Phillip Salvador stands by Jinggoy Estrada and Bong Revilla amidst PDAF scam issue: "I will never turn my back on them."

Phillip Salvador on Kris Aquino as a mother of their son, Joshua: “Wala na akong mahihiling pa. Ang respeto ko ay mananatili mula noon hanggang ngayon, hanggang mawala na ako rito.”


Kung hindi man umiiwas ay matipid ang mga sagot ng aktor na si Phillip Salvador tuwing natatanong tungkol sa anak niya kay Kris Aquino na si Joshua, na ngayon ay 17 years old na.

Sa panayam nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media kay Phillip sa press preview ng TV-movie na Bawat Sandali, kahapon, February 12, ay idinaan nito ang sagot nang kumustahin ang estado ng relasyon nila ni Josh.

Natatawang sabi niya, “Mag-ama kami, siyempre. Mag-ama pa rin kami, sinagot na kita!”

Bakit tila umiiwas siya tungkol kay Josh?

“E, personal ko iyon, e. Puwede ko namang hindi sagutin iyon, hindi ba?” nakangiting paliwanag ni Phillip.

Kumusta naman sila ni Kris?

“Hindi kami nagkikita, e.

“But, you know, my respect will always be there, because napakabuti niyang ina at nakikita ko kung paano niya inaalagaan si Josh.”

So, wala siyang mairereklamo, wala na siyang mahihiling pa?

Saad ng 60-year-old actor, “Wala, bakit ako magrereklamo?

“Wala na akong mahihiling pa.

“Ang respeto ko [kay Kris] ay mananatili mula noon hanggang ngayon, hanggang mawala na ako rito.”



JINGGOY AND BONG. Inusisa rin si Phillip tungkol sa pagkakadawit ng mga kaibigan niyang sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Ayon kay Phillip, huwag muna sanang husgahan ng publiko ang dalawang kaibigan niyang senador.

“Nakikiusap ako sa publiko, huwag po muna ninyong husgahan si Senator Jinggoy, si Senator [Juan Ponce] Enrile… huwag niyo rin husgahan si Bong.

“Kasi ho, iyong naririnig niyo lang, iyong napapanood ninyo, iyon lang ang nakikita ninyo at naririnig ninyo.

“Pero sa libu-libong taong tinulungan nila at tinutulungan pa rin hanggang ngayon… nakasuporta rin ho sa kanila.”

Hindi ba siya natatakot na baka siya naman ang balikan ng Netizens, na laitin o i-bash, dahil sa pagtatanggol niya kina Jinggoy at Bong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Phillip, “Hindi... matatalino naman silang tao.

“May kanya-kanya naman tayong opinion. ‘Ika nga, mayroon naman tayong freedom of speech na tinatawag.

“So, ako kasi, through thick and thin, hindi ako nang-iiwan sa laban.”

Sa palagay ba ni Phillip, pagkatapos ng imbestigasyon sa PDAF scam ay maaabsuwelto sina Jinggoy at Bong?

“I believe in my heart, maaabsuwelto sila,” sagot ng aktor.

“I believe in my heart… dahil alam ko na nakakapit sila sa Diyos.

“Alam ko na ang pinaka kakampi nila rito, walang iba kundi ang Panginoong Diyos.

“Kasi, if God is with you, who can be against you? Wala!”

Bukod sa dasal, anong klaseng suporta ang ibinibigay niya ngayon sa dalawang kaibigan?

“Well, communication is very important.

“Like, early morning, magigising ako ng mga four or five in the morning, when I read the Bible…

“Ipinapadala ko iyong message sa kanila, kung ano iyong verse na makikita ko.”

Dagdag ni Phillip, “Whatever happens, whatever happens… I love my friends, I respect my friends, and I will never turn my back on them.

“Kahit ano’ng mangyari, kaibigan ko pa rin sila.”



ACTION STAR. Samantala, isa si Phillip sa mga action star na naapektuhan nang maging matumal ang paggawa ng action movies.

Umaasaba ba siyang makabalik ang action movies, ’tulad noong kanyang kapanahunan?

“Of course, of course,” asam niya.

“Actually, marami naman tayong magagaling na artista na puwede mong bigyan ng pagkakataon sa action movies.

“Ang problema kasi, natatakot sila dahil magastos ang action.

“So, nandoon sila parati sa pa-cute, love story… ganyan.

“And of course, I respect the networks, most of the time, ang mga network din ang nagpo-produce ng movies... ang Viva…

“Pero ang wish ko lang talaga, sana ay gumawa ulit si Robbie [Tan] ng mga action-drama films.

“Kasi, si Robbie talaga ang gumagawa niyan dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, I miss Robbie’s films.”

Si Robbie Tan ang producer ng Seiko Films na gumawa ng maraming action movies noon ni Phillip.

BAWAT SANDALI. Kasama si Phillip sa cast ng pelikulang pang-TV ng Studio5 Original Movies, ang Bawat Sandali, na tinatampukan dina nina Derek Ramsay, Angel Aquino, Yul Servo, at Mylene Dizon.

Ito ang pang-grand finale sa love month series ng TV5 na mapapanood sa February 25, 8 p.m.

Ito ay mula sa direksiyon nina Joel Lamangan at Eric Quizon.

Mukhang aktibo na siya sa telebisyon ngayon?

Sabi ni Phillip, “E, which is good, you know. It’s a blessing, God is good.

“So, nagpapasalamat ako at hindi ako nawawala, nandiyan pa rin.


“So, I’m blessed and I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN