Camille Prats on finding love again after her husband’s death: "I didn’t cheat on anyone, I didn’t hurt anyone."

Dalawang taon pagkatapos pumanaw ng kanyang asawa, muling nakatagpo ng bagong pag-ibig si Camille Prats sa katauhan ng childhood classmate niyang si John Jerickson Yambao. Napag-usapan na umano nila ang pagpapakasal, pero wala pang petsa kung kailan ito mangyayari.


May planong magpakasal muli si Camille Prats.

Matatandaang inamin ni Camille noong December 2013, via Instagram, na may bago na siyang pag-ibig—sa katauhan ni John Jerickson Yambao, classmate niya noong elementary.

Sa caption ng larawan ay sinabi ng Kapuso actress na mag-iisang taon na sila ni John Jerickson, o JJ.

Read: Camille Prats finds love once more in childhood friend

“I would definitely would want to have a family ulit.

"Ayoko naman wala-wala lang, o partner-partner lang.

“Of course, I want permanent things in my life,” direktang sagot ni Camille nang matanong kung muli ba siyang magpapakasal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Camille sa AXA Philippines Health Campaigns Launch, sa Ascott Makati Hotel, noong February 8, Sabado.

Paliwanag niya, “We talk about it, yes, kasi I’m not getting any younger.

"I’m turning 29, but no definite plans yet.

“Kailangan naman when we enter a relationship, we plan something more than that.

“But no final detail or whatsoever.”

Ayon pa kay Camille, maganda ang relasyon ng anak niyang si Nathan kay JJ.

Ikinasal noon si Camille sa childhood friend na si Anthony Linsangan na pumanaw noong September 23, 2011, dahil sa nasopharyngeal cancer.

Nagkaroon sila ng civil wedding sa Los Angeles, California, noong January, 2008 at church wedding noong March 5, 2010 sa Manila.

May anak sila, ang anim na taon na ngayong si Nathaniel Caesar.

UNEXPECTED LOVE. Ngayong nakatagpo siyang muli ng taong minamahal, natanong kay Camille kung ano ang opinyon niya sa mga taong hindi sang-ayon sa muli niyang pag-ibig, kung meron man.

Sabi niya, “So far, I haven’t gotten any bad comments about moving on and getting into another relationship.

“Kung meron man silang masabi, that’s beyond my control already.

"At the end of the day, I didn’t cheat on anyone, I didn’t hurt anyone.

“Kumbaga, I did my part with my late husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s moved on and I’ve accepted that."

Pag-amin ng 28-year-old widow at single mom, maging siya ay nagulat nang muli siyang magmahal.

“For a time, I never actually thought I’d be able to move on.

"So, when I finally did, it also struck me as a surprise.

“Kasi hindi ko rin siya in-expect, so I took it a day at a time.

“I prayed about it and I prayed about it a lot, and so far it’s been good.”

Alam na rin daw ng mga magulang ng kanyang nasirang asawa ang tungkol sa kanyang bagong relasyon.

“They already know, I told them.

"They said naman that they won’t be able to control that.

"They won’t stop me from moving on, [they just want] I keep my relationship with them."

FEAR FROM LOVING AGAIN. Noong una raw ay natakot si Camille na magmahal ulit, lalo na’t mahirap din ang kanyang pinagdaanan sa pagpanaw ng asawa.

“Siguro after a while, nung siguro natanggap ko na lahat ng nangyari sa late husband ko, na-realize ko na hindi dapat mag-suffer yung susunod na darating sa buhay ko...

"Dun sa pinagdaanan ko dati.

“I have to give this whole thing a different point of view, a different perspective, a different life.

"And I don’t think he should suffer from the things I had to go through."

Samantala, sinabi ni Camille na pumayag siyang magsalita sa AXA Philippines, isang insurance company, upang makatulong sa mga taong may parehong pinagdaraanan.

“I didn’t know anything about insurance plans.

“I think my dad does. I never really asked him about that.

“Ang alam ko lang sa pamilya, education plan, insurance, retirement plans, pension plans, that just how I understand it.

“At least this kind of offer… not a lot of people will admit na magkakasakit ako, [but] it happens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it happens to me, pa’no ‘yon?

“Masisira lahat ng pinaplano ko para sa anak ko, pamilya ko.

"So now I understand what these things have to offer, at kung gaano kalaki maitutulong nila sa buhay ng mga tao just because they prepared.”

Nagsisilbi rin daw therapy para sa kanya ang pagsasalita tungkol sa pinagdaanan tungkol kay Anthony.

“Talking about it makes me feel even better,” ani Camille, na sana raw ay may mapulot ang mga tao sa kanyang karanasan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN