Rachelle Ann Go reveals Slater Young will go to London to watch her in Miss Saigon

“Sabi niya pupunta daw siya. Tingnan natin kung totoo, ‘no!” Rachelle Ann Go said when asked if Slater Young will follow her to London when she starts her role as Gigi Van Tranh in the 2014 West End revival of the hit musical Miss Saigon.

Rachelle Ann and Slater admitted recently that they are dating.


Tinanong si Rachelle Ann Go kung susunod ba ang nali-link sa kanya ngayong si Slater Young sa London kapag nagsimula na ang pagganap niya bilang Gigi Van Tranh sa 2014 West End revival ng hit musical na Miss Saigon.

Sagot ng 27-year-old singer at theater actress, “Sabi niya pupunta daw siya. Tingnan natin kung totoo, ‘no!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media si Rachelle Ann sa presscon ng kanyang Miss Rachelle: The Send-Off Concert, na ginawa sa Magellan Function Room ng Discovery Suites sa Pasig City, ngayong araw, February 12.

Na-link ang dating Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner sa Kapuso singer mula nang pareho silang umamin na nagde-date nitong January lang.

Read: Rachelle Ann Go admits dating ex-PBB housemate Slater Young

Sa interview ni Rachelle Ann sa PEPtalk, sinabi niyang “Sobrang okey kami, sobrang masaya kami” nang tanungin kung ano na ang real score sa kanilang dalawa ng kapwa niya Cornerstone Talent Management, Inc. talent.

Watch: PEPtalk. Rachelle Ann Go on "Miss Saigon" and the real score with Slater Young

PREPARING FOR SEXY ROLE. Sa Marso pa ang alis ni Rachelle Ann papuntang London kaya nga magkakaroon pa siya ng pagkakataon para sa isang send-off concert na 10th anniversary concert na rin niya at panahon para makapag-aral.

“Before I leave, gusto ko pong mag-attend ng mga dance classes, mga jazz. Para may baon naman po ako pagdating ko doon,” banggit niya.

Ang role na Gigi Van Tranh ang gagampanan ni Rachelle Ann sa Miss Saigon 2014 revival.

Si Gigi ay isa sa mga stripper/prostitute na kasamahan ng bidang si Kim (to be played by 17-year-old Fil-Am Eva Noblezada).

Bilang stripper, required ang role na magpakita ng kaseksihan sa stage, katulad ng ginawa ni Isay Alvarez—ang unang Gigi sa original na 1989 production ng Miss Saigon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP kung handa na ba si Rachelle Ann na mag-two-piece bikini para sa kanyang role bilang Gigi.

Sagot niya, “Actually, wala naman po sa aking sinabi [Miss] Saigon, ’no. Hindi naman nila ako tinanong kung okey lang na mag-two-piece ako.

“Pero for sure, since revival naman po ito ng Miss Saigon, naka-two-piece po talaga.

“Kasi yung character po na Gigi, sexy po. Siya yung parang leader dun sa bar. So, yeah…

“Sexy yung role na Gigi,” saad ng singer-host-theater actress.

At dahil magpapakita siya ng hubog ng kanyang katawan, sinabi ni Rachelle Ann na pinaghahandaan na niya ito.

“Siyempre kailangan ng exercise, ganyan.

"Kailangan ko gym, kahit na tinatamad ako, ‘no. Hindi talaga ako nagdyi-gym.

“Pero for this role, kailangan ready ako, prepared ako physically.

“Pagdating ko do’n, kasi, March 10, every day na yung rehearsals namin. At puro dance din po yung sa role ni Gigi.

“So, kailangan ano ko do’n, prepared ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN