James Yap thanks ex-wife Kris Aquino for defending him: “Nagulat ako, anong meron?”

"Thank you at ipinagtanggol niya ako," says James Yap about Kris Aquino defending him from game-fixing accusation.


Nagpasalamat ang basketbolistang si James Yap sa pagtatanggol sa kanya ng dating asawa na si Kris Aquino.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ng ilang bashers na “ibenenta” diumano ni James ang laban ng koponan niyang San Mig Coffee Mixers sa Ginebra San Miguel Kings noong Game 6 ng Philippine Basketball Association (PBA) semifinals, noong Lunes, February 10.

Agad namang dinepensahan ni Kris si James nang mapag-usapan ang isyu sa bago niyang talk show, ang Aquino and Abunda Tonight, noong Martes, February 11.

Sabi ni Kris, “Sa matagal na panahon na kilala ko si James Yap, at nakilala ko ang buong pagkatao niya, hindi niya gagawing magbenta ng laro dahil buong buhay niya, ibinuhos niya for that.”

Diin pa ng TV host-actress, “There’s no reason for him to sell the game.”

Read: Kris Aquino defends ex-hubby James Yap from game-fixing accusations

Ikinatuwa naman ni James ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Kris.

“Ah, thank you at ipinagtanggol niya ako.

“Nagulat ako [sa gesture ni Kris], anong meron?” tila nagtataka pang sabi ni James sa ulat ng SPIN.ph, ang sister sports website ng PEP.ph.

Ayon pa kay James, sanay na siyang makatanggap ng mga negatibong komento tungkol sa kanya.

“Natural ’yan, e. Basta focus ka lang at huwag mo pansinin yung mga nagba-bash.

“Ganun lang, move on, then practice ka lang,”

Nakapanayam ng miyembro ng sports media si James matapos ang Game 7 ng PBA semifinals kagabi, February 12.

Nanalo ang koponan niyang San Mig Coffee laban sa Ginebra sa score na 110-87.

Dahil sa kanilang panalo, pasok na ang San Mig Coffee sa finals kung saan makakaharap nila ang Rain Or Shine.

Read full article on SPIN.ph


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN