Character actor Roy Alvarez dies after cardiac arrest

Pumanaw na ang character actor na si Roy Alvarez ngayong araw, February 11, dahil sa cardiac arrest.


Pumanaw na ang character actor na si Roy Alvarez.

Ayon sa unang impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inatake sa puso si Roy ngayong araw, February 11.

Siya ay 63 years old.

Bukod sa pagiging aktor ay isa ring direktor at scriptwriter sa pelikula, telebisyon, at teatro si Roy.

Isa rin siyang environmentalist, kung saan naglilibot siya sa iba’t ibang panig ng bansa upang ikalat ang pangangalaga ng kalikasan.

Kasama si Roy sa cast ng ongoing afternoon soap ng GMA, ang Villa Quintana, na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Napanood din siya sa hit primetime series na My Husband’s Lover, kung saan gumanap siya bilang ama ni Keempee de Leon.

Ang iba pa niyang nilabasang teleserye sa GMA ay ang Amaya, Unforgettable, Alice Bungisngis and Her Wonder Walis, at Pahiram Ng Sandali.

Sa ABS-CBN naman ay ginawa niya ang Juanita Banana at Guns and Roses.

Naulila ni Roy ang kanyang maybahay na si Nieves Campa-Alvarez at dalawang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN