Kristoffer Martin not yet ready to walk the ramp for Cosmo Bachelor Bash: "...huwag po muna. Kapag talagang proud na ako sa katawan ko."

Kristoffer Martin on juggling his showbiz career and studies: "Mahirap pagsabayin ang studies at pag-aartista. Pero kailangan kong pagpursigihan, kasi ginusto ko, e. Gusto kong mag-aral at magtrabaho. No choice kundi pagsabayin ko at nagagawa ko naman. Time management lang naman ‘yan, e."


Sa early primetime series na Paraiso Ko’y Ikaw ay may pagka-sexy ang role ng leading man ditong si Kristoffer Martin.

Maraming eksena na nakahubad si Kristoffer, samantalang naka-kamison naman madalas ang katambal niyang si Kim Rodriguez.

Ang pahayag ng young actor tungkol dito, “Nabigla nga rin ako, kasi hindi pa ganun kahubog na hubog yung katawan ko, e.

“Pero ongoing naman yung pagdyi-gym ko.

“Hopefully, maa-achieve ko rin one day yung magandang built.

“Okey lang din naman na medyo sexy na yung role na ipinu-portray ko ngayon.

“Ni-require ako ng network na magpalaki ng katawan.

“Gusto kasi nila, hindi na yung pa-tweetums. They want me na mag-break na sa sarili kong shell.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, February 9.

SEXY TO OTHERS. Sexy naman ang tingin sa kanya ng iba, hindi lang siya siguro aware.

“A, okay kung sexy ako sa paningin nila!” bahagyang natawang reaksiyon ni Kristoffer.

“Maganda ‘yon! Magandang compliment ‘yon.

“Kasi napansin pala nila yung pinaghirapan ko for almost two months. Flattering ‘yon para sa akin.”

Okey lang ba sa kanya sakaling maging sentro rin siya ng pantasya ng girls and even gays?

“Ha? Wala sa isip ko ‘yan!” tawa niya.

“Ewan ko. Hindi ko naman hawak ang takbo ng utak nila e so, sila na ‘yon.”

Maging open na kaya siya ngayon sa sexy pictorials para sa magazines, gaya halimbawa ng Cosmopolitan? O kaya rumampa na rin sa Cosmo Bachelor Bash?

Tugon niya, “Yung Artist Center din, gusto nila mag-Cosmo na ako this year.

“Sabi ko, huwag po muna. Kapag talagang proud na ako sa katawan ko.

"Mahirap kasi kapag sapilitan, e, ‘di ba?"



KIM RODRIGUEZ. Samantala, masaya raw si Kristoffer sa muling pagsasama nila ni Kim.

Una silang nagkatrabaho sa afternoon soap na Kakambal Ni Eliana kaya kumportable na raw sila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Nakita siguro ng network na may chemistry naman kami, kaya kami ang ginawang magka-partner dito sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Actually, exciting nga para sa akin yung pagiging magka-loveteam namin ngayon.

“Kasi, ibang-ibang Kristoffer at Kim nga ang masusubaybayan nila.”

Pareho silang single ni Kim. Hindi kaya sa pagdaan ng mga araw na lagi silang magkasama ay mauwi sa totohanan yung pagiging magka-loveteam nila.

“Hindi rin,” sagot ni Kristoffer.

“Kasi, gusto kong sa trabaho at pag-aaral ko muna mag-focus. Mahirap pagsabayin ang studies at pag-aartista.

“Pero kailangan kong pagpursigihan, kasi ginusto ko, e.

“Gusto kong mag-aral at magtrabaho.

“No choice kundi pagsabayin ko at nagagawa ko naman. Time management lang naman ‘yan, e.

“Basta sa ngayon, ayoko muna ng commitment. Huwag muna.”

Si Joyce Bernal ang direktor ng Paraiso Ko’y Ikaw. First time daw ni Kristoffer na makatrabaho ang award-winning director.

Sabi pa niya, “Ang cool niya!

“Noong una, natatakot ako at nai-intimidate, kasi siyempre Joyce Bernal ‘yan.

“Pero nung nag-start kaming mag-taping, sobrang cool niya lang.

“Makulit kami ni Kim sa set, lalo na kapag nagba-blocking, pero sinasakyan niya kami.

“So, nawala kaagad yung kaba ko kay Direk Joyce.

“At saka sobrang mabusisi siya. Gusto niya perfect talaga ang kakalabasan.

“So, kapag Joyce Bernal ang gumawa, maganda talaga.

“Thankful ako sa chance na makatrabaho siya. Ang sarap ng feeling!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN