Carla Abellana says wedding with boyfriend Geoff Eigenmann can wait

Carla Abellana on the new her: "Maraming nabago sa akin. Kung sino yung Carla dati, wala na ’yon. Iba na yung Carla ngayon. Kasi yung Carla dati, masyadong tahimik na halos nasa sulok lang lagi na nag-o-observe lang. Yung Carla ngayon, out there and everywhere na nakikipag-usap sa mga tao at mas outgoing na."


Kung ang iba ay excited sa pagselebra ng Valentine’s Day kasama ng kanilang mga mahal sa buhay, kay Carla Abellana naman ay tila parang ordinaryong araw na lang ito ngayong taon.

“Wala! Trabaho ako sa Valentine’s Day,” nakangiting katuwiran ng aktres.

“Walang time. Puro trabaho.

“Fully booked ang aking schedule, hanggang April.

“So, wala nang Valentine’s. Hindi na maisisingit yung halimbawa date o kung anuman.”

WORKING ON V-DAY. Pero ano kaya kung biglang may sorpresa pala sa kanya ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann sa mismong Araw ng mga Puso?

“Sana... pero we’ll see.

“At saka paano siya magsu-surprise? E, may taping din siya ng Adarna?” sabay tawa pa niya.

Patuloy ni Carla, “Pareho kaming may trabaho. So, paano pa yung mga ganyang surprise? Walang time talaga.

“Although iba pa rin nga siyempre kapag nakakapag-celebrate ng Valentine’s Day.

“At saka, once a year lang siya, ’di ba?

“Ako pa naman, before, sabi ko, kailangan pag Valentine’s Day, Valentine’s Day talaga, na all-out ka.

"Pero ngayong tumatanda na ako, wala na siyang kuwenta! Sorry!" tawa niya.

"Parang puro trabaho na lang.

“Siguro magbibigay na lang ng gift, na hindi ko pa naiisip kung ano ang magiging Valentine’s gift ko kay Geoff.

“Basta sa ngayon, trabaho ang unang nasa isip ko. Lahat trabaho.

“Lalo nga at ang dami kong work right now.

"Gaya nga ng nasabi ko, puno ang schedule ko hanggang April.

“Tapos si Geoff din, super-focused siya sa Adarna. Matatapos na rin kasi silang mag-taping in about a month.

“So, halos every day silang nagti-taping. So, paano mo pa iisipin yung time for each other kapag ganun na pareho kayong puro trabaho muna?

“And pareho naman kaming okey sa ganito na puro trabaho. Oo naman!

“Kailangang magtrabaho.

"Pareho kaming nasa showbiz. May times na gigitna talaga yung work, gigitna sa aming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And maraming nabago sa akin. Kung sino yung Carla dati, wala na ’yon.

“Iba na yung Carla ngayon.

"Kasi yung Carla dati, masyadong tahimik na halos nasa sulok lang lagi na nag-o-observe lang.

“Yung Carla ngayon, out there and everywhere na nakikipag-usap sa mga tao at mas outgoing na.”

MORE MATURE NOW. May pagbabago rin umanong inihatid sa kanya ang relasyon nila ni Geoff. Mas naging mature na raw siya.

Sagot niya, “Mas nag-expand pa yung patience ko at saka yung understanding.

“Siyempre, habang tumatanda ka, mas nagiging mature ka. Pati dun sa pag-handle mo ng relationship.”

Matagal na rin ang relasyon nila ni Geoff. Inaantabayanan na ng marami kung kailan sila magpapakasal na tila hindi pa rin nila napag-uusapan o napaplano.

“Kasi kung magpapakasal na kami, wala nang showbiz, parang ganun. Ang hirap nga, ’di ba?

“Ang ganda ng takbo ng trabaho namin, ang daming blessings na dumarating.

“So, ayaw naming matigil ’yon. Ayaw naming… ’di ba? Kasi sayang, e.

“Ang showbiz naman, hindi forever. Unlike ang kasal na forever.”

Ibig niyang sabihin, once she decides to settle down, tatalikuran na niya ang showbiz?

“Hindi naman," sabi ni Carla.

"Pero wala namang… kumbaga, kapag nag-asawa ka kasi, siyempre ang priority mo yung marriage, ’di ba?

“’Tapos, eventually yung family. Kapag nagkaroon na kayo ng mga anak.

“So, hindi naman kapag nagpakasal ako, iiwan ko na yung showbiz. Nasa akin na lang ’yan.

“Kaya nga mahirap bitawan yung trabaho. Mahirap talaga.”

NO WEDDING PLANS YET. Lately, parang sunud-sunod ang wedding sa showbiz couples.

Gaya nina Drew Arellano at Iya Villania na ikinasal kamakailan.

Si Karylle naman at ang boyfriend niyang si Yael Yuzon ay ikakasal na rin.

Pati si Aiza Seguerra ay nag-announce na rin ng planong same-sex marriage sa kanyang partner na si Liza Diño.

“Oo nga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa naman, ’di ba? Pero saka ko na lang sila susundan!” tawa na naman niya.

“Trabaho muna, puro ako movies ngayon.

“I have two movies to shoot. Isa yung Let’s Take A Chance with Tom Rodriguez.

“’Tapos yung isa pang movie, gagawin ko with Direk Joey Reyes na siguro, mga forty-two kaming mga magkakasama dito.

“Yung teleserye naman, baka this summer yung bago kong gagawin.

"Nasa planning stage pa lang ito ngayon kaya I can’t give details pa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN