay Tita Linggit [Tan], lalo na sa buong staff.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumusubaybay linggu-linggo. Nangyayari na tuwing Linggo e mataas ang audience share namin.

“Thank you po, maraming-maraming salamat.

"Hindi namin inaasahan ‘to, pero maraming-maraming salamat,” panimula niyang pahayag.

RUFFA ONLY A SPECIAL GUEST. Nilinaw naman ni John Lloyd na ang pagkakasama ni Ruffa Gutierrez sa Home Sweetie Home ay bilang special guest lang ng programa, at mapapanood simula ngayong Linggo, February 9.

May mga lumalabas kasi na regular na raw si Ruffa sa show nila nin John Lloyd at Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-guest lang, baka may chance pa na bumalik pa ang character sa story,” paglilinaw ni John Lloyd.

Kaninong ideya na maging guest si Ruffa?

“Sa script, kinailangan doon sa script,” sabi ng aktor.

Hindi naman kasi lingid sa karamihan ang naging kaugnayan nina John Lloyd at Ruffa noon.

Kumusta naman ang pagkikita nila?

Aniya, “Okay naman, masaya naman ang trabaho.

"Ang taping, masaya. Naging madali lahat, mabilis lang natapos.

"Nag-enjoy kami.”

Ngayong sila na ni Toni ang napapanood sa telebisyon na nagpapatawa, may posibilidad pa rin kaya na magkasama silang muli ni Sarah Geronimo sa pelikula?

“Oo naman, oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Hindi mawawala—doon ako natutuwa na meron tayong kanya-kanyang tandem.

“Meron tayong pelikulang kaya nating gawin with Angel Locsin, with Sarah Geronimo, with Bea Alonzo.

“And kami ni Toni, kahit meron kaming ganitong klase ng palabas linggu-linggo, umaasa pa rin ako na mabibigyan kami ng pagkakataon na makagawa ng pelikula.

“Given the right script para sa aming dalawa.”

PART 4 MOVIE WITH SARAH? May balitang may gagawin silang muli ni Sarah na pelikula. Hindi na ba ito matutuloy muna?

Ayon kay John Lloyd, “Merong naka-peg, pero I think may gagawin siyang pelikula with Coco [Martin].

"Marami kasing... may naririnig ako na Part 4 daw, meron namang bagong istorya raw.”

Kung siya ang masusunod, gusto ba niya na bagong kuwento naman ang ika-apat na pelikulang pagsasamahan nila ni Sarah o yung dati pa rin?

“I don’t know, puwede kasing yung bago naman.

"Pero parang ang sarap kasi, since we made history noong ginawa namin ang third installment.

“Kasi ito lang yung pelikula na rom-com na umabot ng three parts.

"And kung mabibigyan kami ng kapani-paniwala at magandang material para gumawa pa ng Part 4, then gugustuhin ko rin yun.

“Parang dadagdag siya sa naabot o narating ng aming pelikula,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, nakadalawang shooting days na raw siya ng pelikula sa Star Cinema, kunsaan kasama niya sina Richard Gomez, Gretchen Barretto, at Jessy Mendiola.

Totoo bang may pelikula rin silang pagsasamahan naman ni Anne Curtis?

“May pagsasamahan kami, pero yun ang talagang...” at saka niya isinenyas ang kanyang daliri sa labi na tikom muna ito.

JENNYLYN MERCADO. Naitanong din kay John Lloyd ang tungkol sa sinabi ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado na gusto siyang makatambal.

Natawa lang si John Lloyd nang may mag-konek na nauna na naman daw niyang nakapareha si Luis Manzano.

“Talagang naikonek mo, ha?” natatawa ring biro niya.

Pero sabi ni John Lloyd, “E, alam mo ngayon, hindi na malayo ‘yan.

"Kasi yung mga taga-GMA na ating kasama sa industriya, nakakagawa ng pelikula sa Star Cinema—si Marian [Rivera] at saka si Dingdong [Dantes].

“You know, ngayon nabibigyan na ng pagkakataon.

“So, nakakatuwa siyang isipin na hindi na siya imposibleng mangyari.”

Eksklusibo ba siya sa Star Cinema?

“Parang ganun nga yata,” sagot niya.

Mukhang hindi lang si Jennylyn ang hayagang nagsasabi na gusto siyang makatambal. Ano ang masasabi niya rito?

Saad ni John Lloyd, “Siyempre, salamat… kung ganun nga na gusto nila akong makatrabaho na hindi ko alam kung bakit.

"Siguro dahil hindi ako mahirap katrabaho.”

Sila naman ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban, mula nang maging sila ay tila iwas magsama sa isang proyekto.

Komedyante rin si Angelica kaya may mga nakakaisip kung hindi ba ito nakunsidera na sila na lang ang pagtambalin sa Home Sweetie Home.

Sabi ni Angelica tungkol dito, “Mahirap naman kasing paghaluin ang personal sa trabaho.

"Parang hindi ko kasi talaga siya maarok.

"At saka, parang sa akin, almost... almost, ha, I don’t see it as a possibility,” pahayag niya.



V-DAY PLANS. Sa Biyernes, February 14, na ang Araw ng mga Puso. May plano na ba siya sa espesyal na araw na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, talagang hinintay ko ang araw na ito at last year ko pa ito pinagplanuhan.

"Yes, so on February 14, that’s a Friday, magte-taping ako,” seryoso ngunit nagbibirong sagot ni John Lloyd.

Wala siyang planong ilabas si Angelica?

“Sabi ko nga, sa buhay naman namin, palaging Valentine’s every day,” diin niya.

Natawa naman ito nang sabihin namin na “pefect day” araw-araw mula sa salita ni Angelica noon sa kanyang Instagram account na magkasama sila na “Perfect Sunday.”

“Huwag nang sumabay, ‘di ba? Traffic, so mabuti na rin na nandito,” pakli niya.

Masasabi naman kaya niyang espesyal pa rin sa kanya ang Araw ng mga Puso?

“Siyempre, we’ll make it special sa paraan na magagawa natin.

"Siyempre, sa mga babae, malaking bagay pa rin ang Valentine’s Day,” patuloy pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN