Jasmine Curtis Smith amazed by stories about the "wild fans" of Nora Aunor

Jasmine Curtis Smith on The Replacement Bride leading man Daniel Matsunaga: “Daniel is not your typical stereotype na model na lalaki, na alam niya na hot siya, alam niya he can get any girl he wants. Siya talaga, parang nandun lang siya, quiet lang siya. Alam naman niya na hindi siya pangit, so hindi siya nag-aano, hindi siya paeksena sa mga tao. Nakikipagkuwentuhan lang siya.”


Isang karangalan daw para sa TV5 Princess na si Jasmine Curtis Smith ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor sa pelikula.

Magkasama ang dalawa sa first directorial job ng dating TV5 executive na si Perci Intalan, ang Dementia.

Kuwento ni Jasmine tungkol sa pagsasama nila ni Nora, “Well, actually we’ve only shot the trailer together.

“Yung shooting mismo is in April pa po, and we’re gonna go out of town to shoot it.

“Ano na siya, tuluy-tuloy na when we start, hanggang matapos na yung mismong movie."

Sabi pa niya, “Ako po yung pamangkin ni Miss Nora and bumalik ako to take care of her because may dementia siya.

“But then I start questioning if it’s really dementia or may nakikita na ba talaga siya na aswang, mga ghosts, ganun.”



STARSTRUCK. Ano ang una niyang impression sa Superstar?

Sagot ni Jasmine, “She’s very quiet… she’s very quiet.”

Na-starstruck daw siya rito.

“Of course! Siyempre, wala pa akong masyadong matsika sa kanya because ano, you don’t know what to say to someone who’s been famous for, you know, that gravity and that length also of time, ‘di ba?

“Kasi, hindi naman nawala yung spark niya as a Superstar.

“And even on set, ikinukuwento nila sa akin kung gaano talaga ka-wild yung fandom for Miss Nora back in the days, and kung gaano talaga kaiba yung mga fans.

“Talagang dudumugin yung house niya, they will stand there, they will wait for her to come out.

“’Tapos there’s a time na she’ll go out to them to say, ‘tapos alis siya, ‘Balik po ako ng ganitong oras!’

“So, it was very overwhelming to hear na ganun pala talaga before, and that’s how people really were for her and how much people really adored her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang for me to meet her is like, ‘Hi po…’ Nahihiya, medyo reserved.”

Ganoon din magsalita ang Superstar.

“Oo, very soft, very soft si Miss Nora.

“So, of course, pag pinagsama mo yung dalawang soft and shy, ‘di ba, parang wala na kaming mapapag-usapan!” natawang sabi ni Jasmine.

Dagdag niya, “But we had small talks lang naman po, so I don’t know her that well pa.”



DANIEL MATSUNAGA. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa press preview ng The Replacement Bride kahapon, February 12, sa Studio 4 ng TV5 sa Reliance St., Mandaluyong.

Ang The Replacement Bride ay bahagi ng Studio 5 Original Movies ng Kapatid Network. Ipalalabas ito sa Martes, February 18.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ng kapareha niya ritong si Daniel Matsunaga?

Sagot ni Jasmine, “Magaan po, kasi mukhang mahal na mahal naman po ni Daniel yung trabaho niya and, ano siya, focused.

“In between breaks na hindi siya kailangan for the sequence, nagbabasa ng script, mine-memorize niya.

“Para yung pagdikta niya ng words in Tagalog, perfect, kasi nga, ‘di ba, meron siyang accent na Brazilian?

“So he wants to really perfect the way he says things.

“And if not, he’ll ask if puwedeng English na lang or if he can rephrase it.

“So, he’s actually very easy to work with.”

Nagguguwapuhan ba siya kay Daniel?

“Of course, sino ba’ng hindi!” bulalas ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis.

Sino kina Daniel at Sam Concepcion ang mas guwapo? Si Sam ang rumored boyfriend ni Jasmine.

“A, pareho silang guwapo!” mabilis niyang sagot.

Hindi ba nagpakita ng interes si Daniel na ligawan siya?

“No, no, no, no!” mariing tanggi ni Jasmine.

“Daniel is not your typical stereotype na model na lalaki, na alam niya na hot siya, alam niya he can get any girl he wants.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya talaga, parang nandun lang siya, quiet lang siya.

“Alam naman niya na hindi siya pangit, so hindi siya nag-aano, hindi siya paeksena sa mga tao. Nakikipagkuwentuhan lang siya.”



OTHER CO-STARS. Kahit daw ang isa pa nilang kasama sa The Replacement Bride na si Edgar Allan Guzman ay masarap katrabaho.

Ayon kay Jasmine, “Masarap kakuwentuhan, kasi kengkoy din siya, yung kuhang-kuha niya yung Pinoy humor na nae-enjoy ko.”

Kasama rin nila sa show si Arci Muñoz.

“Si Arci, matagal na kaming nagkakatrabaho, so matagal na kaming okay ni Arci.

“And then, also because kami nga yung… ‘Di ba, there was a limang or anim na prinsesa ng TV5, lagi kaming nagsasama for shows and for events.”

Bakit The Replacement Bride ang title ng TV movie nila?

“Because the bride of Daniel is replaced by me,” simpleng sagot ni Jasmine.

Si Jasmine ba ay matagal pang magiging bride sa totoong buhay?

“Matagal na matagal na matagal pa po bago yung mangyari!”

Mauuna raw muna ang ate niyang si Anne. Pero wala naman daw silang usapan kung sino ang mauunang mag-aasawa.

“Siyempre mahaba ang buhay, so hindi naman kailangang madaliin,” sabi ni Jasmine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN