Kristoffer Martin settles misunderstanding with ex-girlfriend Joyce Ching

Kristoffer Martin on possible reconciliation with Joyce Ching: “Hindi ko alam, ayoko namang magsalita nang patapos, ayoko namang mag-close ng door. Pero ang sa akin kasi, ayoko muna ng commitment, e. Siguro, enough na muna ako dun."


Humupa na raw kung anuman ang naramdaman ni Kristoffer Martin sa naging pahayag ng kanyang ex-girlfriend na si Joyce Ching kaugnay ng kanilang breakup.

Taliwas kasi ang mga sagot ng dalawa sa interviews tuwing natatanong tungkol sa paghihiwalay nila.

Kung si Kristoffer ay sinasabing hindi siya ang nag-initiate ng breakup, si Joyce naman ay sinasabing ang young actor ang nakipagkalas sa kanya.

Tungkol naman sa singsing, sinabi ni Kristoffer na hindi niya ito binawi mula kay Joyce. Pero sabi naman ni Joyce, kinuha ulit ito ng ex-boyfriend.

Read: Joyce Ching exasperated by who-broke-up-with-whom issue

Pero ayon kay Kristoffer, okay na sila ni Joyce ngayon.

“Okay na yun, wala na yun, pinalipas ko na yun.

"Actually, pinalipas na namin,” sabi ng Kapuso young actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa VIP screening ng Basement noong Linggo, February 9, sa Podium Cinema.

Pero na-bad trip ba talaga siya noon?

“Sensitive lang!” natawang sagot ni Kristoffer.

“Sa sobrang transparent ko kasi kaya madalas nakikita agad.

“Pero wala, napalipas din naman agad. Inayos din namin.”

Kailan nila inayos?

“Kinabukasan din, sa text, sa tawag, nag-usap kami. Maayos kaming nag-usap.

“Ang sa amin, siguro mali lang ng pagkakaintindi, yun ang napag-usapan.

“Siguro hindi lang masyadong naintindihan ng iba. Siguro mali lang ng pagkakasabi.

“Pero ako, sige, sige, siguro mali rin ako, kasi nag-react din ako agad regarding sa issue namin.

“So, yun lang naman, naging malinaw rin naman agad.

“’Tapos yun, bumalik ulit ang communication namin na nagkaka-text-an kami, kumustahan.

“Lalo na ngayon nagti-taping, magkasama kami sa SAS.

Magkasama sina Kristoffer at Joyce sa drama series na Paraiso Ko’y Ikaw at sa musical-variety show na Sunday All Stars.

FIXING THE PROBLEM. Hindi na nila ginawang isyu ang magkaibang statement nila?

Sagot ni Kristoffer, “Hindi na, nasa amin na rin naman ni Joyce na ayaw na naming palakihin pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, hindi na namin dapat pang pagtuunan ng pansin.

“Kumbaga, kung kaya naming ayusin na sa amin na lang, sa amin na lang.”

Kung mabibigyan ba sila ng pagkakataon, gusto niyang magkabalikan sila ni Joyce?

Tugon ng young actor, “Hindi ko alam, ayoko namang magsalita nang patapos, ayoko namang mag-close ng door.

“Pero ang sa akin kasi, ayoko muna ng commitment, e.

“Siguro, enough na muna ako dun.

“Nagbigay rin naman ako at alam kong nagbigay rin naman siya, may mga times lang na napapagod lang talaga ang tao.

“Siguro ako, pahinga na lang muna.”

Mahal pa rin ba niya si Joyce?

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Kristoffer.

“Siyempre naman, may special place pa rin siya.

“Hindi naman kasi biro yung relasyon namin.

“Hindi naman binabasta-basta ang relasyon namin.”

VALENTINE’S DAY. Ngayong Valentine’s Day, aminado si Kristoffer na maninibago siya dahil wala siyang ka-date.

Nitong nakalipas na dalawang taon kasi ay sila ni Joyce ang magkasama tuwing Valentine’s Day.

Ngayon daw ay nasa taping siya sa mismong Araw ng mga Puso.

Bakit hindi na lang niya yayain si Joyce na mag-date kahit hindi na sila?

Sagot ni Kristoffer, “Hindi naman, kasi baka mamaya magbigay ng ibang meaning kung magbigay ako ng isang simpleng gesture lang sa kanya sa Valentine’s Day. Maisyu na naman.

“Ang sa akin, siguro mananahimik na lang ako sa Valentine’s Day for now.

“Kasi, ilang Valentine’s na magkasama kami ni Joyce—dalawa. So, maninibago.”

Kung yayain niya ba si Joyce sa Valentine’s, kahit bilang magkaibigan lang, ay magkaroon ng ibang kahulugan?

“Oo, e, at the same time, baka umasa rin ako na magkabalikan.

“Ayoko namang pupunta ako sa isang relasyon na hindi ko pa kayang maging buo muna.

“So, huwag muna. Ayoko muna ng commitment,” sabi niya.

Base sa mga pahayag nila sa interviews, parang bukas pa sila sa pagbabalikan, lalo na si Joyce?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Kristoffer, “Sa amin ni Joyce, pareho naming gusto. Pero yun nga, napagod…”

Kumusta ba ang puso niya ngayon?

“Okay naman. Buo naman, pero ayaw munang makipagsapalaran ulit,” sagot ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN