Enzo Pineda on girlfriend Louise delos Reyes: "Suwerte ako na kami."

This will thrill the fans of Enzo Pineda and Louise delos Reyes, what he loves about her: “Napakabait na tao ni Louise at napaka-caring, napaka-sweet, maalaga, and very responsible. Siya ang tipo ng tao na hindi ka mag-aalala. Kasi iba na ang panahon ngayon, madalas gumigimik. Pero si Louise, walang kabisyo-bisyo. Good girl talaga."


Sa pagbabalikan nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes, kapansin-pansin na mas relaxed at mas open na sila tungkol sa kanilang relasyon ngayon.

Sabi ni Enzo, “Okay na okay kami ni Louise ngayon and, I think, I love it.

"Happy kaming dalawa.

"It’s something new for us na we don’t have much problem anymore, we understand each other.

“Mas mature na kami sa trabaho, siguro mga small problems na lang, mababaw lang na problema.

"Pero, wala naman na yun.”

Magkasama ang magkasintahan sa VIP screening ng Basement na ginanap sa Podium Cinema noong Linggo, February 9, kasama ang iba pang cast ng pelikula.

ISSUES. Ano ang madalas na napag-aawayan o nagiging isyu nila ni Louise sa kanilang relasyon?

Sagot ni Enzo, “Siguro time, pagha-handle ng schedules, responsibilities also.

"Responsibility sa work, with family. So, yun ang mga things na kailangan naming ma-understand din.

“We have our own lives naman.

"Pero kapag nagsama kami, we’re happy all the time.

"Pero ganun naman talaga, masaya kami lagi.”

Nandon din noong premiere night ang ina ni Louise.

Kinamusta namin kay Enzo ang pakikitungo niya sa mommy ni Louise.

“Okay kami, okay naman kami ni Mommy,” nakangiting sabi ng StarStruck alumnus.

“Happy nga ako na nandito siya kasi it’s been a long time.

"Madalas kasi, nasa Cavite lang si Mommy. Kapag taping, SAS [Sunday All Stars], wala siya.”

Nararamdaman ba ni Enzo na boto na sa kanya ang ina ni Louise?

“Tingin ko, boto siya sa akin.

"Pero tingin ko, marami pang puwedeng pagdaanan, marami pang puwedeng patunayan.

"Palagi namang ganun, kasi continuous naman ang panliligaw.

"Ganoon naman dapat.

“It doesn’t stop na porke’t nakuha mo na, wala na, relax ka na lang.”

FREEDOM. Independent na ngayon si Louise dahil mag-isa na itong nakatira sa sarili niyang condo unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay rin ba sa relasyon nila ang pagiging independent ni Louise?

Sagot ni Enzo, “Yes and no… yes, kasi naha-handle naman niya ang oras niya.

"Pero may mga bagay na kailangan din niyang maintindihan.

"Like, how to live on your own, how to pay the bills, everything, mga simple things lang.”

Sa relasyon nila, mas okay?

“Yeah, mas okay siya.”

Mas may freedom?

“Mas may freedom pero hindi naman kasi namin inaabuso yung freedom na yun.

"Kasi ako, if you’re gonna ask me about it, bina-value ko rin kasi ang mga responsibilities ko sa work.

"Kaya kahit may freedom na kami, hindi pa rin kami ganoon palaging nagkikita.

“May mga gusto rin kasi akong bagay na ma-achieve sa sarili ko at habol ko rin talaga ay stable relationship.”

Hindi pa ba stable ang relasyon nila ngayon?

“Stable kami, I don’t get to worry about our relationship, my family and her family that much.

"Everything is doing great, and now I can focus more on my work, kasi yun naman talaga ang gusto kong gawin—magtrabaho.

"Kasi parang complete na trabaho na lang talaga ang kailangan kong pag-isipan palagi.”

THE FUTURE. Tatlong taon na ang relasyon nina Enzo at Louise. Nakikita ba nila ang isa’t isa na sila na habambuhay?

Ayon kay Enzo, “Definitely, wala pa kami sa mode na pakasal.

"Pero sa puso ko, siya talaga ang mahal ko.

"Siguro marami pa kaming mga pagdadaanan na mga challenges para makita talaga kung siya talaga.

"Pero sa tingin ko, sa ngayon, papunta na dun.

“Napakabait na tao ni Louise at napaka-caring, napaka-sweet, maalaga, and very responsible.

"Siya ang tipo ng tao na hindi ka mag-aalala.

"Kasi iba na ang panahon ngayon, madalas gumigimik.

"Pero si Louise, walang kabisyo-bisyo.

“Good girl talaga and, I think, suwerte ako na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At dahil Valentine’s Day na sa Biyernes, February 14, may plano na ba siya para sa kanilang dalawa?

Sabi ni Enzo, “I would like to have a simple dinner with her.

"Na-cancel yung Davao ko sa Friday, sana ma-cancel din kung may work siya, so we can be together on the 14th..

“Siguro magre-reserve ako ng table for two in a very good restaurant.

"I want a sweet, private [moment] where we can have a good conversation.”

Romantic ba siya?

“Romantic ako, medyo.

"Kahit hindi naman Valentine’s Day, feeling Valentine ako kasi sweet talaga ako," nakangiting sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN