Jennylyn Mercado to spend Valentine’s Day with family

Jennylyn Mercado on being asked if she has found a new love after breakup with Luis Manzano: “Wala pa ngayon. Ayoko muna. Kasi masyado pang maaga. At saka nandiyan naman ang family ko. So, okey lang.”


Loveless man sa ngayon, inspired pa rin daw sa kanyang trabaho si Jennylyn Mercado.

Ito ay dahil sa magandang review at feedback ng bawat umeereng episode ng Rhodora X, ang bagong seryeng pinagbibidahan niya sa GMA Network.

“I feel so blessed,” nakangiti niyang bungad nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, February 9.

“I’m grateful para sa mga walang sawang sumusuporta at talagang nanonood.

"At sana huwag silang bibitaw hanggang sa pagtatapos.”

Mahirap ang role ni Jennylyn bilang split personality—ang mabait at simpleng babaeng si Rhodora na nagsi-shift ang katauhan bilang si Roxanne na may pagkabaliw naman.

Natutuwa raw siya na nagti-trending lately ang portrayal niya nito.

Sabi niya, “Marami siguro ang naninibago kasi dati, parating ang character ko ay inaapi at mabait.

“Yung role ko as Roxanne, bago sa paningin ng tao.

"So, I think, natutuwa sila na iba naman yung ginagawa ko sa screen, ’di ba?”

Nahihirapan ba siya sa pagpapalit-palit ng kanyang character, mula Rhodora na biglang magiging Roxanne?

Sabi ni Jennylyn, "Nung una, nag-a-adjust talaga ako.

“And parang… naku, kaya ko ba? Kasi, parang hindi ko kaya.

“Dapat e visible, yung talagang transparent yung character.

“So, everytime na nagkakaroon kami ng twist nung alter [ego], talagang kailangang malinaw na malinaw ’yon.

“At magugulat ang lahat dahil pabaliw nang pabaliw kapag nagiging si Roxanne si Rhodora.

“Pagulo nang pagulo yung utak ni Roxanne.

"Pero tingnan natin kung makakaya niya si Rhodora.”

Dagdag pa niya, “Nasanay na rin. Noong una, talaga mahirap.

“Pero sa tulong naman ng mga tao sa paligid ko, at saka ng director namin, kinaya naman.”

V-DAY PLANS. Nangiting muli si Jennylyn nang matanong tungkol sa nalalapit na Valentine’s Day.

Sabi niya, “Wala, e. Family lang talaga.

“At saka may trabaho kasi. Magtatrabaho ako sa Valentine’s Day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May show ako sa Cabanatuan. Puro sa work muna ang focus ko.”

Wala pang nagyaya sa kanya on a date para sa Araw ng mga Puso?

“Wala pa. Wala pa,” pakli niya.

Matapos nilang mag-break ni Luis Manzano, nananatiling sarado pa rin ang puso niya para mag-entertain ng suitors o makipag-date?

Sabi ni Jennylyn, “Wala pa ngayon. Ayoko muna.

“Kasi masyado pang maaga.

“At saka nandiyan naman ang family ko. So, okey lang.”

Wala ba siyang mami-miss ngayong Valentine’s Day? Gaya halimbawa ng flowers mula sa isang special someone?

“Allergic ako sa bulaklak!” bahagyang natawang sabi ng aktres.

“Okey naman ako. Basta ang importante ay buo yung pamilya ko.

“Masaya kami… malusog. Okey na ’yon!

“Sa akin naman, lahat ng mga pinagdadaanan ko, hindi naman natin pagdadaanan ’yon kung hindi natin kaya, ’di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN