Jaya satisfied with format of Sunday All Stars but misses SOP

Jaya on being a judge in Sunday All Stars: "Siguro may nagagalit, marami rin naman ang natutuwa. So, for me, ang importante kasi magtrabaho, at importanteng malaman ng mga tao na lahat kami, magkakaibigan. So, hindi pinepersonal ang natalo at nanalo."


Kuntento raw si Jaya sa format ng weekly musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Sa naturang format ay naglalaban-laban ang apat na grupo ng performers, at sina Jaya at Janno Gibbs naman ang tumatayong hurado kasama ng special guest judges.

Sabi ni Jaya, “Feeling ko naman, malaki ang part namin as judges, kasi nakasalalay sa kamay namin yung mangyayari every Sunday, yung sino ang mananalo.

“But I think, for all of us, nag-e-evolve naman talaga ang role namin.

“Now, yung singer lang, nagsasayaw. Yung dancer, kumakanta.

“Marami talagang maiiba, but singing will always be the number one.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaya sa inauguration ng Hyundai Parañaque West—kunsaan ang isa sa mga may-ari nito ay si Dingdong Dantes—noong Biyernes ng gabi, February 7.

PERSONALAN. Dahil sa pagiging judge niya, wala ba siyang natatanggap na pambabatikos mula sa fans ng mga kasamahan niyang artista sa Sunday All Stars (SAS)?

Sagot ni Jaya, “Siguro may nagagalit, marami rin naman ang natutuwa.

“So, for me, ang importante kasi magtrabaho, at importanteng malaman ng mga tao na lahat kami, magkakaibigan.

“So, hindi pinepersonal ang natalo at nanalo.

“Ang alam ko, meron, pero hindi ko binabasa.”

Sa stars ng SAS na nagko-compete, wala pa naman siyang nakitaan o naramdaman na nagtampo sa kanya dahil pinuna niya ang performance nito?

Saad ni Jaya, “Maybe noong nag-uumpisa yung SAS, lahat sila naapektuhan.

“Ang hindi nila alam, kami, hindi namin alam na maiiba yung mga members, magro-rotate.

“Pero noong umpisa, my God, sila na yun!

“Sila-sila na yun, e, naiba na ang theme, naiba na ang plano.

“Better na ganyan. Meaning, it’s a team effort.”

Wala pa namang namemersonal sa kanya?

“Wala naman,” tugon ni Jaya.

“Siyempre, kung meron man, hindi naman nila ipapakita yun or sasabihin.

“Pero I’m sure, nag-pass na sila dun. Trabaho lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sinasabi naman namin na, ‘Don’t take it personal, ha, there’s always another Sunday.’”



OLD FORMAT. Natawa naman si Jaya nang tanungin ng PEP kung hindi ba niya nami-miss ang dating format ng Sunday musical show nila, ang SOP at Party Pilipinas.

Natatawang sagot niya, “Na-miss ko ang SOP!

“Kasi, doon kaming lahat natuto, nag-bond.

“Ako, I became who I am sa SOP. Kaya malaking impact sa akin ang SOP.

“Kaya noong nawala ‘yan, kaming apat and the rest of the cast, nalungkot kami, iyakan.”

Kasamang main hosts ni Jaya sa SOP sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs.



MISSES ACTING. Kung may isa pang nami-miss ngayon si Jaya, ito ay umarte sa isang soap opera.

Ang huling acting project niya ay ang Mga Basang Sisiw, kung saan naging mahaba ang guest role niya.

Saad ng Queen of Soul, “Nami-miss kong umarte, ang sarap umarte, e.

“Marami namang nagbubukas na show, pero ang sa akin lang, siyempre kung makapasok man ako, hindi yung guest, but part of the main cast.

“Part of the show na puwedeng salbahe, puwedeng mabait.

“Basta kung ano ang matutunan ko na bago, okay sa akin yun.”

Na-enjoy niya talaga ang pag-arte?

“Oo, at saka masarap pala ang hindi ka lead, pero nandoon ang talagang meat, e.

“Minsan ikaw ang bad, pero kailangan bad ka. Kailangan magalit sila sa ‘yo, ‘di ba?”

Dagdag niya, “Ngayon, gusto kong mag-try ng indie or basta film.

“Hindi ko alam na nandoon din pala sa loob ng katawan ko ang pag-arte.”



DINGONG DANTES. Samantala, masaya naman si Jaya para kay Dingdong Dantes, lalo na’t nagbukas ang bagong negosyo ng Kapuso actor.

Sabi niya, “Sobra akong masaya para kay Dingdong nang bonggang-bongga, and for Marian [Rivera, Dingdong’s girlfriend].

“I can see that their lives have really grown parang beyond what I expected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang para magawa niya ‘to, magkaroon siya ng sariling car dealership, I can see bigger things and I’m so proud of him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN