Senator Juan Ponce Enrile denies Ruby Tuason’s allegations: "Walang ibinibigay sa akin na pork barrel funds."

Senator Juan Ponce Enrile claims he never gave authority to his former chief of staff, Atty. Gigi Reyes, to accept pork money from Ruby Tuason. He also dismissed speculations that Atty. Reyes might also turn herself into a potential state witness.

"What will she [Reyes] say? I have faith in her honesty and integrity... There has never been any occasion when she violated that degree of rectitude expected of a public servant,” says Senator Enrile in a G


Nanindigan si Senator Juan Ponce Enrile na hindi siya tumanggap ng anumang kickback mula sa ghost projects ng pekeng non-government organizations (NGOs) na nauugnay kay Janet Lim-Napoles.

Itinanggi rin ng beteranong pulitiko ang alegasyon ni Ruby Tuason na ang kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Reyes ang personal na tumatanggap ng perang nakalaan para sa kanya.

Ito ay kaugnay ng diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, February 10, sinabi ni Senator Enrile, “Pork barrel funds? Walang ibinibigay sa akin na pork barrel funds.

"Kickback? I don’t know. I do not live with Mrs. Reyes. I do not live in her house.”

THE ALLEGATION. Sa sinumpaang salaysay ni Tuason sa Department of Justice noong Biyernes, February 7, ibinunyag niyang siya ang nagsabi kina Senator Jinggoy Estrada at Atty. Reyes—para kay Senator Enrile—tungkol sa “PDAF offer” ni Napoles.

Ang mga sangkot na mambabatas ay tumatanggap umano ng 40 percent na komisyon sa bawat ghost project ng pekeng NGOs na pinamamahalaan ni Napoles.

May kaltas daw itong 5 percent para sa withholding tax.

Si Tuason naman ay tumatanggap umano ng 1.5 percent na komisyon sa bawat tagumpay niyang referral.

Ayon kay Tuason, personal niyang kakilala si Senator Estrada dahil siya ang nagsilbing social secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Kilala rin umano ni Tuason si Senator Enrile dahil pareho silang kinuhang ninang at ninong sa isang kasal.

Kapag may iaabot daw siyang komisyon kay Atty. Reyes para kay Senator Enrile, makikipagkita umano siya sa abugada sa isang restaurant sa Makati City along Pasay Road o kaya naman ay sa The Fort, Taguig City.

Mayroon din daw mga pagkakataon kung saan nakakasama nilang magkape si Senator Enrile bago matapos ang meeting nila ni Atty. Reyes.

Read: Former aide of ex-President Joseph Estrada reveals delivering PDAF kickback to Senators Juan Ponce Enrile and Jinggoy Estrada

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUNCH MEETING ABOUT “PROPERTY TRANSACTION.” Sa panayam ng GMA News at iba pang reporters, inamin ni Senator Enrile na nakasama niya sa isang lunch meeting si Tuason.

Ngunit hindi raw para tumanggap ng kickback, kundi upang pag-usapan ang isang transaksiyon na walang kinalaman sa diumano’y pork barrel scam.

“It was not to discuss PDAF or to receive a bribe, but I was discussing with her a prospective property transaction.

“That was about it. I was the one to arrange that lunch," giit ng senador sa panayam ng GMA News at ibang reporters.

Kasama rin daw nila si Atty. Reyes upang magsilbing taga-record ng mga detalyeng pinag-usapan sa naturang meeting.

Nabanggit din ni Senator Enrile na noong naluklok siya sa Senado noong 2004, madalas niyang makasabay sa elevator si Tuason.

Kinalaunan ay napag-alaman daw niyang isa pala itong real estate broker.

Sa mga akusasyong ibinabato sa kanya, malaki ang kumpiyansa ni Senator Enrile na wala siyang nakikitang rason para masangkot sa mga illegal business transactions ni Napoles.

Sa pagkakaalam din daw ng senador ay hindi tumanggap ng anumang kickback ang dati niyang chief of staff na si Atty. Reyes.

Kaya imposible raw na idiin siya nito sa kaso.

Sabi pa ni Senator Enrile, “What will she [Reyes] say? I have faith in her honesty and integrity...

“There has never been any occasion when she violated that degree of rectitude expected of a public servant.”

SENATOR ENRILE’S RUMORED AFFAIR WITH GIGI REYES. Ayon sa ulat ng GMA News Online noong January 2013, Si Atty. Reyes ay nag-resign mula sa pagiging chief of staff ni Senator Enrile, matapos kuwestiyunin ni Senator Alan Peter Cayetano ang kapangyarihan nitong pumirma ng mga mahahalagang dokumento sa ngalan ng senador.

Nakapagbitiw naman ng maaanghang na salita si Atty. Reyes patungkol kay Senator Cayetano sa isang radio interview, kaya’t minarapat ng abugadang bumitiw sa kanyang puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng 25 taong panunungkulan ng abugada kay Senator Enrile, 89.

Samantala, matatandaang inihayag ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa kanyang privilege noong December 2013, na mayroong ugnayan sina Senator Enrile at Atty. Reyes na higit sa boss-employee relationship.

Ayon kay Miriam, si Atty. Reyes ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay kay Senator Enrile ang asawa niyang si Cristina Enrile.

“The ’other woman’ is reported to be Gigi Gonzales-Reyes, chief of staff of his Senate office, and about 30 years his junior," saad ni Senator Santiago patungkol sa lovelife ni Senator Enrile, ayon sa ulat ng Chicago Tribune noong January 1998.

Read: Miriam Defensor-Santiago says Juan Ponce Enrile is guilty of "persecution of bad faith, malice, and dictatorial acts" during Marcos regime

Read: Senator Miriam Defensor Santiago calls Senator Juan Ponce Enrile "king of smuggling empire" and "serial womanizer"

Ngunit agad namang pinabulaanan ni Senator Enrile ang mga paratang ni Senator Santiago.

Iginiit din ng beteranong senador na huwag na dapat idamay sa kanilang alitan ang mga inosenteng tao, partikular na ang kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Reyes.

Read: Senator Juan Ponce Enrile denies martial law and smuggling allegations; jokes about his appeal to women


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN