Ruby Tuason reveals detailed account of her dubious dealings with Senator Jinggoy Estrada

Inamin ni Ruby Tuason (left photo) na tinawagan siya ni Senator Jinggoy Estrada (right photo) noong panahong nagtatago siya sa San Francisco, California, dahil sa pagkakasangkot niya sa pork-barrel scam. “The truth is he called me. I asked him, ‘Ano ang maitutulong mo sa akin?’ I just wanted to see his reaction. Ang sabi niya, ‘Wala.’ Wala raw siyang maitutulong,” saad ni Tuason.

Humarap si Tuason sa kauna-u


Sa ginanap na Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng pork barrel scam, ngayong araw, February 13, idinetalye ni Ruby Tuason kung kailan at paano niya personal na inabot ang kickback nina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.

Ito ay kaugnay ng pag-release nila ng budget mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa diumano’y mga pekeng non-government organizations na itinayo ni Janet Lim Napoles.



FIRST MEETING WITH NAPOLES. Ayon kay Tuason, ang kanyang asawa ang nagpakilala sa kanya kay Napoles noong 2004.

Interesado raw kasi si Napoles na bilhin ang bahay niya sa Bel-Air, Makati City, kaya’t minsan ay bumisita ito upang inspeksiyunin ang naturang property.

Habang sila ay nagkukuwentuhan, napag-alaman ni Tuason mula kay Napoles na isa itong businesswoman at “supplier of city government contracts.”

Bagamat hindi tuluyang binili ni Napoles ang bahay ni Tuason, kinaibigan daw siya nito at inimbitahan sa opisina ng JLN Corporation upang ipakita ang klase ng business nito.

Pagkatapos ay kinulit daw siya ni Napoles na ipakilala niya ito sa mga kaibigan niyang pulitiko, partikular na kay Senator Jinggoy Estrada.

“She kept on telling me, ‘Pakilala mo ‘ko, pakilala mo ‘ko.’

"So, I called Senator Jinggoy. He calls me ’Tita.’

“I told him, ’This woman wants to meet you. Supplier daw siya. Baka she can [help] your projects.’

"Jinggoy refused. He didn’t want to meet her personally.

“I told Mrs. Napoles, ‘Ayaw ka niyang makilala.’

"Sabi niya, ‘Hindi, sabihin mo nagbibigay ako ng komisyon na 40 percent.’

"I relayed that same message [to Senator Estrada]."



FIRST TRANSACTION WITH SENATOR ESTRADA. Bunsod nito, napapayag umano si Senator Estrada na makipagtransaksiyon kay Napoles at mag-release ng pondong nagkakahalaga ng P37.5 million para sa napag-usapan nilang proyekto.

Bandang September 2004 umano nang puntahan ni Tuason si Senator Estrada sa bahay nito sa Greenhills, San Juan City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay upang personal daw na iabot ang P5.7 na komisyon o kickback ng senador mula sa mula sa pakikipagtransaksiyon nito kay Napoles.

“He received it,” sabi ni Tuason.

Ngunit pagkatapos daw ng isa o dalawang linggo ay ipinasauli ng senador ang pera sa kanya, pabalik kay Napoles.

Lahad ni Tuason, “I asked him why. He didn’t give me a reason.

"Sabi niya, ‘Huwag na lang.’ So I just took it at that.

“He returned it and I returned it to Janet Napoles.

“After that, I heard lang, I heard that it was Mat Ranillo that did it, the project.

“When I saw the accounting record of Benhur [Luy], I was able to confirm that it was really Mr. Ranillo [who served as go-between].”

Si Mat Ranillo ay isang aktor na sumikat nang husto noong late ’70s hanggang early ’80s.



DELIVERING "PORK" MONEY AT SENATOR ESTRADA’S OFFICE. Sa patuloy na pagsasalaysay ni Tuason, ibinahagi niya na ilang taon ang lumipas bago siya muling kinuha bilang “go-between” sa pagitan nina Napoles at Senator Estrada.

Makailang-beses daw siyang personal na nag-abot ng pera kay Senator Estrada sa opisina nito sa Senado at sa Zirkoh comedy bar sa Ortigas.

Ayon pa kay Tuason, kapag sa Senado siya nagde-deliver ng pera, sadyang hindi siya dumadaan sa main entrance upang hindi makita ang bulto ng pera sa loob ng dala niyang bag.

Bagamat wala siyang access pass, mayroon daw tauhan mismo si Senator Estrada na sumasalubong sa kanya sa parking space na nakalaan para sa mga senador, upang makapasok agad ang kanyang dalang sasakyan.

Sa pamamagitan ng pagtingin sa 2010 photo album ng Senate staff members, natukoy ni Tuason ang dalawang lalaking nagsilbing escort niya kapag nagde-deliver daw siya ng pera sa Senado.

Ito ay sina Alfredo delos Reyes at isang nagngangalang “Tani,” na parehong kinilala bilang security personnel ni Senator Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na pahayag ni Tuason, “I delivered in the Senate at least twice. I used a handcarry bag na may gulong.”

Nagkakahalaga diumano ng mahigit-kumulang P8 million o P10 million ang dinala niyang komisyon ng senador sa opisina nito.

Madalas daw ay nagtutungo si Tuason doon bandang hapon, kapag mayroong dinadaluhang session sa Senado si Senator Estrada.

Noong minsan namang nangailangan daw ng cash si Senator Estrada, dinalhan daw ni Tuason ng P1 million ang senador sa Zirkoh comedy bar.

Kasama pa raw niya noong nag-deliver sina Janet Lim-Napoles at asawa nitong si Jaime, isang retired Philippine Marines major.

Ang mga naturang komisyon ng senador ay mula umano sa proyektong pinondohan ng Technology Livelihood and Resource Center (TLRC).



BAD HABIT OF NAPOLES. Ipinaliwanag ni Tuason na ang tanging responsibilidad niya bilang tagapamagitan ay timbrehan si Napoles kapag may nakahanda nang pondo ang opisina ni Senator Estrada.

Sa ganitong pagkakataon, direkta raw niyang nakakatransaksiyon si Senator Estrada o kaya naman ay ang appointment secretary niya na si Pauline Labayen.

“Kapag sinabi sa akin na may project, na let’s say P30 million, tatawag na ako kay Benhur."

Si Benhur Luy ay ang whistleblower sa PDAF scam at dating finance officer ng JLN Corporation.

Patuloy na salaysay ni Tuason, “‘Benhur, meron daw silang P30 million. Ano’ng gagawin natin d’yan?’

"Gagawa na siya ng list kung saan ilalagay yung P30 million.

“Pagkatapos nun, mag-i-email sila sa isa’t isa.

"It doesn’t go through me anymore.

“I don’t know anybody in the implementing agency. I don’t know anybody in the DBM [Department of Budget Management].

“So, ang work ko is really between their office and the office of the senator.”

Nakukuha lang diumano ni Tuason ang kanyang “referral fee” mula kay Napoles kapag tapos na ang buong transaksiyon.

Bagamat may ideya si Tuason kung magkaano ang komisyon niya sa bawat proyekto, hindi umano niya nakukuha ito nang buo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Mrs. Napoles has a bad habit of reneging from her commitment as far as I’m concerned.

“She doesn’t renege as far as the senators are concerned. Natatakot siya baka mawala.

"Pero minsan sa akin, sasabihin niya nalugi siya. I don’t know how siya nalulugi.”

Nabanggit din ni Tuason na nagkaroon siya ng pagkakataong ipakilala si Napoles kay Senator Estrada sa burol ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez noong June 2008.

Pagkatapos ng pagkikita nilang iyon ay hiningi umano ng senador mula kay Tuason ang contact number ni Napoles.

“I didn’t ask why. I just gave it.

"Before I knew it, he wasn’t anymore doing business with me.

“Sometimes, ina-advance ako ni Mrs. Napoles.

"It’s Mrs. Napoles who gives me the commission."

STATE WITNESS. Sinabi ni Tuason na nagdesisyon siyang lumantad sa publiko at mag-apply bilang potential state witness dahil inusig siya ng kanyang konsensiya.

Matatandaang lumipad patungong San Francisco si Tuason noong August 2013, sanhi ng inilunsad na imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga sangkot na mambabatas.

Ano ang naging mitsa upang siya ay magdesisyong tumestigo tungkol sa pork-barrel scam?

Sagot ni Tuason, “There was a church that I found. It was open 24 hours a day.

"I find myself going there every day. Iyak lang ako nang iyak.

"Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala of what I did.

"I felt so guilty.

“I don’t want to die with 18 million Filipinos hating me.

"I don’t want to die with my grandchildren being ashamed of me.

“So, I felt I had to correct my mistake.

"And I felt I couldn’t possibly right a wrong with another wrong.”

Sa huli, inamin din ni Tuason na sinubukan niyang humingi ng tulong kay Senator Estrada bago siya nag-apply na maging state witness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi raw tulong na pinansiyal ang inaasahan ni Tuason, kahit pag-refer sa abugado na magtatanggol sa kanya ay hindi raw ipinagkaloob ng senador.

“The truth is he called me.

"I asked him, ‘Ano ang maitutulong mo sa akin?’ I just wanted to see his reaction.

"Ang sabi niya, ‘Wala.’ Wala raw siyang maitutulong.”

Ito ay sa kabila ng kaalamang kahit kailan ay hindi siya ay nagtanim ng sama ng loob sa senador, nang hindi na siya nito kunin bilang tagapamagitan kay Napoles.

Ani Tuason, “Ilang taon na rin kaming walang transaksiyon. And I was still close to them.

“It didn’t really upset me. ’Coz he always denied it anyway.

"I already knew, but they never admitted to me that they were already transacting directly."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN