Carla Abellana denies rift with Marian Rivera: “Meron lang nagpapaaway sa amin.”

Hindi na raw idedepensa ni Carla Abellana ang kanyang sarili sa isyung pinatamaan daw niya sa Twitter si Marian Rivera. Paliwanag ni Carla, “Basta sa akin, wala akong ibang meaning do’n. Iyon lang ‘yon. Hindi ko na kailangang idepensa pa ang sarili ko. Kasi parang, ano ako, guilty? Kasi lahat naman ng sinasabi o ginagawa natin, bibigyan talaga ng ibang meaning ng tao, kahit wala ka naman talagang intention.”


Napabalita na dapat sana ay may gagawing teleserye si Carla Abellana kasama si Dingdong Dantes.

Totoo bang tumanggi siyang makapareha ang aktor dahil natakot diumano siya na baka pagselosan ng girlfriend nitong si Marian Rivera?

Nakangiting paglilinaw ni Carla, “Hindi umaabot sa akin iyon.

“Wala pong umaabot sa akin na offer na kahit anong teleserye.”

Bakit ba may isyung hindi sila in good terms ngayon ni Marian?

“Ay, bakit? Meron lang nagpapaaway sa amin!” tawa ulit ng aktres.

Diin pa niya, “Uy, okey kami ni Marian. And we’re friends.

“She greets me. I greet her. Okey kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa Sunday All Stars (SAS) kaninang hapon, Linggo, February 9.

Pero may isang instance na nag-react yata ang fans ni Marian sa naging tweet niya na ang dating sa mga tagasuporta ng Kapuso Primetime Queen ay ito ang pinatatamaan ni Carla.

Sabi ni Carla tungkol dito, “Nasa mga fans ‘yon.

"Nasa kanila na iyon kung ano ang gusto nilang interpretation or gusto nilang bigyan ng ibang meaning.

“Basta sa akin, wala akong ibang meaning do’n. Iyon lang ‘yon.

“Hindi ko na kailangang idepensa pa ang sarili ko. Kasi parang, ano ako, guilty?

“Kasi lahat naman ng sinasabi o ginagawa natin, bibigyan talaga ng ibang meaning ng tao, kahit wala ka naman talagang intention.”

WANTS TO WORK WITH DINGDONG. Ayon pa kay Carla, she is looking forward to working with Dingdong.

Wala rin daw siyang nakikitang anumang magiging problema sakali mang magkaroon sila ng pagkakataong magkasama sa isang project.

“Matagal na. Matagal ko nang sinabi ’yan, e.

“Kahit naman sa pelikula, ’di ba? Open ako.

"So, oo naman, open naman ako.

“Even working with Marian, oo naman din.

"Kahit sa pelikula, dahil pareho kami sa Regal, ’di ba?

“Maraming roles na puwede sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, puwede kaming magkapatid, ’di ba?” sabi ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN