Engaged couple Aiza Seguerra and Liza Diño want the same privileges of normal couples

Part of Aiza Seguerra’s proposal to girlfriend Liza Diño goes like this: "Dati na tayong nagkahiwalay. Siguro, kung meron man magandang nadulot yun sa atin, mas lalo nating na-appreciate ang isa’t isa. Mas lalo nating nalaman na we can’t be without each other. And after thirteen years of not being together, and now you’re back, I cannot let you go."


Ang Kung Paano Maghiwalay ay isang stage play tungkol sa pakikipaghiwalay, ngunit naging daan ito upang mag-propose ang singer-actress na si Aiza Seguerra sa kanyang kasintahan—ang actress-beauty queen na si Liza Diño.

Sa bandang dulo ng pagtatanghal nila noong February 7, Biyernes, sa Teatro Hermogenes Ylagan ng University of The Philippines Diliman naganap ang proposal ni Aiza kay Liza.

Read: Aiza Seguerra and girlfriend Liza Diño are now engaged

Sa panayam ng Buzz Ng Bayan kina Aiza at Liza na ipinalabas kahapon, February 9, ay ikinuwento ng dalawa ang nangyaring proposal sa gitna ng kanilang stage play.

Kailan ba naisip ni Aiza na mag-propose ng kasal kay Liza?

Sagot niya, “Matagal ko naman nang iniisip, pero my plan started last November.

"Dapat sana gagawa muna kami ng musical na play. But we didn’t have time.

“I asked yung isang friend namin na playwright, si George [de Jesus], if he can lend us his script, yun ngang Kung Paano Maghiwalay.

"’Tapos, sabi ko, ’I’m planning to have a proposal.’

"And then, he got excited, and sabi niya, ’Sige, sige, babaguhin ko ang dulong part para maipasok natin ang proposal.’

“So, yun na…”

Wala raw alam si Liza sa planong marriage proposal na yun sa kanya ni Aiza.

Sabi ng dating beauty queen, “Grabe, wala akong kaalam-alam!

"It was so well-planned. Everybody was in it.

"Talagang she made it a point to make it like official.”

Ano ang naging pakiramdam ni Aiza habang ibinibigay niya ang napiling engagement ring para kay Liza?

Sabi ng Be Careful With My Heart actress, “Actually, ang nakakatawa dun, before kong ibigay ang ring, may part dun na binago—hindi ko na sinundan ang script.

"Sabi ko, ’Dati na tayong nagkahiwalay.

"’Siguro, kung meron man magandang nadulot yun sa atin, mas lalo nating na-appreciate ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Mas lalo nating nalaman na we can’t be without each other.

"And after thirteen years of not being together, and now you’re back,’ sabi ko, ’I cannot let you go.’"

Ang nasa isipan naman daw ni Liza noong mga oras na ginagawa ni Aiza ang proposal ay nag-a-adlib lang ito.

PEOPLE’S REACTION. Sa ngayon, hindi pa raw naiisip nina Aiza at Liza ang mga detalye sa plano nilang pagpapakasal.

Ayon kay Liza, “I’m a permanent resident na in L.A. [Los Angeles].

"So, we want din naman the privileges of normal sexual couples get."

May states na sa Amerika, kabilang ang California, kung saan legal na ang same-sex marriage.

Hindi pa raw alam ng dalawa ang eksaktong date kung kailan sila magpapakasal.

Nang kumalat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang news websites at social media ang engagement nina Aiza at Liza, iba’t ibang reaksiyon ang natanggap nila mula sa Netizens.

May mga bumabatikos at marami rin naman ang masaya para sa kanila.

Pero hindi ito alintana nina Aiza at Liza. Bagkus ay lalo lamang itong nagpaigting ng nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Sabi ni Aiza kay Liza, “It feels good. It’s so great that whenever I look at you, and whenever I hear you say we are each other as one, ang sarap sa pakiramdam na alam ko, ako at ikaw, walang iba.”

Sabi naman ni Liza, “This is the first time in my life that everything is in place.

"For me, I belong to her, we belong to each other.

"So, I’m happy. I’m happy that we’re finally going towards that direction that we can seal this relationship.

“I know that ito na ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN