Jeric Gonzales eager to star in another teleserye

Hindi raw naiinggit si Jeric Gonzales na ang ka-batch niya sa Protégé na si Ruru Madrid ay hindi nawawalan ng projects sa GMA. Sabi niya, "Bilang naging magkasama sa Protégé, masaya ako na nagkakaroon siya ng maraming projects. Pero siyempre, nakakalungkot din po ako. Kasi bilang winner, deserve ko rin po na ganun.”


Wala pang bagong show sa Kapuso network si Jeric Gonzales, ang itinanghal na male winner sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break.

Katatapos lang ng guest appearance niya bilang batang Gabby Eigenmann sa drama series na Paraiso Ko’y Ikaw, na pinagbibidahan nina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez.

Habang wala pang bagong show ay kumukuha muna ng acting workshop si Jeric kasabay ng voice at English lessons.

“Waiting po ako kung anong ibibigay na project sa akin ng GMA 7,” sabi ng 21-year-old actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, February 11, sa Almond Marina Restaurant sa Megamall.

NOT ENVIOUS. Hindi naman daw naiinggit si Jeric na ang ka-batch niya sa Protégé na si Ruru Madrid ay hindi nawawalan ng projects sa Kapuso network.

Sabi niya, “Bilang naging magkasama sa Protégé, masaya ako na nagkakaroon siya ng maraming projects.

“Pero siyempre, nakakalungkot din po.

“Kasi bilang winner, deserve ko rin po na ganun.”

May tampo ba siya sa GMA?

“Wala naman po,” tanggi ni Jeric

“Pero yun nga lang po, sana magkaroon ulit ako at si Thea [Tolentino] ng show, bilang kami po yung winners sa Protégé.”

Si Thea ang itinanghal na Ultimate Female Champion sa Protégé.

Bilang parehong winners sa nasabing artista search, ginu-groom sila ng GMA bilang magka-loveteam.

Unang nagtambal sina Jeric at Thea sa youth-oriented show na Teen Gen.

Sumunod ay sa Love and Lies na pinagbidahan ni Richard Guttierez, at ang huli ay sa Pyra... Ang Babaeng Apoy.

OPEN COMMUNICATION. Kahit namaalam na sa ere ang Pyra ay tuloy pa rin daw ang communication nina Jeric at Thea.

Sabi ni Jeric, “Malapit po talaga yung loob namin sa isat isa.

"Lagi pong open yung communication namin.

“Parang pareho nga po kaming naiinip, kasi pareho kaming wala pang bagong show sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-uusap kami na sana magkaroon na.”

Bukod kay Thea, sino pang aktres sa GMA ang gusto niyang makatrabaho?

Sagot ni Jeric, “Si Marian [Rivera] ‘tsaka po si Lovi [Poe].

“Magagaling po kasi sila, e. ‘Tsaka nakita ko po yung pag-angat ng career nila.”

Na-meet niya na ba personally sina Marian at Lovi?

“Hindi pa po.”

Sina Dingdong Dantes at John Lloyd Cruz naman ang dalawa sa mga paboritong aktor ni Jeric na gusto niyang makatrabaho in the future.

Ang One More Chance daw ni John Lloyd at One More Try naman ni Dingdong ang paborito niyang mga pelikula ng mga ito.


ACOUSTIC SINGER. Hindi lang pag-aartista ang pangarap ni Jeric. Gusto rin niyang maging isang acoustic singer.

Sa five-year contract na pinirmahan ni Jeric sa GMA, wala naman daw naka-stipulate doon na bibigyan o igagawa siya ng album.

Pero nag-usap daw ang GMA Artist Center, humahawak sa career ni Jeric, at ang manager niya na baka igawa siya ng album kung maghi-hit ng marami ang kanta niyang ilalagay sa YouTube.

"May gagawin po akong mga videos na naggigitara ako habang kumakanta.

“Baka next month na po yun.

“Ilalagay po yun sa YouTube.

“Titingnan po muna kung ilan ang magiging hits nun, tapos baka igawa po ako nila ng album.”

Ang gusto ni Jeric ay makilala siya bilang isang acoustic singer.

Sino ba ang paborito niyang acoustic singer?

“Puro mga bands po ang paborito ko, like Side A Band at saka Freestyle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN