Derek Ramsay and Anne Curtis miss doing a movie together

Derek Ramsay on Anne Curtis: "Yeah, na-miss ko siya. She’s so busy, I’m so busy. So, every time that I see her, it’s a nice time to catch up on things. It’s her birthday next week."


Mistulang nag-reunion sina Derek Ramsay at Anne Curtis nang magkasama ang dalawa sa PLDT Gabay Guro event na Pahalipay Ha Leyte na ginanap sa Leyte Normal University sa Tacloban City, kahapon, Pebrero 9.

Naging co-stars ang dalawa sa blockbuster hit movies na No Other Woman (2011) at A Secret Affair (2012).

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa miyembro ng press na isinama ng PLDT-Smart Foundation para mag-cover ng naturang event, gayundin ang inauguration ng walong disaster proof classrooms na ipinagawa nila sa Leyte.

Sa magkahiwalay na interviews ng PEP kina Derek at Anne, inamin ng dalawa na na-miss nilang katrabaho ang isa’t isa.

Sabi ni Derek, “Yeah, na-miss ko siya. She’s so busy, I’m so busy.

“So, every time that I see her, it’s a nice time to catch up on things.

“It’s her birthday next week.

“So, I’ll be celebrating with her, I think Monday next week [February 17].

“So, I‘m gonna be there with her to celebrate her birthday.

Dagdag ng Kapatid hunk, “I’ve known Anne before I was in showbiz, so it’s funny na kami pa ang naging partners and we both decided to go really sexy [sa No Other Woman].

“Kanina nga, we were reminiscing, we were making kuwento na everyone, when you watch it [love scene] in the movie, it looks so sensual and romantic.

“Kami naman ni Anne, we were like shouting, ‘A, weird!’ Hindi nakikita ng tao yun.

“Then, we followed it up with A Secret Affair.

“‘O, bed scene niyo today.’ ‘Okay!’

“Kami ni Anne, we just jump in there like it’s nothing, because we’re very comfortable with one another.

“We’re very, very good friends.”

Ayon naman kay Anne, “Oo, parang reunion nga namin ngayon.

“I’m so happy to see him and be with him in this event for the teachers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, from doing movies together, we’re both here now for a good cause.”

Asam din nina Derek at Anne na sana magkasama ulit sila sa pelikula.

Pero sa mga ginagawa nilang pelikula ngayon, iba ang mga kasama nila.

Si Derek ay kasama ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes at si Heart Evangelista sa Trophy Wife.

Kasama rin ni Anne si Cristine, along with Sam Milby, sa dark comedy movie na The Gifted.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN