Dingdong Dantes excited about working with Maricel Soriano for new GMA teleserye

Dingdong Dantes is thrilled about working with Diamond Star Maricel Soriano and Lovi Poe for his next Kapuso teleserye: “Sinabi na sa amin na tuloy na siya, sinabi na sa amin kung sinu-sino kaming magkakasama. Natuwa po ako na naging totoo yung sabi-sabi na si Ms. Maricel Soriano po ang makakasama ko at makakasama kong muli si Lovi Poe.”


Kinumpirma ni Dingdong Dantes na tuloy na ang bagong primetime series na gagawin niya para sa Kapuso network, kung saan makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Heavy drama ang tema ng primetime series na ito ni Dingdong kung saan dalawa ang magiging leading ladies niya.

Bukod kay Maricel, kinumpirma rin ng Kapuso Primetime King sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakasama niya rin dito si Lovi Poe.

Nakatambal na ni Dingdong si Lovi sa iprinodyus niyang pelikula, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ayon kay Dingdong, “Sinabi na sa amin na tuloy na siya.

"Sinabi na sa amin kung sinu-sino kaming magkakasama.

“Natuwa po ako na naging totoo yung sabi-sabi na si Ms. Maricel Soriano po ang makakasama ko, at makakasama kong muli si Lovi Poe.”

Nakausap ng PEP si Dingdong sa inauguration ng Hyundai car dealership venture niya sa Parañaque West noong Biyernes, February 6.

CANNES FESTIVAL ENTRY. May gagawin din sanang pelikula si Dingdong na intended para sa Cannes International Film Festival, ang Ponzi, pero hindi na raw sila aabot.

Ang AgostoDos film outfit ni Dingdong ang isa sa magpu-rodyus nito.

Saad niya, “Supposedly, March sana yun, pero hindi na kami aabot.

"Ayaw naman naming madaliin.

"Bubuuin pa rin naman siya, just in time kung kailan kailangan.”

Masasabing ba niyang maganda ang pelikulang pinaplano niya dahil pang-Cannes sana ito?

Saad ni Dingdong, “Well, ako naman, gusto ko munang tingnan ’to in the sense na kung may gagawin ako, regardless kung saan ipalalabas, gagawin ko, kasi gusto ko ang proyekto at maganda siya.

"Kung sakali na lang na mangyari na makarating ito sa ibang bansa, may potential siya.

“But ultimately talaga, it’s the Philippine market that we want to cater.”

PROJECT WITH ANNE CURTIS? May mga lumalabas namang balita na sa una niyang pelikulang gagawin sa Viva Films ngayong taong ito ay si Anne Curtis ang makakatambal niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Dingdong tungkol dito?

“Wala pa naman kasi sa aking sinasabing specific kung kailan at ano ba yun, at kung matutuloy ba talaga.

“Although nabanggit sa akin noong nakaraang taon pa at, siyempre, yun naman, as long as it’s not yet rolling, there’s no certainty,” paglilinaw ni Dong.

Nakasama na raw niya si Anne sa ilang proyekto noong nasa GMA pa ang aktres.

“Actually, yung tagal niya sa showbiz, magkapareho kami, dahil yung entry niya sa T.G.I.S., yun din ang entry ko.

"That would be a great and appropriate reunion.”

MARIAN’S BASHER. Hiningan din namin ng reaksiyon si Dingdong tungkol sa ginawa ng isang basher ni Marian kunsaan pinalabas nang patay ang aktres.

Pero balitang tinanggal na raw ng basher ang naturang larawan ni Marian sa social media accounts nito.

Read: Marian Rivera ignores morbid Instagram post of alleged Angel Locsin fan

Nasobrahan na rin ba siya sa ginawang yun ng basher?

Sabi ni Dingdong, “Well, ako, basta ang sabi ko sa kanya, just focus on the good things. Focus on the right things.

“There’s no room in your successful things to consider such negativities.

"Only promote positivity and just stay beautiful and continue what you’re doing because many people are looking up to you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN