Governor Vilma Santos on rumored wedding of son Luis Manzano and Angel Locsin: "Magsasalita lang ako kung plantsado na ang lahat."

Tikom ang bibig ni Governor Vilma Santos tungkol sa napapabalitang pagbabalikan ng panganay niyang anak na si Luis Manzano at ng aktres na si Angel Locsin. Sabi niya, "Panoorin niyo ang last episode ng Minute To Win It sa February 21. Malalaman niyo doon kung sila na nga o hindi pa."


Tikom ang bibig ni Governor Vilma Santos tungkol sa napapabalitang pagbabalikan ng panganay niyang anak na si Luis Manzano at ng aktres na si Angel Locsin.

"Panoorin niyo ang last episode ng Minute To Win It sa February 21.

“Malalaman niyo doon kung sila na nga o hindi pa,” sabi ni Governor Vi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapitolyo ng Batangas, sa Batangas City, kahapon, February 10.

Ang Minute To Win It ang daily game show na hinu-host ni Luis sa ABS-CBN.

So, inamin na ng dalawa na sila na nga ulit?

"Panoorin niyo lang dahil yun din naman ang sabi sa akin ni Luis!” natatawang sabi ng actress-politician.

NOT TRUE. Pinabulaanan naman ng Star For All Seasons ang usap-usapan na hindi raw siya pabor sa pagbabalikan nina Luis at Angel.

"Hindi totoo yun,” diin niya.

“Ever since naman e hindi ako nakikialam sa anak ko pagdating sa lovelife niya.

“Kahit itatanong niyo pa kay Luis.

“Basta ako, lagi ko lang siyang tinatanong kung kamusta na siya.

“Pag sinagot ako ng anak ko, ‘Okey lang, Mommy, at walang problema,’ e, hanggang dun lang ako.”

Ibinuking din ni Governor Vi na madalas lumalabas ngayon sina Luis at Angel, pero hindi pa raw sila nagkakausap ni Angel mula nang naging close muli ito kay Luis.

Aniya, "Nagte-text rin naman kami ni Angel.

“Baka one of these days e baka ipakilala ulit sa akin ni Luis si Angel.

“Masyadong busy na rin kasi ang dalawang yun.”

Kalat na kalat na rin ang balitang magpapakasal na raw sina Luis at Angel, pero hindi ito kinumpirma o itinanggi ni Ate Vi sa amin.

"Well, magsasalita lang ako kung plantsado na ang lahat,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN