Deniece Cornejo’s parents and close friend challenge Vhong Navarro to man up and face the consequences of his actions

“Right now, yung pangalan niya ang sirang-sira, e. Para sa akin lang, kung hindi natin siya masyadong kilala, wala tayong karapatang mag-judge," pahayag ng malapit na kaibigan ni Deniece Cornejo na si Natalia Alvarez.

Taliwas sa mga nakaraang panayam kay Vhong Navarro, iginiit din ni Natalia na hindi raw si Deniece ang tipo ng babaeng magpapakita ng motibo sa isang lalaki.


“People will judge and not believe the truth. ‘Wag na po.”

Ito ang sagot ni Deniece Cornejo, 22, nang subukan siyang hingan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kahapon, February 10.

Kaugnay ito ng paninindigan ni Vhong Navarro, 37, na hindi totoo ang alegasyong ginahasa niya ang dalaga.

Read: Vhong Navarro: "Wala akong kasalanan kay Deniece, ang kasalanan ko, sa girlfriend ko.

Ngunit isang high school friend at dating kapitbahay ni Deniece ang boluntaryong nagpaunlak ng panayam sa PEP, upang ipagtanggol ang modelo mula sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon.

Ayon kay Natalia Alavarez, 24, matagal nang gustong makipagkita ni Vhong kay Deniece, bago pa ang nangyaring insidente sa Forbeswood Heights Condominium noong gabi ng January 22.

“There were times na magkasama kami noon ni Deniece, parang may nakikita akong nagko-call sa Viber niya. Yung name, Vhong.

“Nung una, wala akong idea na si Vhong Navarro yun. Hanggang sa sinagot ni Deniece.

“Then, I heard na ini-invite ni Vhong si Deniece for a night out. Nag-i-insist siya na mag-hang out silang dalawa lang.

“Ang sabi ni Deniece, ‘Can I bring my friend? Or bring your friend. Or group tayong lumabas.’

"Pero sabi ni Vhong, parang sila lang muna,” lahad ni Natalia, nang makausap ng PEP sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono noong February 6.

Nangyari umano ang nabanggit na pang-aaya ni Vhong kay Deniece “less than two years ago.”

Ngunit sa pagkakaalam ni Natalia, tumanggi si Deniece sa imbitasyon ni Vhong, lalo pa’t hindi raw kasi mahilig sa night out o gimik ang kaibigang model-stylist.

SHOCKED BY VHONG’S ALLEGATIONS. Kaya naman ikinagulat daw ni Natalia nang mabalitaan niya sa The Buzz Ng Bayan ang nangyaring pambubugbog kay Vhong, at ang alegasyon ng actor-host na sinet-up siya ng grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Read:Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Ngunit nanindigan si Deniece na pinagtangkaan siyang halayin ng actor-host sa loob ng kanyang condo unit noong gabi ng January 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: "Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan."

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Patuloy na lahad ni Natalia sa nalalaman niya tungkol sa karanasan ng kaibigang si Deniece: “I immediately called her to ask her kung totoo, kasi imposibleng magawa niya yun, e.

“Even my mom, my sister, kilala nila si Deniece na hindi siya gano’ng babae.

"In fact, si Deniece, takot siya ma-involve sa away.”

Nang magkausap sila ni Deniece, ikinuwento ba ng model-stylist ang diumano’y tangkang panggagahasa sa kanya ni Vhong sa loob ng condo unit ng dalaga?

Sagot ni Natalia, “Hindi niya nadetalye yung buong pangyayari. Natatakot din siya siguro.

"Kung ano daw naririnig ko sa news na sinasabi niya sa interviews, yun ang totoong nangyayari.

“Sabi ko nga sa kanya, ’Di ba, parang ini-invite ka na ni Vhong before na lumabas?’

"Meron na palang girlfriend si Vhong, five years.

"Bakit sya mag-i-invite ng isang girl na committed pala siya to someone?”

Hindi rin makapaniwala si Natalia sa kuwento ni Vhong tungkol sa unang pagkikita nila ni Deniece sa condo noong February 17.

Ayon sa actor-host, pagkatapos nilang mag-inuman ni Deniece ay “may nangyari” sa kanila, at mismong ang dalaga pa raw ang nagpakita ng motibo sa kanya.

Saad ni Natalia tungkol sa pahayag ni Vhong laban kay Deniece: “I know her. Hindi niya magagawa yung gano’ng bagay. Kilala ko si Deniece, e.

“Parang ang hirap paniwalaan yung sinasabi ni Vhong na nagpapakita ng motibo si Deniece.”

ON CEDRIC LEE. Sa kabilang banda, mayroong mga espekulasyon tungkol sa tunay na ugnayan ni Deniece kay Cedric.

Ayon kay Natalia, hindi niya personal na kakilala si Cedric at hindi rin nagkaroon ng pagkakataon si Deniece na ipakilala ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala.

"Pero may nababanggit siya [Deniece] sa akin na marami siyang nakakausap na businessman, dahil sa business niya, sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya, fashion or anything.”

Ganunpaman, naniniwala siyang magkaibigan lang sina Cedric at Deniece, lalo pa’t kilalang pamilyadong tao ang lalaki.

Ito ay kaugnay ng usap-usapan sa social media na posibleng boyfriend ni Deniece si Cedric, at nagselos daw ang negosyante nang malaman ang tungkol sa pakikipagmabutihan ng dalaga kay Vhong.

Sagot ni Natalia tungkol dito, “Hindi siya gano’ng klaseng babae na manghihimasok sa gano’ng klaseng buhay.

“Si Deniece kasi, pag sinabi niyang kuya, as in kuya lang.

"Pag business partner, business partner lang. Ganon kasi siya, e.

“Siguro, yung iba, dahil sa pakikisama ni Deniece, nami-misunderstood siya.”

Sa ngayon, apektado raw si Deniece sa patuloy na pambabatikos ng publiko sa kanya, lalo na sa social media.

Kaya pinayuhan daw ni Natalia si Deniece na iwasang magbasa ng comments sa Facebook, para hindi makadagdag sa alalahanin nito.

“Right now, yung pangalan niya ang sirang-sira, e.

"Lahat ng tao, parang against sa kanya. Kahit hindi niya kakilala, ang daming sinasabi sa kanyang masasama.

“Para sa akin lang, kung hindi natin siya masyadong kilala, wala tayong karapatang mag-judge.

"Siguro for now, quiet na lang si Deniece.

"Kung alam niya sa sarili niyang tama siya, lalabas naman ang totoo, e.

"Hindi siya lalaban ng ganito kalayo kung alam niya sa sarili niya na nagsisinungaling siya."

DENIECE’S PARENTS SPEAK UP. Samantala, lumantad na ang mga magulang ni Deniece upang ihayag ang kanilang suporta para sa anak.

Una na rito ang ama ni Deniece na si Dennis Cornejo, na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa insidente kung saan diumano’y ginahasa ang kanyang anak.

Nakausap siya ng GMA News via phone patch at naiulat ito sa Startalk noong Linggo, February 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng ama ni Deniece, “Masyado akong nalungkot sa pangyayari. [Gusto kong] lumabas ang katotohanan.

“’Tulad ng sinabi ng anak ko sa Startalk, magpakalalaki siya [Vhong].

"Sana siya ay maparusahan sa ginawa niyang ‘yan."

Kasalukuyang nakabase sa U.S. si Dennis dahil sa trabaho nito. Ngunit patuloy raw niyang ipinagdadasal na manatiling matatag ang anak sa gitna ng kinasasangkutan nitong problema.

“Hinding-hindi kami tatalikod sa anumang ipinaglalaban niya dahil ang laban niya ay laban naming buong pamilya.”

Nakapanayam din ng Startalk ang ina ni Deniece na si Ana Miles Cornejo.

Bukod sa hiling nitong makamit ng anak ang hustisya, sana raw ay itigil na ni Vhong ang pagpapakalat ng maling paratang laban sa kanyang anak.

Sabi ni Mrs. Cornejo, “Dapat bago kayo lumabas sa media, dapat i-filter niyo yung mga sinasabi niyo, kasi yung mga sinasabi niyo, talagang mali.”

Read: Deniece Cornejo’s message to Vhong Navarro: "Kung meron man ditong binaboy, hindi ikaw, kundi ako’ng binaboy mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN