Gretchen and Marjorie Barretto shy away from intrigues involving sister Claudine

Todo-suporta ang magkapatid na Gretchen (left) at Marjorie (right) kay Julia Barretto (not in photo) na inilunsad bilang brand ambassador ng isang produkto kahapon, February 12.

Dito ay kinumusta ng entertainment reporters ang estado ng relasyon nina Gretchen at Marjorie sa bunso nilang kapatid na si Claudine.

Ngunit umiwas si Gretchen na pag-usapan ang isyu dahil ayaw na raw niyang lumaki ang alitan sa pagitan nila ni Claudine.


Ayaw na munang pag-usapan ng magkapatid na Gretchen at Marjorie Barretto ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

“Huwag nang interview to avoid further damage, if you know what I mean,” sabi ni Gretchen nang subukan siyang kapanayamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment media kahapon, February 12.

Naabutan ng entertainment reporters sina Marjorie at Gretchen na nagkukuwentuhan habang nagme-merienda sa Sky Lounge, Taguig City, kahapon.

Dito ginanap ang mini-bazaar/media event kung saan inilunsad ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto bilang brand ambassador ng Modess.

Matatandaang naging emosyunal si Gretchen nang ibahagi niya sa Buzz Ng Bayan noong January 26 ang tungkol sa masalimuot niyang relasyon sa kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto.

Ipinaliwanag din niya kung bakit kinailangan niyang tumestigo laban sa kanyang bunsong kapatid na si Claudine.

Ito ay kaugnay ng Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ni Claudine laban sa asawa nitong si Raymart Santiago.

Read: Gretchen Barretto on testifying against sister Claudine: "I did not betray her."

Ayon naman kay Marjorie, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap si Claudine.

Wala raw katotohanan ang usap-usapan noong nakaraang buwan na nagkaayos na silang magkakapatid.

“I don’t wanna talk about her. That’s not true [rumored reconciliation].

“Anyway, you see my family, the majority of my family are very close and tight,” saad ni Marjorie.



NOT SHIELDING JULIA FROM INTRIGUES. Bilang ina, ano ang pakiramdam ni Marjorie na kung minsan ay hindi maiwasang madawit si Julia at iba niyang mga anak sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng pamilya Barretto?

Sagot niya, “Kahit saang bagay, madaming challenges na haharapin ang anak ko. I try not to protect them too much.

“Showbiz is even definitely harsher than the real world. Talagang it’s a crazy world.

“They have to learn how to accept bashers [or] know how to ignore them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patunay nito ay ang kaalamang hindi madaling matinag si Julia kapag may mga pagkakataong nahaharap ito sa intriga.

Read: Julia Barretto on controversies involving the Barrettos: "I grew up dealing with this stuff. Hindi na siya bago sa akin."

Read: Julia Barretto dismisses talk that aunt Claudine is against her joining showbiz

Pahayag ni Marjorie tungkol sa lakas ng loob ng kanyang anak: “Very strong girl nga siya, e.

"I don’t know why. Siguro nakikita na lang niya sa akin.

“I’m proud of her. But I know na kahit anong pa-mature niya, there’s a child in her.

“There will be times na hindi niya kakayanin or pagod siya. Maybe one basher will hit a roller in her body.

"I allow her to be a kid that way.”

JULIA’S FIRST TELESERYE. Sa kabilang banda, malaki ang pasasalamat ni Marjorie dahil sunud-sunod ang blessings na natatanggap ng kanyang anak.

Mula raw mailunsad si Julia bilang isa sa hottest young stars ng ABS-CBN ay nagkaroon ito ng walong endorsements.

Excited na rin si Marjorie na mapanood ang anak sa kauna-unahang teleserye nito, ang Mirabella, na nakatakdang umere sa primetime TV sa susunod na buwan.

“I really wish the best for Julia. She’s working hard for that teleserye.

“I just hope people don’t expect too much from her also. Baguhan pa rin siya.

“Pero dinadalasan ko at mas grabe ang pagdadasal ko ngayon.

"Grabe pala pag anak mo ang ipinagdadasal mo!"

Nabanggit din ni Marjorie na bagay kay Julia ang mga napiling leading men nito para sa Mirabella na sina Enrique Gil at Sam Concepcion.

“How can you complain? They’re both very well-bred boys.

"Cute lang, may breeding, polite, may pinag-aralan.

“Sabi ko nga, ‘Julia, sobrang pretty ng face ni Enrique. Talo ka!” natatawang saad ni Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN