Enzo Pineda cooking up a "special and memorable" Valentine date with girlfriend Louise delos Reyes

Enzo Pineda on relationship with Louise delos Reyes: “Siguro we have to be always understanding. We always have to be mature about things and hindi mo dapat ginagamit yung emotions mo. Sometimes, if you’re too emotional, it leads to a wrong decision. So, kailangan isipin mo kung ano talaga yung nakakabuti sa inyong dalawa.”


Umaasa si Enzo Pineda na magiging memorable at romantic ang Valentine date nila ng kasintahang si Louise delos Reyes ngayong araw, February 14.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo, wala pa siyang naiisip na lugar kung saan sila pupunta ni Louise.

Pero simple ngunit espesyal na bonding daw ang pinaplano niya para sa kanilang dalawa.

Sabi niya, “Siguro it’s going to be a simple dinner, watch a movie, give her flowers. Something simple lang naman.

“And para sa akin, importante sa akin na magkaroon kami ng oras na mag-celebrate for Valentine’s.

“And I think that’s the most important thing, kasi busy kami sa work.

“Importante na magsama kami sa Valentine’s, simple dinner, happy na kami dun.”

Nakausap ng PEP si Enzo sa backstage ng Sunday All Stars noong February 9.

May regalo rin ba siya para kay Louise, lalo’t first Valentine nila ito matapos maghiwalay at magkabalikan?

Sagot ni Enzo, “A, meron din, pero secret ko na rin yun.

“Pero for us, every day is Valentine naman, e.

“Ayun, happy lang kaming dalawa.”

SPECIAL AND MEMORABLE. Isang taon din silang nagkahiwalay ni Louise, kaya naman excited daw si Enzo sa naiisip niyang special romantic date nila ngayong Valentine’s Day.

“This is going to be something special and memorable…

“And ang dami kasing nagbago sa akin for the past years, and I’m just really happy sa maturity naming dalawa.

“Lalo na sa Valentine’s na ito, I just want to make her feel special.

“It’s her day, it’s not my day. Gagawin ko lahat para mapasaya ko siya.

“Kung ano ang gusto niya, sige, gagawan namin ng paraan yun.”

Bakit ganito siya ka-all out ngayon sa relasyon nila ni Louise?

Paliwanag ni Enzo, “Kasi I’m really, really happy with what I have right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na sa family ko, lalo na sa mga minamahal ko sa buhay.

“I don’t have problems anymore, unlike before na medyo magulo.

“So, I’m just really happy right now and I get to focus on other things, lalo na yung work ko. Because lahat, okay.

“So, happy lang talaga ako. Happy lang talaga kami.”

Paano naman niya iniingatan sa pagkakataong ito ang relasyon nila ni Louise?

Tugon ng 23-year-old actor, “Siguro we have to be always understanding.

“We always have to be mature about things and hindi mo dapat ginagamit yung emotions mo.

“Sometimes, if you’re too emotional, it leads to a wrong decision.

“So, kailangan isipin mo kung ano talaga yung nakakabuti sa inyong dalawa.”

IT’S LOUISE’S TIME. Wala ba siyang nararamdamang inggit sa tinatamasang tagumpay ngayon ni Louise bilang lead actress, samantalang parang mailap naman kay Enzo ang pagiging leading man?

Sagot ng young actor, “Wala naman.

“I think if it’s her time... my time, mangyayari naman yun.

“As of now, I’ve been working hard and I just wanna do my best all the time.

“Ayokong magsisi na may mali akong ginawa.

“So, I think, yun lang importante.

“Eventually, kung ano yung gusto kong ma-achieve, ma-achieve ko rin yun.

“And I believe that since it’s the Year of the Horse, it’s my year...

"I believe it’s going to be a good year for me.”

Sa palagay ba ni Enzo ay may kulang pa sa mga ginagawa niya para mapansin siya nang husto ng GMA?

Sagot niya, “Para sa akin, laging may kulang.

“There’s always something that you can do better or you can improve on. It doesn’t stop there.

“But if you stop, hanggang doon ka na lang. Hindi maganda yun.

“So, kailangan lagi mong pinu-push lagi ang sarili mo, you always challenge yourself in anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s always something na dapat mong matutunan.

“You always have to be curious and be eager to learn.”

Baka dapat ay magpaka-daring na siya para mapansin nang husto?

“Hindi naman. Well, it’s just like one aspect lang naman yun.

“Marami pa akong aspect na kailangan kong i-improve.

“Basta, maraming mangyayari this year,” sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN