Aljur Abrenica wants to go on a road trip with girlfriend Kylie Padilla this Valentine’s Day

If time will allow it, Aljur Abrenica would like to take his girlfriend Kylie Padilla on a road trip somewhere in the North and capture the moments of their travel together in pictures.


Ngayong darating na Valentine’s Day, gusto raw ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica na gawing simple lang ang selebrasyon nila ng kasintahang si Kylie Padilla.

Sabi ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Gusto ko lang mag-travel kami sa road.

“Kung saan man kami dadalhin, gusto ko andun lang kami.

"Yung ganung moments, like… yung mga simple, iyon naman ang nagiging meaningful, e.

“It just popped out in my mind, kasi isip ako nang isip. Bigla na lang pumasok sa isip ko yung road trip.

"Sabi ko, kakaiba nga iyon.

"Hindi ko pa talaga nagagawa na habang nagru-road trip kami, we’ll be taking pictures.

"Spend time together lang, yung mga moments worth remembering.

"Iyon din nga ang gusto ko—to take pictures.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa studio ng Sunday All Stars noong Linggo, February 9.

NO SPECIFIC DESTINATION. Wala pa raw ideya si Aljur kung saan sila magru-road trip ni Kylie sakaling matuloy ito.

“Pero ang sa tingin ko ay interesting na puntahan namin is somewhere sa North.

"Kasi, unang-una, hindi masyadong traffic yung pa-North.

“Maganda yung daan, relaxing yung pagda-drive dun, e.

“Kung meron time, iyon ang gagawin ko.

"Kung wala at may trabaho pa rin, postpone muna.

“Kasi, naghahabol na rin kami for Kambal Sirena, at kailangang bigyan ko rin muna ng priority.”

Si Kylie ay may taping din daw para naman sa pinagbibidahan nitong fantasy series sa GMA, ang Adarna.

“’Yon, patay!” nangiting bulalas ni Aljur.

Dahil pareho silang may trabaho, malamang na ang mapuntahan lang ni Aljur sa Valentine’s Day ay sa taping ni Kylie.


“It depends... tingnan natin.


“Sa akin naman, hindi ko kailangang mahigitan yung mga pangsu-surprise na ginawa ko sa kanya before.

"As long as your intention is good at saka yung nararamdaman mo ay mai-express mo, iyon na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala ka nang kailangang higitan. Okey na ‘yon, ’di ba?”

MORE OPEN. Mas open na si Aljur na matanong at magsalita tungkol sa kanilang dalawa ni Kylie. Dati kasi ay naiilang siya.

Pero ngayon, kahit paunti-unti ay nakakapag-share na siya ng tungkol sa takbo ng relasyon nila.

At iba ang kislap ng kanyang mga mata, pati ang ngiti niya, kapag si Kylie ang topic.

Si Kylie rin, may kilig, may kasiyahan sa mukha nito kapag natatanong din tungkol sa kanya.

Tila nga relaxed na silang mapag-usapan ang real-life love story nila.

“Well, that’s nice!” nangiting sabi ni Aljur.

“That’s nice. Growing up kasi, ’di ba?

"And we want to be a good example sa mga tao.

“Na, as we grow up, we’re getting stronger individually and we support each other.

“Ito kasing relationship naming ito, as much as possible, we want it to be inspiring para sa ibang tao.”



SEPARATE BUSINESS. Tinanong namin si Aljur tungkol sa nabanggit ni Kylie sa PEP na advice ng ama nitong si Robin Padilla—ang kahalagahan ng fallback plan.

Read: Kylie Padilla disappointed when planned project for her and boyfriend Aljur Abrenica did not materialize

“I’m looking forward to putting up my own business.

“Meron na nga akong ongoing na business sa Batangas,” pagtukoy niya sa bar and restaurant nila ng kanyang pamilya doon.

Dagdag niya, “It’s doing good naman, pero gusto kong mag-start ng iba pang business bukod do’n.”

Posible kayang maging magkasosyo rin sila ni Kylie sa isang negosyo?

Mabilis na sagot ni Aljur, “Hindi, ayoko.

“Para sa akin, mas maganda na may kanya-kanya kaming maipu-put up na business.

"And susuportahan lang namin ang isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN