Kylie Padilla disappointed when planned project for her and boyfriend Aljur Abrenica did not materialize

Kylie Padilla not comfortable with the idea of being tagged Kapuso Primetime Princess. She says. "Masyado pang maaga. Wala ’yan sa mga goal ko. At kung mangyayari man iyon, hindi ako ang magsasabi. Siyempre sa trabaho, nando’n yung pagpupursigi na galingan mo. Pero hindi ikaw ang magsasabi ng ganung titulo para sa ’yo.”


Masyado umanong heavy at hectic ang working schedule ni Kylie Padilla lately, at kahit sa mismong Valentine’s Day, February 14, ay may taping pa rin siya.

Sabi ng young actress, “Okey lang naman ’yon para sa akin. Okey lang.

“Masaya namang magtrabaho, e. Kasi may income!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa Sunday All Stars kahapon, February 9.

Ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica ay lagi siyang sinusorpresa kapag may special occasions.

Marahil ay may pinaplano na naman itong sorpresa para sa kanya sa Valentine’s Day.

Pero ayon kay Kylie, “Hindi ko lang alam kung meron kasi busy rin siya.

“Every day naman kasi is Valentine’s day sa aming dalawa.

"Dapat hindi lang sa isang araw nangyayari iyon.

“Pero okey din yung may extraordinary na mangyayari—na hindi normal.

“I’m hoping, but sabi rin nga, mas mabuting hindi umaasa.”

SURPRISES. Nitong nakaraang birthday niya, hindi siya umasa, pero sinorpresa siya ni Aljur.

Ipinagluto siya nito ng pasta at nagkaroon sila ng simpleng celebration.

Read: Aljur Abrenica cooks birthday surprise for girlfriend Kylie Padilla; noncommittal about changing his religion for love

Pag-amin ni Kylie, “Kahit natikman ko na before yung pasta na ’yon na niluto niya, na-surprise pa rin ako siyempre.

"Para sa akin, ang sweet pa rin niya. And masarap siyang magluto.

“Hindi lang naman siya ang nagsu-surprise sa akin.

"Sinu-surprise ko rin naman siya, ‘no?” tawa niya.

Wala raw lumalabas tungkol sa pangsu-surprise niya kay Aljur kasi ayaw niyang ipagsabi pa.

“Mabuting sa aming dalawa na lang iyon. Bakit kailangang malaman niyo pa?" tawa na naman niya.

Mahigit two years na sila ni Aljur. Naniniwala ba siya sa sinasabing kapag tumagal ng apat na taon ang magkarelasyon ay sila na talaga ang para sa isa’t isa?

“Hindi ako naniniwala do’n!

"Bakit ang nanay ko at saka ang tatay ko?” natatawang pagtukoy niya sa amang si Robin Padilla at inang si Liezl Sicangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN AND ALJUR. May basbas at okey na kay Robin ang pakikipagrelasyon niya kay Aljur, pero may balitang gusto umano hikayatin ng ama ni Kylie na magpa-convert sa pagiging Muslim ang Kapuso actor.

Paglilinaw ni Kylie, “Hindi... hindi na issue kay Papa yun.”

Kumusta ba ang relationship nina Aljur at Robin sa mga pagkakataong nagkikita o nagkakaharap ang mga ito?

“Okey naman, wala nang anumang issue. Normal na,” nakangiting saad ni Kylie.

Sa mga nagiging pag-uusap nilang tatlo, may naibibigay bang advice si Robin sa kanilang dalawa ni Aljur?

“Oo. Like, minsan tinatanong din niya, ’Ano ba ang fallback ninyo pag hindi na kayo artista?’

“Sinasabi niya, pagtanda, kailangang may fallback.

"Kailangan daw, may income pa rin.

“Ako nag-iisip ako ng fallback. Siyempre sa ngayon, bata pa ako.

“Pero gusto kong mag-business, meron akong naiisip na negosyong gusto kong pasukin.

“Pinag-aaralan at pinag-iisipan ko pa munang mabuti ang tungkol dito, kaya hindi ko pa puwedeng sabihin,” saad niya.

TEAM UP WITH ALJUR. May mga nag-aabang na maging magkapareha sila ni Aljur sa isang project, malabo pa rin bang mangyari ito sa ngayon?

Ayon kay Kylie, “Hindi naman malabo siyempre, pero now is not the time.

“Timing din ang importante diyan at hindi ko lang din alam kung kailan yung tamang time.

“Bahala na ang network. Siyempre, sila ang mas nakakaalam kung ano ang mas maganda o makakabuti sa career namin.

“Maghihintay na lang ako.

"Kasi nangyari na rin before na may sinasabi na project na kaming dalawa.

“Tapos hindi naman natuloy, at nanghinayang ako.

“Siyempre masakit din sa akin yun kasi nag-expect ako.

“Kaya nga sinasabi ko, huwag na lang mag-expect, ’di ba?”

Maging mas inspiring kaya para kay Kylie kapag si Aljur ang naging katrabaho o leading man niya?

“Ewan lang. Hindi ko na kailangan pang masyadong umasa!” tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang naman kung wala pang chance for us to work together.

"Siguro rin, may good reasons kung bakit hindi pa.

“Kasi hindi lang naman kami yung couple na hindi pa pinagsasama sa isang project, e.

"Si Louise [delos Reyes] at Enzo [Pineda] rin, ’di ba?”

UNCOMFORTABLE WITH TITLES. Marami ang sumusubaybay sa pinagbibidahan niyang fantasy series sa GMA, ang Adarna.

Dahil sa popularidad nito ay may mga nagsasabi na puwede nang matawag si Kylie na "Kapuso Primetime Princess."

Reaksiyon niya, “Masyado pang maaga. Wala ’yan sa mga goal ko.

“At kung mangyayari man iyon, hindi ako ang magsasabi.

"Siyempre sa trabaho, nando’n yung pagpupursigi na galingan mo.

“Pero hindi ikaw ang magsasabi ng ganung titulo para sa ’yo.”

Ginagarantiya naman ni Kylie na mas magiging kaabang-abang pa raw ang mga future episodes ng Adarna.

Bukod sa mga nakakagulat na twist sa istorya nito, meron din daw papasok na bagong character.

"Madadagdag si Solenn Heusaff. Siya ang Ibong Adarna," banggit niya.

Ano ang magiging koneksiyon ng character ni Solenn kay Ada, na siyang ginagampanan naman niya?

“Siyempre hindi ko puwedeng sabihin,” sabay ngiti ni Kylie.

“Panoorin niyo na lang. Basta… parang siya yung magiging guardian angel.”

Matapos ang mga fight scenes, sa mga madramang tagpo ng Adarna naman daw siya napapasabak ngayon.

“Puro crying scenes. And mabigat sa dibdib nung una.

“Pero ngayon, hindi na masyado.

"Napag-aralan ko na kung paanong umiyak na hindi masyadong mabigat sa dibdib.

“Kasi hindi naman normal yung trabaho mo na iiyak ka almost sixteen hours.

"Hindi na normal, so kailangang pag-aralan mo na hindi masyadong mabigat sa dibdib.

“Pagkatapos nga ng crying scene ko, kumakain ako ng matamis!

“Kasi iba yung happiness ng kumakain, e. After nun, okey na ang pakiramdam ko,” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN