Kristoffer Martin still on speaking terms with ex-girlfriend Joyce Ching

Kristoffer Martin on celebrating Valentine’s Day: “Hindi naman kasi ibig sabihin ng Valentine’s Day, sa special someone mo lang o sa ibang tao. Puwede namang sa family mo yung pagsi-celebrate ng Valentine’s Day, ‘di ba?”


Wala man siyang special someone ngayon, hindi naman daw magiging malungkot para kay Kristoffer Martin ang nalalapit na Valentine’s Day.

Isang espesyal na araw pa rin daw ito para sa kanya.

Rason niya, “Hindi naman kasi ibig sabihin ng Valentine’s Day, sa special someone mo lang o sa ibang tao.

“Puwede namang sa family mo yung pagsi-celebrate ng Valentine’s Day, ‘di ba?”

Wala siyang Valentine’s date?

“Wala… family ko. Sa family ko ibabaling ang spirit ng Valentine’s,” sagot ng young actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer noong Linggo, February 9, sa Sunday All Stars.

JOYCE CHING. Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang mag-break si Kristoffer at ang ex-girlfriend niyang si Joyce Ching.

Pero tila nananatiling sarado ang isip niya para muling manligaw o maghanap ng panibagong mamahalin.

Sabi ni Kristoffer, “Ayoko muna.

“Kasi sa ngayon, ang focus ko muna e yung trabaho ko. ‘Yon na muna.”

Kasama si Joyce sa cast ng Paraiso Ko’y Ikaw, ang early primetime series na pinagbibidahan nina Kristoffer at Kim Rodriguez.

Ayon kay Kristoffer, kung minsan ay nagkikita sila ng dating kasintahan sa set.

“Okey naman. Magkaibigan naman kami, e.

“At saka, ‘di ba, regular din siya sa Sunday All Stars? Magkasama nga kami kanina sa production number.

“Ang nabago lang naman sa samahan namin ni Joce ngayon, wala na kaming commitment.

“Pero okey naman kami as friends.”

ON SPEAKING TERMS. Nag-uusap naman daw sila ni Joyce, hindi nga lang madalas.

“Yung usap namin, kaswalan. I mean, nagti-text at nagku-communicate pa rin kami.

“Pero hindi gaya before na araw-araw. Ngayon, once a week lang, ganun.

“Yung nangyari naman sa amin ni Joyce, hindi naman malala, e.

“Hindi naman yung nag-away kami kaya naghiwalay.

“Malinaw yung usapan namin, kaya wala naman sigurong dapat na paghugutan ng sama ng loob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Nung katatapos pa lang naming mag-break, talagang na-depress ako nang husto.

“Ininda ko ‘yon nang sobra, kasi siyempre fresh pa.

“Pero ngayon, okey na. Nakakausap ko na siya na wala na yung bigat ng loob.”

Sakali bang maging open na si Joyce to entertain suitors o kaya ay may mahanap na itong kapalit niya, okey na sa kanya?

“Magiging masakit pa rin, siyempre,” pag-amin ni Kristoffer.

“Pero hindi ka naman puwedeng magsalita o tumutol kasi wala ka nang right, e.

“Kung masaya siya, magiging masaya na rin ako para sa kanya.


“Ganun naman dapat, ‘di ba?”

Malabo na ba talagang magkabalikan pa sila?

“Sa ngayon, hindi ko masasagot ‘yan.

“Ang sa akin, ayokong magsasalita ako nang patapos.

“Basta open ako sa anumang possibilities. Yun na lang ang masasabi ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN