John Lloyd Cruz admits crossing paths with Cedric Lee: “Kilala ko yun... parang on a regular basis, nakikita ko siya.”

John Lloyd Cruz on friend Vhong Navarro’s mauling incident: "Kahit sinong tao na nasa tama, I mean, hindi naman ikinakaila ng kaibigan ko na nagkamali siya sa kanyang girlfriend. Hindi naman siya nagmamalinis, pero hindi naman tama yung sinapit niya."


Nakuhang magbiro ni John Lloyd nang tanungin ng isang ABS-CBN reporter kung puwedeng mahingi ang reaksiyon niya na nadadawit ang pangalan niya sa isyung pambubugbog kay Vhong Navarro.

Natatawang sabi ng Kapamilya actor, “Yun nga… sana huwag mo na lang hingin.”

Pahabol pa niya, “Tumatakbo na ang kaso nila, and I guess it’s best na huwag na lang akong magbigay ng kahit na ano.

"Kasi hindi na rin naman importante kung... well, wala naman akong puwedeng sabihin tungkol diyan."

Nakapanayam ng PEPp.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si John Lloyd sa press conference para sa comedy shows ng ABS-CBN noong Huwebes ng gabi, February 6, sa Dolphy Theater.

ADMIRES VHONG’S TENACITY. Nagulat din ba siya nang mabanggit ang pangalan niya sa isyu ni Vhong?

Sagot ni John Lloyd, “Oo, kasi sensitibong kaso ‘yan para sa kaibigan ko, at hindi madali ang pinagdadaanan niya, ang ganoong kaso.

“Ako naman, hindi naman ako nagkukulang ng pagsasabi sa kanya na ako, nandito ako—kami, kaming mga kaibigan niya.”

Magkasama sina John Lloyd at Vhong sa grupong Kanto Boys na binuo noong nasa ASAP pa sila. Kasama rin nila rito sina Luis Manzano at Billy Crawford.

Nadalaw raw ni John Lloyd si Vhong noong nasa ospital pa ito.

Sabi pa niya, “Regular kaming nakakapag-usap. Kanina, magka-text kami.

"Masayang-masaya ako na nakauwi na siya."

Kung nagkataong siya ang nalagay sa lugar ni Vhong ngayon, tulad ni Vhong ay ipaglalaban din ba niya ang karapatan niya para makuha ang hustisya?

“Oo naman,” sagot ni John Lloyd.

“Kahit sinong tao na nasa tama, I mean, hindi naman ikinakaila ng kaibigan ko na nagkamali siya sa kanyang girlfriend.

"Hindi naman siya nagmamalinis, pero hindi naman tama yung sinapit niya.

“So, siya ang nakakaalam.

"Alam kong nagsasabi ng totoo ang kaibigan ko. Humahanga ako na pinanindigan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan, mahirap manindigan, e, lalo na kapag may kapalit.

"Kaya humahanga ako sa kaibigan ko.”

CEDRIC LEE. Sa isang banda, hindi naman itinanggi ni John Lloyd na kilala rin niya nang personal si Cedric Lee, nang may magtanong kung hindi pa ba nagkukrus ang landas nila ng negosyanteng kasama raw sa nambugbog kay Vhong.

Ayon kay John Lloyd, “Kilala ko yun.

"Kasi nga, when I was still with Shaina [Magdayao], parang inabutan ko pa ang relasyon niya with Vina [Morales].

“Well, I don’t know kung ganoon kalinaw yun. Nakikita ko siya sa family gatherings nila.

“Parang on a regular basis, nakikita ko siya.”

Si Shaina ay dating girlfriend ni John Lloyd at nakababatang kapatid ni Vina, na naging karelasyon noon ni Cedric.

Pero ayon din kay John Lloyd, “You know, ayoko na rin parang pahabain pa yun. It’s a sensitive issue.

"Kaso na siya sa korte, so ayoko nang magbigay ng kahit ano pa.”

SIGHTED WITH COCO MARTIN? Samantala, kinumpirma naman ni John Lloyd ang “sighting” na nakita raw sila ng kapwa niya Kapamilya actor na si Coco Martin na magkasama sa isang bar kamakailan habang gumigimik.

Sabi ni John Lloyd, “Nagkaroon ng party after ng trade event [ng ABS-CBN].

"May party ang unit ni Deo Endrinal, si Tito Deo, so nagkita kami dun. Nag-catch up lang.

“Pero hindi pa kami nagkikita ulit after nun, pero plano naming magkita ulit or plano naming...

"Ang dami naming plano para kaming mag-dyowa!” natatawang biro niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN