Dingdong Dantes excited and nervous about working with Maricel Soriano for the first time

Dingdong Dantes on giving his best all the time: "Gusto kong pagbutihin lahat. Para pagdating ng panahon pag tumanda, at medyo alam nating hindi na nababagay yung ibang mga ginagawa natin in the past, puwede tayong mag-evolve into something. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala yung original love natin sa industry, which is dito sa showbiz. Ako, mahal ko talaga ang industriya, kaya I do everything to remain here."


Ibinalita ni Dingdong Dantes sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magsisimula na sa susunod na buwan, Marso, ang taping para sa teleseryeng pagsasamahan nila ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

“Oo nga, e, excited na nga ako!” bulalas ng Kapuso Primetime King.

Anong preparations na ang ginagawa ni Dingdong para rito?

Sabi niya, “Wala pa naman.

"Pero siyempre, into character dapat, kasi alam niyo naman na isang malaking karangalan ang makatrabaho ang isang The Diamond Star."

Wala ba siyang nararamdamang kaba o hindi ba siya natatakot sa magiging outcome ng pagsasama nila ni Maricel, lalo na’t kilala ang aktres sa pagiging metikulosa pagdating sa trabaho?

Pag-amin ni Dingdong, “Siyempre meron, may nerbiyos talaga, grabe.

"Pero ako, alam mo, gusto kong gamitin sa magandang paraan yung nerbiyos na yun.

"And I’m sure, this is going to be a milestone for us dito sa GMA-7, yung pagdating niya.”

INSPIRATION TO OTHERS. Pagdating naman sa estado ni Dingdong sa entertainment industry, marami ang umiidolo sa kanya, hindi lamang bilang isang aktor kundi pati na rin sa pagkakawanggawa.

Bagamat kaliwa’t kanan ang kanyang mga ginagawa sa career, sa Yes Pinoy Foundation, at mga negosyo, lagi siyang may panahon sa kanyang pamilya at lovelife.

Paano nababalanse ni Dingdong ang lahat ng aspeto sa kanyang buhay?

Napangiti ang Kapuso actor at saka sinabing, “Lahat talaga nag-uugat sa puso.

"If you really like what you are doing, kahit sa pag-arte, kahit sa buhay per se...

“Ako kasi, I live life kasi.

"Lahat ng pasukan ko, gusto ko gawin yung pinaka-best. Gusto kong pagbutihin lahat.

"Para pagdating ng panahon pag tumanda, at medyo alam nating hindi na nababagay yung ibang mga ginagawa natin in the past, puwede tayong mag-evolve into something.

“Pero siyempre, hindi pa rin mawawala yung original love natin sa industry, which is dito sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, mahal ko talaga ang industriya, kaya I do everything to remain here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN