Vilma Santos still non-committal about running for Vice President in 2016

Dalawang scripts ang pinagpipilian ni Batangas Governor Vilma Santos para sa gagawin niyang pelikula ngayong 2014. Isa ay ang pagsasamahan nila ni Ai-Ai delas Alas, kung saan co-producers din sila, at ang isa naman ay para sa Star Cinema na tungkol sa pamilya ang tema.


Usap-usapan ngayon ang "panliligaw" diumano ni Vice President Jejomar Binay kay Batangas Governor Vilma Santos upang maging running mate nito sa 2014 presidential elections.

Kinumpirma naman ni Governor Vi na nagkausap nga silang dalawa ni Vice President Binay, pero ito raw ay tungkol sa isang proyekto sa Batangas.

Inamin din ni Governor Vi na halos lahat ng mga nakakausap niyang mga pulitiko, at maski raw mga lider niya sa Batangas, ay kinukumbinsi siyang tumakbo for a higher position.

Ngunit giit niya, "As I have said, no political ambition.

“Basta kung saan man at kung anuman ang gagawin natin after my term here in Batangas, bahala na ang Itaas.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi sa Kapitolyo ng Batangas City, kahapon, February 10.

NEXT IN LINE. Ngayong huling termino na niya bilang gobernador ng Batangas, totoo ba ang balita na ang asawa niyang si Senator Ralph Recto naman ang tatakbong gobernador sa susunod na eleksiyon?

Sagot ng actress-politician, "Kaya nagkaroon ng tsikang ganyan, kasi ayaw ng mga taga-Batangas, lalung-lalo na ang mga leaders namin, na walang Recto na tatakbo sa Batangas.

“Kumbaga, after my term as governor, wala na nga naman.

"Kaya nga gusto nila e si Ralph ang tatakbong governor dito.”

What about her son Luis Manzano? Itutuloy na ba nito ang pagtakbong mayor ng Lipa City?

"Mag-uusap pa rin kami tungkol sa bagay na ’yan.

“Dahil kung interesado talaga siya, dapat ngayon e umpisahan na niya.

“I mean, dapat maging visible na siya sa Lipa.”



ONLY ONE MOVIE IN 2014. Samantala, hindi pa rin naman nakakalimutan ni Governor Vi ang pag-arte.

Sa katunayan, dalawang scripts ang pinagpipilian niya para sa gagawin niyang pelikula ngayong 2014.

Isa ay ang pagsasamahan nila ni Ai-Ai delas Alas kung saan co-producers din sila, at ang isa naman ay para sa Star Cinema na tungkol sa pamilya ang tema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Star For All Seasons, "Pareho kong gusto ang dalawang offer na yun, pero ano’ng magagawa ko, isa lang ang puwede kong gawin.

“Alam niyo naman, last term ko ngayon as governor. At siyempre, ito ang priority ko.

"Kumbaga, yung sa akin e yung maiiwan kong legacy sa mga constituents ko.”



INDIE FILMS. Bukod dito, patuloy pa rin ang pagdating ng offers kay Vilma na gumawa muli ng isang indie movie.

Matatandaang noong 2013 ay ginawa ni Vilma ang kanyang unang indie film, ang Ekstra, na idinirek ni Jeffrey Jeturian.

Ang mga premyadong direktor na sina Brillante Mendoza at Adolf Alix ay naghihintay rin daw ng availability ng actress-politician.

Sabi ni Governor Vi, "Nagkausap na kami ni Brillante Mendoza.

“Interesting siyang kausap. Mahilig siya sa kuwentuhan.

“Hopefully, magkakatrabaho din kami.

“May offer din si Adolf Alix, maganda rin.”

Pero nakiusap siyang huwag na naming isulat ang storyline ng mga pelikulang inu-offer sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN