Dion Ignacio has no issue against being bypassed for lead roles

Dion will do gay roles but demurs when asked if he will do a kissing scene, man to man. A magnet for gays, he says the indecent proposals have stopped since he changed his number. He relates there was a time he was offered P100,000 for a date.


Karamihan sa mga lalaking produkto ng StarStruck ay naging bida na, kaya natanong namin si Dion Ignacio kung hindi ba siya nagde-demand sa GMA na gawin na rin siyang bida.

Sagot niya, “A, hindi, nakakahiya naman.

“Kung ano yung ibigay sa akin, okay na po ako doon.

"At tsaka meron naman akong trabaho lagi, so bonus na lang kung maisip nila na gawin akong bida.”

Kasali si Dion sa Innamorata, ang bagong drama series ng GMA na pinagbibidahan nina Max Collins at Luis Alandy; kasama rin sina Gwen Zamora at Jackie Rice.

Si Jackie raw ang kapareha niya dito.

Kuwento niya, “Parang magkakagusto ako sa kanya, nag-aartista siya dun at ako simple lang, matadero.”

Bago ito ay napanood si Dion sa afternoon soap na Maghihintay Pa Rin.

HAIR-RAISING. First horror movie naman niya ang Basement ng GMA Films na ipapalabas na sa mga sinehan sa Miyerkules, February 12.

Laki sa Laguna si Dion at sa totoong buhay raw ay hindi pa siya nakakaengkuwentro ng manananggal o aswang, ang mga karakter sa Basement.

Isa si Dion sa mga magiging biktima ng manananggal na ginampanan ni Ellen Adarna.

Paano niya iniarte na takot na takot siya kay Ellen?

“Kasi may experience naman tayo, ’di ba, nasa ibang lugar o kaya nung bata ka, parang may dumaan.

"Iyon ang inisip ko.

“Inilalagay ko rin yung sarili ko sa eksena.

"Tsaka talagang tumatayo ang balahibo pala pagka nasa eksena ka na na nakakatakot,” kuwento ni Dion sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

IN THE BUFF. Dati ay rumampa na si Dion sa Cosmo Bachelor Bash. Kung kukunin raw siyang muli ay papayag siya.

“Oo naman, basta may katawan.

"Nakakahiya kung rarampa ka, ’tapos meron kang love handles, ’di ba?” at tumawa si Dion.

Papayag din daw si Dion kapag na-offer-an siya ng gay role.

“Pagka iyon na yung role e yakapin mo na yung character mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may kissing scene sa kapwa niya lalaking artista?

“’Di ba, hindi naman pinapakita yun?”

Sa mga pelikula, lalo na kapag indie film ay ipinapakita ang man-to-man kissing scene, sabi namin kay Dion.

“A, talaga? Parang hindi ko yata kaya.

"Pero pag nandun na sa shoot, ipagawa yun sa akin, siyempre ayoko namang mapagalitan ng direktor.

"Parang sige na nga, pikit-mata!

“Ang iispin ko, hindi naman ako ito.

"Ito yung papanoorin ng tao na role, ito yung character na humahalik.

“Ang iisipin ko, hindi ako yun, hindi ako si Dion.”

Papayag na rin ba siya sa butt exposure o pagpapakita ng puwet sa kamera?

“Oo! Seksi yun e, okay,” sagot niya.

Hindi na raw nakakatanggap ng indecent proposal mula sa gays si Dion.

“Wala na, iba na number ko e,” at muling natawa si Dion.

Dati raw ay may bading na nag-alok na sa kanya ng P100,000 para sa isang date.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN