Jackie Rice at ease with kontrabida role in Innamorata

Jackie Rice and her unnamed non-showbiz boyfriend of five years have no marriage plans yet. "Gusto ko na parang Iya Villania and Drew Arellano style, mga nine years... Ganoon katagal. Twenty-three pa lang po ako.”


Kuntento naman daw si Jackie Rice sa kung anumang proyektong ginagawa niya sa GMA Network.

Regular siyang napapanood sa gag show na Bubble Gang at kasama rin siya sa bagong afternoon soap na Innamorata.

Sabi ni Jackie, “Happy naman ako sa GMA. Dito ako nanalo, e, dito ako nakilala.”

Si Jackie ay produkto ng reality-based artista search na StarStruck, kung saan itinanghal siyang Ultimate Female Survivor noong Season 3 nito.

Matagal pa ba ang kontrata niya sa network?

“Unlimited...lifetime!” biro niya.

Dugtong niya, “Wala sa isip ko yung lilipat ako ng network, wala sa isip ko.

"Masaya ako rito.

"At ang hirap ng kikilalanin mo, bago na naman sa paningin mo.

“At least dito, from big boss hanggang sa utility, kaibigan ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jackie sa presscon ng Innamorata noong February 7.

KONTRABIDA ROLE. Kung tutuusin, ilang serye na rin naman ang nagawa ni Jackie na siya ang bida.

Pero ngayon, sa Innamorata, ang baguhan pa rin na maituturing sa Kapuso network na si Max Collins ang bida.

Kaya hindi maiwasang itanong kay Jackie kung bakit siya pumayag na maging suporta o kontrabida kay Max.

Tugon niya, "Sa akin kasi, wala namang kaso kung ako ang bida o kontrabida.

“Pareho lang naman kami sa suweldo, pareho naman kaming nagpupuyat.

"Nagkataon lang na yung character, iba-iba ang pinu-portray namin.

"Kesa naman palaging bida, ang hirap ng iisa lang din ang atake mo.”

Pag-amin pa niya, “Nahihirapan din kasi akong umiyak, ‘di ba? Hindi ko personality yung ganun.

"Kapag nasasaktan, ayokong may nakakakita sa akin na nasasaktan ako.

"So, yun, bumabagay naman.

“Well, once in a while, gusto ko pa rin siyempre na maging bida pa rin.

"Hindi pa rin naman nawawala sa category ‘yan.”

Mas nag-e-enjoy siya sa kontrabida roles?

“Oo, tinanong sa akin [ng network] kung okay lang, sabi ko, oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ako naman, gusto ko kung trabaho, trabaho lang.

"Walang label, walang category.

"Pero gusto ko siyempre lahat ng roles kung puwede, ‘di ba?

“Nag-start lang din naman ako sa support-support lang.

"Naranasan kong magbida, mag-support.

"Pero siyempre, doon ako sa maraming taping.

"Although, pareho naman akong enjoy, mas nabibigyan ko lang ng buhay ang pagiging kontrabida.

"Nakikilala ako sa pagiging kontrabida.”

ON MAX COLLINS. Noong malaman niyang si Max ang bida sa Innamorata, ano ang naging reaksiyon niya?

Sabi ni Jackie, “Masaya ako.

“Masaya ako para kay Max, kasi ito ang first project niya na major-major, siya ang bida.

“Deadma lang ako kung sino ang bida. ’Talaga, may trabaho ako?’ Ganun.

"At saka, nakakatrabaho ko naman si Max sa Bubble Gang, mabait naman siya.

"Down-to-earth na tao si Max.

"Sobrang humble and hindi ako magtatakang one day, next big star siya.

"Walang pait, walang pagiging bitter sa side ko, kasi alam kong deserving siya, mabait, at maganda."



LONG ENGAGEMENT. Limang taon na ang relasyon ni Jackie sa kanyang non-showbiz boyfriend. Pero, wala pa raw sa plano niya sa ngayon ang magpakasal.

Saad ni Jackie, “Gusto ko, siya na.

"Pero magpakasal, hindi pa. Wala pang ganun.

"Masaya kami na ganito, five years na kami.

"Gusto ko na parang Iya Villania and Drew Arellano style, mga nine years na. Ganoon katagal.

“Kasi best friend ko na siya.

“Gusto ko ganun, nine years... bago mag-ten years.

“Twenty-three pa lang po ako.

“Fifteen ako noong nag-start sa StarStruck, e.”

Sigurado naman na siya na sila na nga?

“Sana… hindi ko alam.

"Kasi marami pa rin naman sa mundo... I mean, punung-puno ng kasalanan ang mundo.”

Nilinaw naman ni Jackie na kahit limang taon na ang relasyon nila ng boyfriend, hindi raw sila nagli-live-in.

“Hindi talaga,” giit niya.

“Kasama ko ang dad ko sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magpapatayo pa ako ng bahay para sa nanay ko.

"And siya kasi, may family siya, kasama niya pa rin ang mom niya sa bahay niya.

“Kanya-kanyang kasama namin ang family namin.

"Hindi naman parang sa States na when you turn eighteen, independent ka na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN